PRINCESS POINT OF VIEW
"Bakit hindi ka pa kumain wifey?" Tanong sa akin ni Grey
Tssss...... yan ako kapag nagagalit tinatawag ko na siyang Grey kainis kasi...may bago na silang nakilala parang nakalimutan nila ako....kainis bwesit kang Casy ka alam ko hindi ka mabait at alam ko ang BAHO mo sa aura mo pa lang alam ko may intention ka isa sa amin at yon ang aalamin ko....
"Ano naman ang paki mo Grey?" Balik kung tanong sa kanya
"Ano ba ang nangyayari sayo Safire" Galit na sabi ni Grey sa akin
"I think we can go now, sige Grey ikaw na ang bahala diyan" Sabi ni Kent then umalis na silang LAHAT so ako at si Grey na lang ang naiwan sa office na ito
"Saf what's happening to you? Hindi ka naman ganyan?" Kalmadong tanong sa akin ni Grey
"Wala" Maikli kung sagot sa kanya
Ayaw ko muna sabihin sa kanya ang hinala ko kay Casy, gusto ko si Casy mismo ang magsasabi ng totoo sa kanila, at yon ang gagawin ko
"Anong wala eh parang bumalik ka na sa dati mung ikaw" Sabi niya sa akin
"I think sa trabaho lang to" Palusot ko sa kanya
"Kumain ka muna wifey, ayaw ko na mag-kasakit ka at isa pa pwede mag-pahinga ka muna" Sabi niya sa akin
Kaya nga MAHAL ko tong tao na ito dahil sobrang caring niya at minahal niya talaga ako ng sobra pero may umepal at yon ay si CASY, capslock para intense
"Kailangan ko pa ito tapusin" Sabi ko sa kanya
"Pwede mamaya na lang yan, halika nga dito" Sabi niya sa akin sabay kuha sa kamay ko at kinaladkad palabas ng office
"Hubby saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya
"Kailangan mo muna kumain at mag-pahinga" Sagot niya sa akin
Habang nag-lalakad kami ay may mga nag-bubulungan, yung iba ay insecure, yung iba naman ay kinilig pero hindi na lang namin yon pinansin hanggang dumating na kami sa fields at doon umupo kami sa ilalim ng puno
"Akala ko ba kakain ako?" Tanong ko sa kanya
"Papunta na dito ang pag-kain" Sagot niya
Hindi na lang ako nag-salita hanggang dumating na yung pagkain at ang kinahiya ko ay sinusubuan niya pa ako SWEET no? Hehehehehehe
"Pwede ba hubby ako na lang ang susubo para sa akin hindi ako baldado" Sabi ko sa kanya
"No ako ang susubo para sayo, wag kang aangal" Sabi niya sa akin
Tssss, hindi na lang ako umangal pa at isa pa hindi naman yan mag-papatalo kaya ako nalang ang nag-papatalo baka umabot pa ito sa away naku wag na, ayaw ko pa naman na mag-away kami ng dahil lang sa maliit na bagay
Ng matapos na ako kumain ay humiga ako sa lap niya
"Matulog ka muna wifey" Sabi niya sa akin
Tumango na lang ako then natulog na
GREY POINT OF VIEW
"Matulog ka muna wifey" Sabi ko sa kanya
Kaya tumango lang siya bilang sagot then pinikit na niya yung mga mata niya. Tinignan ko lang siya ng mabuti at naging ganito ang itsura ko ^____________^ ang saya ko kasi siya ang magiging asawa ko. For me, she's PERFECT, at hindi ko hahayaan na mag-away kami and I will protect her no matter what happen at isa pa hindi ako mag-sasawa na mahalin siya. Sobrang ganda niya, she's a GODDESS for pete's sake, yung pilik mata niya ay mahaba at itim na itim, yung ilong niya ang cute, yung pisngi niya ang pula parang rose lang then lastly yung labi niya is a red kissable pink lip, yan tuloy sarap niyang halikan naa-addict na ako sa mga labi niya nakaka-tempt pero of course pinipigilan ko yung hormones ko dahil alam ko hindi pa siya handa at higit sa lahat, soon pa yon hehehehehe kapag mag-asawa na kami. *sigh* Na imagine ko tuloy ang magiging future namin, kahit bading pakinggan pero ito eh kapag nag-mahal ka magiging-corny ka at sweet sa taong mahal mo. Hmm.... sa naisip kung future of course gagawa kami ng anak hindi lang isa kung pwede lang madami ok lang yon sa akin, pero bago yan alam ko may dadaan na pag-subok sa amin at yon ang haharapin namin, kapag na solve namin ang aming pag-subok ay ibig sabihin ay matatag kami. Pero hindi pa rin mawawala ang alitan namin katulad kanina, but of course ako ang susuyo sa kanya ayaw ko kaya magtagal ang away namin
*hhmmmm*
Nagising naman si wifey, then bumangon na siya sa pagkakahiga sa lap ko, sayang nabitin ako
"Anong oras na?" Tanong niya sa akin
"3 pm" Sagot ko sa kanya
"Sige babalik muna ako sa office hubby" Sabi niya sa akin
"Sama ako" Sabi ko sa kanya
Hindi naman siya sumagot then tumayo na ako then nag-lakad na kami papunta sa office...