6

2263 Words
Kabanata 6 “Bakit ako?” iyon kaagad ang tanong ko sa head nang marinig na ako iyong maglilinis sa suite ni Sir Malcolm. “Iyon ‘yong request at kapag iba ang pumunta doon baka pagalitan tayong lahat.” At talaga naman! Napabuga ako ng hangin at mahigpit na napahawak sa aking damit. Sa mga sumunod na araw ako iyong nagdadala ng mga pagkain niya kapag kakain siya. Wala ni isang may naglakas loob na pasukin ang suite niya dahil daw suplado si Malcolm. Sa ilang balik ko doon paminsan minsan ay mainit talaga ang ulo niya dahilan kung bakit siya napapasigaw. Noong una ay natatakot talaga ako sa kanya. Ayaw ko nang pumasok doon eh kapag naririnig ko siyang sumisigaw sa katawagan niya sa cellphone. Pero kinalaunan ay parang hindi ko na lang iyon iniisip. Iniiwan ko lang iyong pagkain niya at walang sabi sabi na aalis doon. Sinubukan din naman ng iba sa amin na pasukin iyon pero ayaw na bumalik. Iyon din naman ang rason ko, pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako iyong pinapabalik balik sa loob. “Pwede ba si Nina naman? Ilang araw na akong pabalik balik, baka pagalitan na ako.” pagpipilit ko. Ayos lang naman sa akin na magbigay ng pagkain pero iyong maglinis? Matatagalan ako doon at baka kung ano pa ang mangyari sa akin sa loob ng silid na ‘yon. Nakakatakot pa din naman iyon kpaga may nakakatawagan sa cellphone at ginagalit siya. Para siyang dragon na bubuga ng apoy! Isa pa, nakailang pasok na si Nina doon at hindi naman daw siya pinapagalitan! Kaya bakit ako na naman? “Anong ako? Naka chamba lang ako noong isang araw dahil good mood baka sisantihin ako no’n mainit daw ang ulo kagabi, ikaw na lang Mona!” Laglag ang balikat ko at hindi na kinaya ang makipagtulakan pa sa kanila. Mabuti sana kung nandito si Lu, magpapasama ako sa kanya. Mga kasamahan kasi namin may tsismis tungkol sa aming dalawa ni Lu. Masyado raw kaming malapit kay Nicolaus kaya kami nakuha kaagad at biglang tinaas ang sweldo namin dahilan kung bakit wala ako masyadong close sa kasamahan ko. Ilang buntong hinga ang pinakawalan ko habang nasa elevator papunta sa suite ni Sir. Nang nasa tapat na ay kumatok ako ng tatlong beses bago siya tinawag. “Sir? Nandiyan pa po ba kayo?” Walang sumagot kaya tinulak ko na iyong pintuan at bumugad sa akin ang suite niya na parang binagyo! Oo binagyo dahil sa nagkalat na mga bagay at mga bubog galing sa mga gamit sa loob ng suite niya! Anong nangyari dito? Agad kong hinanap si Malcolm at natagpuan ko siya sa cr. Nakahiga at natutulog! Nagdalawang isip pa ako kung tulungan ba siya o hindi at baka pagalitan pa ako dahil ginising ko siya sa kanyang pagkakatulog. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. “Sir…” tawag ko. Uminom ba ‘to? Amoy na amoy ko ang alak sa mula sa kanya. Muli ko siyang tinawag at gising hanggang sa gumalaw na siya. Dahan dahang bumukas ang kanyang mata at kaagad akong umatras, ready na sa kanyang galit sa akin. Ngunit laking gulat ko nang hindi tumaas ang kanyang boses. “What are you doing here?” tanong niya sa bagong gising na boses. Napalunok ako. “Bilin po ni Sir Nikolaus na linisan po ang suite niyo. Pagbukas ko parang… ang ibig ko pong sabihin magulo po ang silid niyo kaya hinanap kita at dito kita nakita na tulog.” Hinintay ko siyang magsalita ngunit hindi na niya iyon nagawa at dahan dahan siyang tumayo dahil siguro sa epekto ng alak ay kamuntikan pa itong matumba at hindi ko sinadya na hawakan siya sa oras na ‘yon, sinubukan ko siyang saluhin. Muli akong umabanti na para bang napaso nang magtama ang aming balat. “Ayos lang po ba kayo, Sir? May kailangan po ba kayo?” offer ko. Hindi ko alam kung ano ang epekto ng alak dahil hindi pa naman ako gano’ng nalasing. Nakatikim naman ako pero hindi iyyong sobra sobra na parang matutumba na sa kalasingan. Isa pa takot din akong malasing, hindi ko alam kung paano ako malasing at baka anong gawin ko sa buhay ko na pagsisihan ko kapag nagising ako. “Help me.” Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan siya. Wala akong pake ngayon kung nahahawakan niya ako, mabait siya ngayon kaya ayos lang. Nakalabas kami ng cr, lumapit kami sa higaan niya. Humiga siya doon at napapikit ulit. “Babalik na lang po ako, Sir kapag maayos na ang tulog niyo.” ani ko at tuluyang lumabas ng kanyang silid. Hapon ay bumalik ako matapos ng mga ginawa ko sa kitchen. Muli akong kumatok at bumukas iyon. Bumungad sa akin si Sir Malcolm na basa ang buhok na para bang katatapos lang niyang maligo at nakakulay puting sando at kulay grey sweat pants na pang ibaba. Kitang kita ko ngayon ang kabubuan ng kanyang tao. Sa kaliwang kamay niya ay parang may mahabang ahas doon na sa dibdib niya ang ulo at nasa kamay niya ang buntot. Mayroon din sa leeg na hindi ko maintindihan at ang kanang kamay ay puno rin ng kung ano anong tattoos. “Are you going to clean or stare at me the whole time?" sarkasmo niyang tanong sa akin. Ayan, bumalik na ang pagiging masungit na parang hindi ko siya tinulungan kanina na halos hindi na nga makalakad! Sana hinayaan ko na lang pala siya doon! Bahala na talaga siya sa susunod kahit magmakaawa hahayaan ko siya. Pumasok ako sa loob at nagsimula na sa paglilinis habang siya ay naman ay bumalik sa lamesa at hinarap ang kanyang laptop. Inuna ko muna ang babasagin. Dahan dahan ang galaw ko at baka masugat pa. Iyong mamahalin na lamp shade ay nabasag pa, mukhang sadyang binasag dahil wasak na wasak talaga! Sayang naman ‘to! Ano bang pumasok sa ulo niya at nagbuang dito sa loob ng suite niya? “Did you already eat?" Tanong niya na ikinagulat ko at hindi ko sadyang mabitawan ang hawak kong bote ng alak, nabasag iyon at sinubukang kong linisan ngunit huli na nang may naramdaman akong hapdi sa kamay ko. “Ah,” mahinang daing ko. Dinig ko ang paggalaw ng inuupuan ni Sir Malcolm bago ko siya naramdaman sa aking tabi. Dinig ko ang malutong na mura niya at hinawakan ang kamay ko. Dahil sa gulat ay hinablot ko iyon. “Ayos lang Sir, maliit lang ‘to. Linisan ko lang, gagamitin ko ang lababo niyo?” napakagat ako ng labi dahil sa hiya at taranta. Malalim niya akong tinitigan saka tumango. Tinakbo ko papuntang lababo dahil sa dami ng dugong lumalabas sa kamay ko. Kaunting sugat pero marami ang dugo. “We’ll eat first and don't clean that mess, magpapatawag ako ng iba." mariing aniya. Napahinto ako at lumapit sa kanya. “Po? Ayos lang naman ako, kaya ko pong linisan lahat ng ‘to, sadyang nagulat lang ako sa sinabi niyo." “Nagulat saan?" Muli akong magulat dahil sa pagtatagalog niya. Parang bawat galaw niya nagugulat ako, lahat kasi bago sa akin. Sa loob ng ilang linggo paiba iba ang mood niya kaya naninibago ako! Kanina sarkasmo siya ngayon mabait naman? Hay… Napakagat ako ng labi. “Sa sinabi niyong samahan kitang kumain." Tumaas ang kilay niya. “Why? Did I say something wrong?" Napalunok ako bago nagsalita. “Empleyado kasi ako, baka…” Hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko. Minamaliit ko na ang sarili ko ngunit hindi ko naman kayang pahiyain ang sarili ko sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. "I’ll order, anong gusto mo?” Napakagat ako ng labi. Seryoso ba siya? O naaawa lang sakin? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako inaaya sa pagkain… “This is my way of repaying you for the help you gave me earlier.” dugtong niya na ikinahinga ko ng maluwag. Tipid akong tumango. “Sige, kahit ano na lang po.” pagpayag ko, kapag tumangi ako hahaba lang ang pag uusapan namin para matapos na pumayag ako. “Liligpitin ko lang iyong iba para hindi masyadong magulo.” Tumango din siya kaya naman ay ginawa ko na iyon. Hindi naman na dumudugo ang daliri ko. Hindi ko na hinawakan pa iyong mga bubog dahil sinusuway niya ako sa tuwing liligpitin ko iyon. Muli akong naghugas ng kamay at umupo sa kaharap niyang upuan na kanina niya pang sinasabi sa akin. “Are you finally done?” tanong niya. Tumango ako at napatingin tingin sa paligid para maiwasan ang tingin niyang nakadapo sa akin. Iyong titig niya kasi parang may hinahanap o may inaalala, natatakot ako baka mahalata niya. Ilang buwan na rin iyong nakakaraan pero nararadaman ko pa rin talaga ang takot. “Do you still have things to do after eating?” panimula niya para sa panibagong pag uusapan. “Meron pa po, may mga rooms po na binigay sa akin para linisin. Bakit po?” Umiling siya at binasa ang pang ibabang labi. “Nothing, I just want to know.” Hindi na ako nagsalita. Tumunog ang kanyang cellphone at sinagot niya naman iyon. Ang order niya iyon mula sa kitchen. “No, that won’t be necessary. Just leave it right by my door, and I’ll pick it up myself.” tugon niya bago binaba ang cellphone at tumayo para kunin ang pagkain. Ewan ko, pero nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Hindi kasi niya pinapasok ang staff dito sa loob at nakakahiya naman na maabutan niya kaming nakaupo ni Sir Malcolm sa iisang table at baka ano ano pa ang isipin, maging panibagong tsismis pa tungkol sa akin. Kita ko ang pagtulak ni Sir Malcolm ng trolly na may lamang pagkain. Nakapag almusal naman ako. Tinapay at kape nga lang pero ayos naman nabusog naman ako, sa tanghalian naman ay kaunti lang ang nakain ko dahil masyado kaming nagmadali ni Luningning. Kaya pagkakataon ko na ‘tong kumain ng madami. Agad na nanlaki ang mata ko nang makitang isa isang nilapag ni Sir Malcolm ang mga pagkaing inorder niya. Iyong iba ay bago sa aking mata na para bang afford lang ng mga mayayaman. Kahit nasa kusina ako, hindi ko rin naman nakikita ang mga putahe dahil nasa ibang lugar sila. Steak? Halos lumabas ang heart sa mata ko sa huling nilapag ni Sir Malcolm. Ito iyong nilapag ko sa lamesa niya noong mga nakaraang araw! Takam na takam pa naman ako kapag naamoy ko ‘to sa kitchen. Umayos ang pag upo ko nang makitang nakatingin si Sir Malcolm sa mukha ko, para bang binabasa iyon. Humilig ako sa backrest ng upuan kahit na gustong gusto ko nang kainin iyon. “Since you didn’t mention any preferences, I ordered my usual. I know it tastes good, so I figured it would be a safe choice.” paliwanag niya. Hindi na ako nagsalita, mataas ang standards niya sa lahat kaya nakakasiguro naman akong masarap itong mga pinili niya. Ayaw ko nang magreklamo pa, ako na iyong pinapakain niya. Binasa ko ang aking pang ibabang labi bago ko tinaas ang aking mata sa kanya. “Dig in,” aniyang natatawa sa hindi ko alam na rason. Kinuha ko ang kutsara’t tinidor. Tinignan muna isa isa ang mga pagkain bago kumuha. Ninamnam ko ang bawat putahe na nasa lamesa habang si Sir Malcolm naman ay parang tuna ang kinakain na hindi ko maintindihan. “Eat the desserts too, Mona.” utos niya. Napatingin ako sa desserts na sobrang ganda sa plating kaya nga lang nalaglag ang balikat ko nang makitang may peanuts doon. Allergic kasi ako sa peanuts, kahit anong uri. Ayos lang sana kung namumula lang ako pero hindi talaga ako nakakahinga kapag nakakain ako ng peanuts. Umiling ako. “May peanuts, allergic ako…” sagot ko at kumuha sa tabi no’n ng strawberry cheescake. Nanlaki ang mata ko dahil sa sarap at nilapit ko pa iyon para tikman niya rin. Umiling siya. “I’m allergic to strawberries.” Umuwang ang labi ko. Dahil do’n ay palitan kami. Sa kanya iyong may peanuts sa akin ‘yong may strawberry. Sunod kong pinagtuunan ng pansin ang steak. Takam na takam ako habang hinihiwa ko iyon. “That’s well done,” anunsyo niya. Ngumiti ako. Walang dugo, hindi kagaya sa mga nakikita ko sa social medias. Tuluyan ko nang kinain iyon hanggang sa kumalahati. Hindi ko na talaga kaya, parang sasabog na ang t’yan ko. “P’wede bang take out na lang iyong iba? Hindi ko na kayang ubusin.” walang hiya kong sambit, keysa naman sa itapon niya dalhin ko na lang sa bahay p’wede pa initin at kainin bukas! “That’s already just leftovers—I’d rather give you freshly cooked.” offer niya dahilan ng pagkataranta ko. “Hindi na, hindi na. Ayos lang naman sa akin ‘to, akin na lang keysa sa itapon.” Matalim niya akong tinitigan dahilan para mapaupo ako ng maayos. Yumuko ako dahil sa kalabog ng puso ko. Kapag seryoso talaga ang mukha niya natatakot ako. He's a walking storm—dangerous, unpredictable, and utterly terrifying. No matter how hard I tried, I couldn't stop the shiver that ran through me, my body betraying me under the sheer intensity of his lethal gaze. “Okay,” aniya sa kalmadong boses dahilan kung bakit umangat ang ulo ko para harapin siya. “I’ll tell them to pack everything and place it back in my room; afterwards, get the food here after your shift.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD