Kabanata 5
Dinig ko ang pagtikhim ni Lu dahilan para bumilis ang kamay ko sa aking ginagawang paghuhugas ng plato. Umangat ang tingin ko at makahulugan niya akong tinitigan.
“Anong ginagawa niya dito?” mahinang bulong ko sa kanya.
“Malay ko, wala akong alam kung ano ang posisyon niya sa hotel na ‘to. Mamaya na natin pag usapan magtrabaho muna tayo at h’wag kang pahalata baka matanggal kaagad tayo sa unang araw ng trabaho.” medyo naiinis niyang ani, hindi ko alam kung bakit nag iba ang timpla mood niya. Parang kanina noong papunta kami dito ay ayos pa naman ngayon, ang sungit sungit na.
May nangyari ba na hindi ako alam?
Wala akong nagawa kung ‘di ang mapabuntong hiniga at magfocus sa ginagawa namin. Kuryoso na ako kung bakit siya nandito at bakit siya narito sa loob ng kitchen area gusto kong magtanong ulit kay Lu pero alam kong magagalit lang iyon sa akin. Kaya tikom na lang ang bibig ko habang busy sa ginagawa.
Napa-sulyap ako sa gawi kung saan si Sir at nataranta ako nang mahagilap siyang nakatingin pala sa gawi ko. Dinig ko ang pagsuway sa akin ni Lu nang kamuntik ko nang malaglag ang platong hawak hawak ko. Kinabahan ako doon, ramdam ko ang hagupit ng aking dibdib.
“Steak lang po ba, Sir? Gusto niyo po bang ipadala mamaya sa room ninyo o dito kayo sa buffet area kakain?” iyong Head namin ang nagtanong.
“Steak and my usual order. I have important things to do in my room, so I need room service.” Dinig kong sagot niya sa isang edukadong english.
My room? Wala ba siyang bahay at dito siya sa hotel namamalagi?
Pero bakit ko ba pinoproblema ang hindi ko naman kilala?
Muli kung bigyan ng tuon ang aking ginagawa ngunit hindi ko talaga kayang hindi makinig sa kanilang pinag-uusapan. At masyado rin silang malapit sa amin kaya dinig na dinig ko talaga ang kanilang usapan.
“Alright, Sir. I’ll tell my crew about it. Just call, and we’ll deliver your food on time.” tugon ng head naming babae.
Tumahimik sa gawi nila, gusto ko sanang sumilip ngunit hindi ko na kinaya dahil baka mahuli na naman ako.
“Is that all, Sir? Do you still need anything?”
Hindi na sumagot ang lalaki at lumabas na nang kusina. Dinig ko ang pagbuga ng hininga ng head namin bago umupo sa upuang nasa tabi niya.
“Jusko po, sobrang sungit pa naman no’n. Mabuti na lang talaga at good mood, parang mahihimatay ako sa tuwing nakakausap ko ‘yon dahil sobrang strict sa lahat. H’wag na h’wag kayong magkakamali sa galaw ninyo dahil kaunting mali lang ay mawawalan kayo ng trabaho, kaibigan iyon ng may ari at isa rin sa founder ng hotel na ‘to si Mr. De Luca.” ani ng Head na namin na para bang nabunutan ng tinik.
“Bakit siya nandito, Ma’am, wala ba siyang bahay?” kuryosong tanong ng isang cook, mukhang bago lang din dahil hindi kilala ang lalaki.
“Oo nga, Ma’am. Mukhang mayaman pero dito sa hotel namamalagi, daming pera pero sayang pa rin.” komento pa ng isa.
“Dinig ko kay Sir Nicolaus, hindi daw iyong magtatagal dahil umuwi lang ng pilipinas dahil trabaho pero hindi ko alam dahil ilang buwan na siya dito. Simula dumating, dito na iyon sa hotel. Baka may bahay naman, ‘di lang inuuwian.” sagot ng head namin.
Muli pa silang nagtanong tungkol kay Mr. De Luca habang kami naman ni Luningning ay busy sa ginagawa namin at parang hindi mauubusan dahil sa dami ng tumpok ng plato. Kahit na busy ay nakikinig pa rin ako sa mga kwento ng head tungkol kay Mr. De Luca, maging si Luningning sa harapan ko ay gano’n kahit ‘di niya pinapahalata dahil sa tuwing binibigkas ang pangalan ni Nicolaus ay napapatingin siya sa banda kung nasaan ang head namin.
“Pero matagal na po silang magkaibigan ni Sir Nicolaus?” tanong ng isang kasamahan namin.
“Oo matagal na, simula ata bata pa sila. Marami pa silang kaibigan na pumupunta rito sa hotel simula noong nagbukas ang branch dito sa syudad. Kaya nga lang ang palaging namamalagi dito ay si Malcolm.”
“Meaning mas maraming poging kaibigan si Sir Nicolaus?” kinikilig na tanong no’ng isa.
Natawa iyong head namin. Sa palagay ko ay dati pa siyang nagtratrabaho kay Sir Nicolaus dahil marami siyang alam at kilala. Sa kwento niya ay talagang may kilala niya iyong mga kaibigan ni Nicolaus.
“Marami! Iyon nga lang ay masyadong suplado ay mababait pero hindi lang halata. Pero iyong iba hindi talaga nakakausap kapag narito sa hotel.”
Napakagat ako ng labi. Marami, maraming kaibigan si Sir Nicolaus at sa palagay ko lahat sila ay nakarating na sa underground bidding kung saan pumupunta si Sir Malcolm.
Halos dalawang oras kami ni Lu doon nang pinatawag kaming dalawa para magpahinga at may pumalit naman sa amin.
Naupo kami sa isang room at isang oras din kaming nagpahinga bago ako pinatawag. Naiwan si Lu doon at pumasok ako sa opisina ng head namin.
“Mrs. Cruz, pinapatawag niyo daw ako.” mahinang wika ko pagkapasok sa kanyang silid.
Ngumiti siya at tuluyan akong pinapasok. “Kailangan mo magroom service mamaya, ayon kay Sir Nicolaus, papasukan ninyo ang trabahong may bakante at halos lahat ng trabaho ay meron dahil sa kakulangan ng staffs at sa dami ng guests. Alam mo naman sigurong kakabukas lang nitong hotel kaya medyo nangangailangan pa sa staffs. Ayos lang ba sa inyo kung punan mo muna ang mga trabaho? Dagdagan ko ang magiging sweldo mo.” paliwanag niya at mukhang maayos naman ang kanyang offer sa akin.
Masyado akong nabulag nang sinabi niyang dadagdagan niya ang sweldo ko kahit sa totoo lang ay hindi ko pa talaga alam kung magkano. Pumunta kami rito at nagsimula ng walang pormal na permahan ngunit dahil kakilala naman ni Luningning ay may ari, nakakaasa ako na nasa maayos naman kaming dalawa. At isa pa, masyado ring busy kanina kaya hindi na nagpag-usapan pa.
Pumayag ako sa alok niya at pinabihis ng pulang dress na uniporme. Bago ulit bumalik sa kanyang opisina.
“Paano po si Lu, ano po ang magiging trabaho niya?” kuryosong tanong ko.
“Pinatawag iyon ni Nicolaus, kailangan ng cleaner sa opisina niya.” simpling sagot niya.
Umuwang ang labi ko, gusto ko pa sanang magtanong ngunit hindi ko na nagawa dahil marami na siyang bilin para sa bagong ipapatrabaho niya sa akin. Binigyan niya ako ng dalawang room para ayosin dahil kakaalis lang daw ng namaligi at ang dalawa naman para sa pagkain.
“Iyong steak para kay Mr. De Luca, h’wag na h’wag kang magkakamali sa gagawin mo. Dapat iyong mga dating staff ang p’wede doon kaya lang takot sila kay Sir, mukhang matapang ka naman. Kaya mo ba?” napalunok ako sa sinabi niya.
At talaga naman. Mukha ba akong matapang? Eh takot na takot nga akong makilala ng lalaking ‘yon. Bawal na bawal pa naman ‘yon.
Gusto kong umiling o umalma ngunit hindi ko magawa dahil masyado akong desperada para sa pera. Tumango ako bilang tugon at tuluyan ng umalis sa kanyang opisina. Sunod kong tinungo ang silid para sa mga gagamitin kumuha ako ng cart na kompleto na lahat sa paglilinis. Sa back elevator ako pumasok at tinungo ang mga naunang room para sa cleaning.
Umuwang ang labi ko nang makitang sobrang kalat sa unang silid at may nakita pa akong basag ng mga boteng alak sa cr. May panty pang naiwan doon na ikinanguwi ko.
“Mukhang may labanan na nangyari,” bulong ko bago tuluyang naglinis.
Matapos kong linisin ang isang silid ay sumunod naman ako sa isa hanggang sa tuluyan kong matapos ang dalawa. Bumalik ako sa kusina at nilagay ang mga pagkain sa tray para sa room service. Natakam ako sa amoy ng pagkain, hindi pa ako nakakain, kape lang kanina kaya kumulam ang sikmura ko nang maamoy ko ang pagkain.
Habang nasa daan ay nakita ko si Lu, naka uniform din siya kagaya ko. Ngayon, nakangiti na at mukhang good mood na siya.
May nangyari ba?
“Ano ‘yan?” tanong niya.
“Room service,” sagot ko.
“Nasa akin na ang kontrata at doon nakalagay ang sahod mo. Matapos ka diyan bumalik ka doon sa silid natin dahil kakain na tayo. Nakapag usap na rin kami ni Nicolaus tungkol sa lahat kaya wala ka ng iisipin pa.” paliwanag niya.
Kumunot ang noo ko dahil sa gaan ng kanyang boses, parang kanina lang ay parang dragon. Ngayon naman…
“Close ba kayo ng may ari?” tanong ko.
“Bakit dami mong tanong?” pabarang niya.
Hindi ko na siya sinagot at inikot ang mata bago pumasok sa elevator. Dinig ko pa ang tawa niya bago sumirado ang pintuan. Tinungo ko ang isang room at kumatok, pinagbuksan naman ako at wala naging problema.
Sumunod ako sa room ni Sir. Habang naglalakad ay kinakabahan na ako. Ramdam ko ang paglamig ng kamay ko habang tinutulak ang trolly na dala ko. Natatakot na bala kilala niya ako at kung ano ang sabihin sa akin. Desperada talaga ako kaya kinagat ko ang utos ni Mrs. Cruz kahit alam kung parang mahihimatay ako kapag nagkita kami ulit ng lalaking ‘yon.
Nasa tapat na ako ng room niya, napalunok bago ako kumatok. Naka tatlong katok siguro ako bago ako tuluyang pinagbukasan.
“Y-Your s-steak, Sir.” Utal utal kong sinabi dahil sa kaba nang tuluyan siyang makita.
Kumunot ang mukha nito bago dumapo ang mata sa cart ko na may pagkain niya. Binuksan niya ng tuluyan ang pintuan.
“Place it on my table,” utos niya.
Pwede ba ‘yon? Kasi kanina hindi naman ako pinapasok ng guest…
Kahit na kabang kabang ako ay pumasok pa rin ako sa loob habang tinutulak ang cart. Medyo may kalakihan ang room na napili niya ang suite na ito… o suite talaga siya.
Pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko habang ako naman ay hindi na makahinga dahil sa titig niya. Nilapag ko ang tatlong plato sa lamesa na puno ng pagkain at sunod ang dalawang baso ng wine at wine mismo.
“Done, Sir.”
Kinagat ko ang aking dila dahil hindi nagsalita si Sir at nakatitig pa rin sa akin na para bang may ginawa akong mali.
Napakurap kurap ako. “Thank you, Sir.” sabi ko at itutulak na sana ang cart ngunit napahinto ako dahil nagsalita na siya.
“Tell them to clean the room next to mine.”
Dahan dahan akong bumalik sa harapan niya para kompormahin ang sinabi niya.
“Po?” tanong ko.
Ayaw kong magkaroon ng mali sa unang araw ko sa trabaho, nag-iingat lang ako at baka mali lang ako nagpandinig at bigla akong tanggalin sa trabaho.
“I said, tell them to clean the room next door.” pag uulit niya.
Tumango ako. “Okay po, lilinisin ko po ngayon.”
Muli sana akong aalis nang muli siyang magsalita.
“Not you; tell the cleaner.”
“Cleaner din po ako, Sir.” sabay ngiti ko.
All around kaya ‘to!
Umangat ang mata niyang nakatingin sa mga papeles sa kanyang table. Tumaas ang kilay niya sa akin. Nakatitig siya sa akin na parang bang may iniisip… na nagpakabog ng aking puso dahil sa takot na baka kilala niya ako.
Pero mukhang hindi naman dahil nakamaskara ako ng araw na ‘yon. Hindi niya ako namumukhaan.
“If you clean that room, I will fire you right away.” banta niya na ikinatakot ko naman.
Nawala ang ngiti ko. Napayuko ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil hindi ako maglilinis pero sayang din naman iyon at baka may dagdag ulit sa sahod ko. Ayaw ko nang magprotesta pa sa kanya kaya tumango na lang ako bago tuluyang lumabas sa kanyang silid.
Bumaba ako sa staff room at sinabihan sila tungkol sa utos ni Sir Malcolm dali dali naman nilang sinunod ang sinabi ko. Hanggang ngayon hindi pa rin daw tapos si Luningning at hindi pa nakakabalik. Muli akong inutusan sa kitchen at ginagawa ko naman ang inutos sa akin, may pahinga din naman kaya kahit papaano ay nakakahinga ako.
Ramdam ko ang pagod sa aking katawan matapos ng araw na ‘yon pagod na pagod din si Luningning dahil matapos ng kanyang paglinis sa opisina ni Sir Nicolaus ay may ginawa pa siya sa kitchen. Pareho kaming bagsak pagkadating sa bahay.