4 - Sir

2119 Words
Kabanata 4 Nagising ako dahil sa sakit ng aking katawan, lalo na sa aking pagka-babae. Madilim pa sa labas at pakiramdam ko ay nagwagi ako dahil hindi ako nagtagal sa pagtulog. Suot ko pa rin ang maskara at mukhang hindi naman iyon nagalaw ng lalaki para tignan ang mukha ko. Dahan dahan kong kinuha ang kamay ng lalaki na nasa dibdib ko. Tulog na tulog pa rin siya at parang pagod pa dahil sa nangyari kagabi. Dahan dahan ang galaw ko sa pagkuha ng gamit ko at pagbihin bago tuluyang lumabas ng unit niya. Naka-short at malaking t-shirt ang suot ko, na t-shirt ng lalaki dahil lahat ng damit na niligpit sa akin ni Lu ay sexy lahat. Pagkababa ko ng building ay pumara kaagad ako ng taxi papunta sa apartment na tinutuluyan namin ni Auntie. Napabuga ako ng hangin habang nag-aayos ng buhok sa loob ng taxi. Pagkadating ko sa apartment ay binuksan ko ang pintuan at pumasok. Bumungad sa akin si Luningning na umiiyak. Kaagad akong nag-alala. “Anong nangyari, Lu?” nag-aalala kong tanong. “Bakit ka nandito sa bahay? Nasaan si Aunti?” muli kong tanong. “Tumakbo…” naiiyak niyang sagot. “Ano?!” “Tinakbo niya ang pera mo… May kalalakihang pumunta rito kanina at sumama siya. Ito,” sabay bigay niya ng papel sa akin. “Iyan lang iniwan niya para sa ‘yo, maging ang utang niya sa akin ay hindi man lang buong binigay sa akin. Halos ilang milyon ang para sa ‘yo Mona, ito lang ang iniwan niya! Tangina talaga niya!” Nilamon ng gulat ang buong pagkatao ko at napatingin sa cheque’ng nasa kamay ko. “One hundred thousand?!” sigaw ko, hindi makapaniwala sa liit ng iniwan niya sa akin. Halos, hindi na ako makahinga sa ginawa ng lalaki sa akin tapos ito lang makukuha ko. Walang hiya talaga si Auntie, milyon ang makukuha ko do’n eh! Hindi ako makapaniwala na nagawa niya din sa akin ang mga ginagawa niya sa dating mga hinahandle niya. “Binayaran na daw niya lahat ng utang mo at utang niya kaya ‘yan lang ang makukuha mo. Maging mga utang ko ay binayaran na niya ngunit putang ina, fifty thousand lang binigay sa akin at halos kalahating milyon ang binigay sa akin ng mayaman na lalaki!” galit na galit na sabi ni Lu. “Nagsabi ba siya kung saan siya pupunta? Baka babalik din iyon, masyadong maliit ito Lu, gusto ko nang mag aral ngayon taon, pagod na pagod na akong magtrabaho.” “Hindi na ‘yon babalik!” singhal ni Lu sa akin, “Talagang tinakbo niya ang pera mo, narinig ko siya kasama ang lalaki. Sinubukan ko siyang kausapin na h’wag niyang gawin sa ‘yo ang mga gawain niya sa mga dating hinahandle pero hindi nakinig sa akin, hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip ng Auntie mo, Mona Lisa!” Napapikit ako at talagang totoo ang lahat ng nangyayari ngayon. Sinubukan naming tawagan si Auntie sa gabing iyon ngunit hindi na siya makontak. Maging mga kaibigan niya sa underground ay wala ring nakakaalam kung nasaan siya. Talagang tinakbo niya ang pera naming dalawa ni Luningning. Wala kaming nagawa ni Luningning kung ‘di tanggapin ang katotohanan naitangay na niya ang pera. Namuhay kami ni Lu ng dalawa. Sa apartment ko siya nakatira, ayon sa may ari ng apartment ay advance dalawang taon daw ang binayad ni Auntie bago iyon umalis, mabuti naman kung gano’n tinakbo na nga niya ang pera tapos papaproblemahin pa ako tuwing katapusan ng buwan. Halos isang buwan na nang tumakbo si Auntie hindi pa rin namin alam ni Lu kung saan kami magtatrabaho. Hindi na kami lumapit pa sa underground dahil ayaw namin ni Lu na masanay doon. Ayaw namin na iyon ang takbuhan namin sa tuwing wala kaming pera, meron pa namang ibang trabaho. Iyong disente at hindi katawanan ang puhunan naming dalawa. “Ano nakahanap ka na ng trabaho?” bungad sa akin ni Lu pagkadating ko galing sa isang job fair. Hindi ako nakatapos pero naka dalawang taon din naman ako sa college pero kahit gano’n ay mahirap pa rin talaga dahil ang gusto nila ay iyong nakatapos talaga. At hihintayin ko lang kung meron tatawag sa akin, doon din daw malalaman kung pasok ako o hindi sa mga inapplyan ko. Kibitbalikat ako bago sumagot. “‘Di ko pa alam, hihintayin ko pa daw ang tawag.” “Mabuti naman kung gano’n,” aniya na ikina-kunot ng noo ko. “Gaga, h’wag kang magalit d’yan may nahanap na ako trabaho. Sa hotel! Hindi bilang attendant doon ha, washer sa dining area nila. Masyadong sikat daw ang hotel kaya maraming nagchecheck-in at kailangan na kailangan nila ang washer at iba pang gagawa ng trabaho.” dugtong niya. Nag iba ang ukit sa mukha ko at napalitan iyon ng ngiti dahil sa wakas may sigurado ng trabaho. Umalis din kasi kanina si Lu para maghanap ng trabaho at mabuti naman ay may nakuha siya. “Sinong nagsabi sa ‘yo? Nag-apply ka na ba?” tanong ko. “Iyong nakilala ko sa underground, mabait ‘yon at siya ang nagsabi sa akin. Doon siya nagtatrabaho.” At talaga kung pinapala ka nga minsan. Hindi kami nagpatumpik tumpik ni Lu dahil kinabukasan ay pumunta talaga kami sa hotel na sinsabi niya. Napanganga ako habang nasa labas pa lang kami, hindi nga nagsisinungaling ang babaeng ito dahil sikat nga ang restaurant at parang nakita ko na sa tv commercial. “Sino ba ang may ari nito ha?” sabay hampas ko sa braso ni Lu. Medyo na excite lang ako dahil kahit papaano nagamit ni Lu ang mga koneksyon niya sa underground. Hindi man siya nagtagal doon at least may nakilala siyang makakatulong sa amin. “Secret! Makikilala mo rin siya, h’wag ka ngang ano d’yan! Tara na nga!” sabay irap pa niya sa akin. Natawa ako sa kanya. Hinala na niya ako papasok sa loob ng hotel. Humigpit ang hawak ko sa braso niya dahil sa salubong ng malamig na hangin galing sa aircon. Pareho kaming manghang dalawa. Ganito kagarbo rin ang building na napasukan ko noon, iyong sa unit ng lalaking naka-bid sa akin. Sa gilid kaming dalawa ni Lu habang nakatingin sa paligid. Sa palagay ko ay ayos lang naman ang suot namin at pasok naman diba, pero kahit gano’n ay pinagtitinginan pa rin kami o sadyang… hindi lang ako sanay sa ganito na pakiramdam ko ay nakatingin ang mga mata sa amin. “Nasaan na kaya ‘yon, sabi niya siya maghihintay sa atin tapos siya pa ‘yong wala. Nakakainis!” iritadong sambit ni Lu. “Ano ba ang pinag-usapan niyo? Baka scammer ‘yon ha!” ani ko pa. “Gaga, hindi ah. Dito nga siya nagtatrabaho at sabi niya sa akin siya na raw ang mabahala sa atin at tinawagan ko rin. Ewan ko ba kung bakit Wala pa siya.” sabay linga linga niya sa paligid. “Maupo muna kaya tayo? Masyadong mataas ang heels na pinasuot mo sa akin, kabog pa natin ang mga attendant dito!” Umirap si Lu. “Nagpapagood shot nga tayo eh, tiisin mo lang.” Sarap ding hampasin minsan ng babaeng to. Pagkatapos akong pilitin sa susuotin ko ngayon magtitiis pa ako! Ilang minuto kaming dalawa nakatayo ni Lu sa gilid hanggang nakaramdam ako ng pagka-ihi. Giniginaw na rin ako kahit na naka long sleeve ako, isama pa ang sakit ng paa ko. “Ano ba! Napakadami mo namang intermission number!” reklamo pa niya sa akin ngunit Wala na talaga ako nagagawa dahil ihing ihi na ako. Hindi rin alam ni Lu kung saan ang cr kaya ako na mismo ang naghanap. Nagtanong tanong na rin hanggang sa nakapasok ako sa cr. Binilisan ko ang aking galaw at bumalik kay Lu. Nanliit ang mata ko nang makita siyang may kinakausap na tatlong lalaki. Hindi ko kilala ang mga iyon kaya nagtataka lang ako. Dahan dahan akon lumapit kay Lu hanggang sa nakarating sa kanyang likuran. Napasinghap na lamang ako nang makita ang isang pamilyar na mukha. Si SIR!!! Iyong lalaking nag-bid sa akin ay narito ngayon! Kompermado na siya iyon dahil sa tattoo niyang nasa leeg at nasa kamay. Medyo umiba lamang ang kanyang mukha dahil nakaahit siya at ang buhok ay medyo humaba ngunit malinis naman ang paggupit. “Ah! Ito nga pala ang isa kong kasama si Mona, Mona si Nicolaus at mga kaibigan niya…” pakilala ni Lu at pinandilatan pa ako. Pwersahan akong ngumiti at nakipagkamay sa kakilala niyang si Nicolaus. Ito ba ang lalaking kilala niyang nagtatrabaho rito? Sa pananamit mukhang hindi lang nagtatrabaho, mukhang may ari pa nga nitong hotel! Talaga naman, sa underground ito napulot ni Lu. Pambihira, hindi lang ako makapaniwala. Tumaas ang tingin ako sa lalaking si Mr. De Luca. Iyong ang natatandaan kong sinabi sa akin at usap usapan na rin ng mga kababaehan sa stage na. Nagtama ang aming paningin, kita ko kung paano umangat ang kanyang kilay sa akin. Teka lang, kilala niya ba ako? Nakita niya ba ang mukha ko? Sinilip niya ba ang mukha ko sa maskara habang natutulog ako? Gulong gulo na ang isipan ko dahil sa mga iniisip kong tanong. Sana naman ay hindi niya ako kilala, masyadong nakakahiya kapag nagkataong kilala niya ako! “My friends are living now, umalis na kayo. Sabi nito busy pa kayo!” taboy ni Nicolaus sa kanyang mga kaibigan. “Hindi mo man lang kami ipapakilala sa kanila, Nico? Masyado ka namang nagmamadali, hindi naman kami masyadong busy—” “Let’s go now,” isang mautoridad na sambit ni Mr. De Luca dahilan kung bakit naputol sa ere ang sinasabi ng isang lalaki. Wala na siyang may naidugtong pa at sinunod ang sinabi ni Mr. De Luca. Habang papaalis sila, kita ko pa rin ang mariing titig ni Mr. De Luca sa akin. May bahid ng pagtataka sa kanyang mukha ngunit hindi man lang nagtanong. Mabuti naman kung gano’n, ayaw kong pag usapan ang bagay na ‘yon. “Mabuti naman at umalis na ang mga kaibigan mo, nakakatakot sila. Lalo na iyong maraming tattoo.” si Lu sa gilid ko. Napatingin ako sa kanya. Napailing iling pa at mukhang natatakot talaga. Kilala ni Lu si Mr. De Luca sigurado ako, nag iinarte lang yan ngayon. “H’wag niyo ng pansinin, may problema lang kaya gano’n ang aura niya. Ano magsisimula ba kayo ngayon? Maraming available na pwesto at sinabihan ko na rin ang head tungkol sa inyong dalawa, Louisiana. Louisiana?! Sinabi ni Lu sa lalaking ‘to ang totoo niyang pangalan habang nasa underground?! Kakaiba din ang babaeng ‘to. Napakalande! Napakagat ng labi si Lu. “Saan ba kami pupunta? Wala kaming alam ni Mona tungkol sa hotel na ‘to” Sinamahan kami ni Nico, nag sorry din siya sa amin na pinaghintay daw niya kami. Nagkaroon siya ng emergency meeting kaya natagalan siya. Oo, tama nga ang iniisip ko kanina pa na hindi lang siya simpling empleyado kung ‘di siya talaga ang may ari nitong hotel. Kaya naman pala malakas ang loob ni Lu nasabihin sa akin dahil may kapit siya. Pero kung hindi kami kakagat, wala din naman kami mapapala sa buhay. Magpapasalamat na lang ako dahil kahit papaano ay may trabaho pa akong napasukan. Si Nico na ang nag explain ng lahat para sa aming dalawa, may head para sa cleaning at binilin niya kaming dalawa doon dahil may trabaho pa daw siya. “I’ll call you, I'll be busy but I will be here later.” dinig kong bulong niya kay Lu. Tumango naman ang kaibigan ko, walang emosyon ang mukha. Kapag ako yan magtatalon na ako sa kilig. Nagsimula na kaming magtrabaho ni Lu. Nasa buffet or dining area kaming dalawa at naghuhugas ng plato. Masakit na ang kamay ko pero marami pa rin talagang hugasin. Kaya siguro walang nagtatagal dito dahil nakakapagod talaga. “Sir!” dinig kong sambit ng head namin. “I haven't received any information of your visitation, Mr. De Luca. Do you need anything? Any suggestions for your lunch?” Sabay kaming napaangat ng ulo ni Lu. Kahit hindi namin napag usapan ang tungkol dito kanina. Alam kung alam niya na ang lalaking iyon ang nag bid ng malaki sa akin. “I want steak,” simpling sagot ni Mr. De Luca. Laking gulat ko nang mapatingin ako sa bandang pintuan ay napatingin din siya sa gawi kung nasaan ako ngayon kaya napatago ako ng wala sa oras. “Si Gaga, pahalata!” mahinang bulong ni Lu dahil doon ay kinabahan ako. Kilala niya ba ako?! O sadyang… costumer lang talaga siya dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD