Chapter 7

1269 Words
KENT POINT OF VIEW Nasa school na pala kami ngayon kasama si Casy pero nakakapagtataka na wala si pinsan nasaan kaya siya eh hindi naman siya mala-late *sigh* ano kaya ang nangyari sa kanya? "Grey nag-away ba kayo ni Saf?" Tanong ni Hannah "Hindi" Maikling sagot ni Grey "Eh bakit hindi natin siya kasama?" Tanong ni Mica "At bakit hindi mo siya kasama papunta dito?" Tanong naman ni Brent "Pag-punta ko sa kwarto niya ay wala na siya, sabi daw ng mga maids ay maaga siyang umalis sa mansion papunta dito, baka nandito lang yon sa tabi-tabi" Sabi ni Grey Pero alam ko na nag-aalala yan hindi lang niya yon pinapakita sa amin *sigh* naku Grey sobrang inlababo ka na talaga kay pinsan ~~Classroom~~ Ng makarating na kami sa classroom ay pumasok na kami pero wala pa rin si pinsan, nasaan na ba yung babae na yon? Saan ba siya nag-susuot, naman oh~~ sana walang masamang nangyari sa kanya. Kahapon lang siya nawala, ni hindi na nga pumasok sa second class eh~ "Wala si Saf, nasaan kaya siya"? Tanong ni Mica "Ano ba ang nangyayari sa kanya, kahapon pa siya hindi pumapasok" Sabi naman ni Hannah Pinsan nasaan ka ba? Naman ohh~ ano ba ang nangyayari sayo? GREY POINT OF VIEW Bwesit naman oh! Nasaan ka na ba wifey, bakit ba ang aga-aga mo umalis at nasaan ka na ba ngayon? "Sige alis muna ako" Sabi ko sa kanila "Sama ako sayo Grey" Sabi ni Casy sa akin "Wag na" Maikli kung sagot sa kanya "Sige na please gusto ko kasi siya maging kaibigan at isa pa gusto ko mag-pakilala sa kanya ni hindi nga ako nag-pakilala sa kanya kasi ang tahimik niya kahapon" Sabi niya sa akin "Fine" Maikli kung sagot sa kanya Kaya nag-lakad na kami papunta sa office niya baka sakali nandoon siya ~~Office~~ Ng makarating na kami sa office ay pumasok na ako, este kami pala. Ng makapasok kami ay nakita ko si Butler at si wifey "Butler anong nangyari sa kanya" Tanong ko kay Butler "*bow* Good Morning Young Prince, si Young Princess po kasi ang gumagawa sa mga gawain sa school na ito kaya napagod po siya kaya ayan nakatulog" Sagot niya sa akin "Bakit siya pa ang gumagawa?" Tanong ko sa kanya ulit "Tinawagan po kasi siya ni Master na siya muna ang magma-manage sa Park International Academy at siya muna ang magiging Dean dito, kaya bukas na bukas po ay may ceremony para ipakilala si Young Princess bilang Dean sa school na ito" Sagot naman ni Butler Tinignan ko si wifey na natutulog sa lamesa at madami pang papeles ang hindi pa niya nagagalaw na nasa gilid lang *sigh* pagod na pagod na talaga siya. Kaya lumapit ako sa kanya at binuhat papunta sa sofa upang makatulog siya ng maayos. Ng malagay ko na siya sa sofa ay hinalikan ko muna siya sa forehead bago ako umalis sa office ~~Classroom~~ "Ano nakita niyo ba si Saf?" Tanong agad sa akin ni Mica "Oo" Sagot ni Casy "Ano ok lang ba siya?" Tanong ni Hannah "Pagod lang siya, kasi siya ang nagma-manage sa school na ito at siya muna ang magiging Dean kaya ayon nasa office siya natutulog" Sagot ni Casy Umupo na lang kami *sigh* bakit si wifey pa ang magiging Dean? Yan tuloy magiging busy siya at hindi ko pa makakasama dahil sa office lang muna siya *sigh* PRINCESS POINT OF VIEW Pag-gising ko ay nagtataka ako kasi nasa sofa na ako, diba nasa table lang ako natutulog? "Butler sino ang nag-lipat sa akin dito sa sofa?" Tanong ko sa kanya "Si Young Prince po Young Princess" Sagot sa akin ni Butler Ahhhh, so nandito siya kanina at paano niya nalaman na nandito ako "May kasama po ba siya?" Tanong ko sa kanya "Opo Young Princess isang babae na maganda" Sagot sa akin ni Butler Tsssss, si Casy bwesit naman, oo na nag-seselos ako ok? *sigh* Sino ba ang hindi mag-seselos diba? Kung ang mahal mong tao ay may kasamang ibang babae. Pero may mali talaga kay Casy at kailangan ko yon malaman, humanda ka sa akin Casy kapag nalaman ko kung anong pakay mo hindi ako mag-iisip na patayin ka dahil alam ko may pakay ka at alam ko na hindi ka lang basta-basta Bumalik na ako sa ginagawa ko, maya-maya ay nakaramdam ako ng gutom kaya nag-decide ako na kumain muna, kaya tumayo na ako then lumabas na sa office papunta sa cafeteria ~~Cafeteria~~ Ng makarating na ako sa cafe ay nakita ko sila nag-tatawanan kasama si Casy, at ang MAS masahol pa ay katabi niya si hubby, bwesit na araw na ito. Bumili na lang ako, mas gusto ko pa kumain sa office, tsssss ni hindi nga ako nila dinalhan ng pag-kain duon. Nakita naman nila ako kaya tinawag nila ako "Saf!!" Sigaw nila Mica at Hannah "Pinsan/Saf/Wifey" Sigaw nila pinsan, Brent at ni hubby Pero binaliwala ko na lang sila, bahala sila diyan. Masaya naman sila na kasama si Casy ni hindi nga nila ako naalala bwesit. Nag-lalakad lang ako ng may biglang humawak sa kamay ko kaya napalingon ako then nakita ko sila. So sinundan nila ako "Saf tinawag ka namin pero hindi mo narinig kaya tumakbo kami papunta sayo" Sabi ni Mica sa akin "Saf ano ba ang nangyayari sayo?" Tanong sa akin ni Hannah "Wala" Maikli kung sagot sa kanila "Pero bakit iba ang kinikilos mo?" Tanong sa akin ni Brent "Busy" Maikli kung sagot HANNAH POINT OF VIEW Bakit parang-------parang bumalik sa dati si Saf na maikling sumagot at cold, yeah tama ang basa niyo naging cold siya "Saf bakit bumalik ka sa dati?" Tanong ko sa kanya "Busy lang ako" Sagot niya then umalis na Anong nangyari sayo Saf? Bakit nag-iba na ang pakikitungo mo sa amin? "Ano puntahan natin siya sa office at tulungan natin siya sa ginagawa niya" Yaya ni Mica Kaya tumango kami ~~Office~~ Ng makarating na kami sa office ni Saf ay kumatok muna kami *knock* *knock* *knock* Then biglang bumukas ang pintuan at nakita namin si Butler ang Butler ni Saf at Grey "*bow* Hello po Young Ladies, Young Masters and Young Prince" Bati ni Butler "Pwede ba kami pumasok?" Tanong ni Kent "Sorry po Young Master Kent pero hindi pwede kasi ayaw mag-paistorbo si Young Princess" Sagot ni Butler "Kumain na ba si wifey?" Tanong ni Grey kay Butler "Hindi pa po" Sagot naman ni Butler Ano? Eh~ bumili kaya siya ng pag-kain kanina, saan yon napunta? Or baka hindi pa siya kumakain? "Bumili siya kanina sa cafe ng pag-kain pero sinabi mo na hindi pa siya kumain?" Tanong ni Brent Tumango lang si Butler "Bakit hindi pa siya kumain?" Tanong ko sa kanya "Nawala daw po siya ng ganang kumain" Sagot ni Butler "Papasukin mo kami" Ma-awtoridad na sabi ni Grey Kaya pinasok na kami at nakita namin si Saf na busing-busy sa ginagawa niya, ni hindi nga kami napapansin na pumasok "Bakit hindi ka pa kumain wifey?" Tanong ni Grey kaya napatingin sa amin si Saf na POKER FACE Bumalik na ba yung dating Saf? Bakit naman siya bumalik sa dating siya? At higit sa lahat anong nangyayari sa kanya kahapon? Aish ang daming tanong sa utak ko pero hindi naman ito masasagot
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD