7

2260 Words
Kabanata 7 “Saan mo nga nakuha ‘yong mga pagkain? Iyong hinapunan natin kagabi? H’wag ka nang magsinungaling sa akin, Mona Lisa!” pamimilit sa akin ni Luningning habang nakasakay sa bus papunta sa trabaho. Hindi niya talaga ako tinantanan dahil simula kagabi iyon lang ang bukang bibig niya. Ayaw kong sabihin sa kanya ng diretsahan dahil nahihiya ako at baka magalit pa siya sa akin. Ayaw kong ma involve sa mga mayayaman na tao lalo na’t isa sa may ari ng hotel si Malcolm. “Hindi mo kayang bumili ng steak, Mona Lisa!” dugtong niya pa nang hindi ako sumagot sa kanyang tanong. Umikot ang mata ko at napahilig sa upuan. Nakatingin ako sa labas ramdam ko ang pag iinarte ng babae sa gilid ko. Hinawakan pa niya ang kamay ko at ginulo pa ako habang nakatingin sa labas ng bus. Bumuga ako ng hangin at nawalan na ng pasensya sa kanya. “Binigay lang ‘yon sa akin, okay? Hindi ko ‘yon ninakaw sa kusina gaya ng sinabi mo kagabi!” mariin kong ani sa kanya. “Kanino nga galing? Bakit hindi mo kayang sagutin ang tanong ko?” Ugh. Hindi ko na talaga siya kaya. “Sa isang guest, iyong may kaibigang artista.” Kumunot ang noo niya at nag isip pa kung sino iyon. Totoong meron guest doon na may kaibigan artista na palaging nagchecheck in din sa hotel. Sabi sabi ka nga doon ay kaibigan din iyon ni Nicolaus ang lalaking iyon. Nakapasok naman ako sa room niya kaso palaging nasa comfort room naman kaya iniiwan lang ang pagkain sa silid niya. Gaya ni Malcolm marami ding tattoo ang lalaking ‘yon. Isang beses ko lang naman siyang nakita pero napakadesinte. May kaibigan daw na artista na sa tuwing napupunta dito sa syudad namin ay sa hotel nagchecheck in. Sikat ang Klimt Hotel hindi lang sa buong syudad, maging sa mundo noong sinerch ko iyong sa internet kaya maraming kilalang personalidad sa hotel. Isama pa na sikat din si Nicolaus sa business world. “Si Gio ba?” nalilitong tanong niya. Sa totoo lang hindi ko naman kilala iyon. Ang pagkakaalam ko lang ay Vivaldo iyong apelyido ngunit ang pangalan ay wala akong ideya. Walang reaksyon ang mukha ko at hindi rin ako tumango o umiling sa kanya dahil ayaw kong sagutin ang kanyang tanong. “Hindi naman namamansin si Gio ah? Isa pa same vibes sila ni Malcolm. Malaki ang pangangatawan at sobrang daming tattoo na animo’y batak na batak sa gym at may underground business.” “Grabe napaka-judgmental mo naman! Baka gano’n lang talaga sila!” Natawa siya. “Ang sabihin mo, gan’yang ang tipo mo sa mga lalaki. Iyong malalaki ang braso, malaki ang pangangatawan, may abs! Iyong kayang kang bitbitin na gamit lang ang isang kamay. iyong maugat ang kamay pati na ang tit—” napahinto siya sa kanyang sasabihin dahil tinakpan ko na ang kanyang bibig. Nasa bus kaya kami! Masyadong malaswa ang mga salitang lumalabas sa bunganga niya! Ayos lang naman kung nasa bahay kami, hindi talaga napipigilan ang baba niya sa mga ganoong topic, pero nasa public place kami! Awa na lang talaga. Nakarating kami sa hotel na tahimik na siya, mukhang nakuha na niya iyong sagot sa tanong niya kagabi. Dumiretso kami sa staff room para magpalit ng uniform namin. Nasa housekeeping kami nakatuka ngayon kaya kailangan naming magpalit ng damit. Pinatawag kami ng Mrs. Cruz at pumila kami para sa assigned room namin. "Good morning, everyone. I kindly ask for your full cooperation and dedication this week, as the hotel is expecting to be fully booked by business guests. They have reserved the conference room, the ballroom, and the dining area for their city visit and corporate events, including meetings and parties. Please ensure that all preparations are handled with utmost attention to detail and that we provide the highest level of service throughout their stay. Let’s all work together to make this a successful and seamless experience for our guests." anunsyo ng head namin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Luningning. Ito iyong sinabi niya kagabi sa akin, na magiging busy daw ang buong hotel. Sympre alam na alam niya dahil palaging kasama si Nicolaus, iniisip ko nga na baka may something ang dalawang ‘to! Gusto ko na ring malaman kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa. Palagi kasi siyang napapag-usapan dahil masyado silang close! Ayaw ko namang magtanong dahil gusto ko siya mismo ang magsabi no’n sa akin. Pareho lang din naman kaming may tinatago eh. “All thirtieth floor would be occupied. Si Sir Malcolm ay nagchange na rin doon, even Giovanni Vivaldo and many more personalities were on that floor. Much better kung ayusin ninyo ang ugali ninyo sa floor na ‘yon dahil malapit iyon kay Sir Nicolaus at kilalang mga tao din.” dugtong pa niya. That floor has a huge room. Parang exclusive suite na iyon for big guests. Parang condo na kasi iyon sa laki ayon sa mga medyo matagal na dito at nakakapunta na sa floor na ‘yon. Hindi pa ako nakakapunta doon simula noong nagtrabaho ako. Nagbigay na nang room assignment si Mrs. Cruz at isa isa kaming lumapit sa kanya hanggang sa ako na. Kampante ako na sa ibang floor ako dahil baguhan ako at hindi nababagay sa mga exclusive suites. Ngunit laglag ang panga ko sa sinabi ni Mrs. Cruz sa akin. “Thirtieth floor. Room 301 to 305, and the other five would be to Nina. Kayong dalawa ang pinagkakatiwalaan ko lalo na sa big guests, sana ipagpatuloy niyo iyon at h’wag niyong basagin ang tiwala ko.” Kita ko ang ngiti sa labi ni Nina matapos sabihin iyon ni Mrs. Cruz. Napakagat ako ng labi at napatingin sa paligid. Dapat ay maging masaya ako pero sa naging reaksyon ng mga tao rito ay hindi ko kaya. Lalo na si Loren, iyong matalik na kaibigan ni Nina. Matagal na raw kasi si Loren sa housekeeping at parang pinagkakatiwalaan din ng mga guest. Marami rin siyang tip araw araw kaya lang nitong mga nakaraang buwan ay parang hindi na gano’n kadami dahil nilipat siya sa isang branch bumalik lang dito noong nakaraang araw. “Kunin mo ang room ni Malcolm.” dinig ko pang bulong niya kay Nina. “Of course, akong bahala.” Napabasa ako ng labi sa tugon niya. Akala ko ba ayaw niya sa room ni Malcolm. Bakit ngayon parang nag-aagawan na sila? “Ano pong room ni Sir Giovanni at Malcolm, Mrs.?” tanong ni Luningning sa gitna ng ingay namin. “Malcolm… 301 while Gio, 302.” Mas lalo akong kinabahan. Napakagat ako ng labi. Sa akin pala ang dalawang ‘yon! “Tangina, araw araw na lang sa kanya.” dinig kong sabi ni Loren sa likod, kahit hindi ko kita alam kong boses na ‘yon. Kakabalik lang ng babaeng ‘to sa housekeeping, pagkabalik ay wala ng babalikan dahil binigay na daw sa akin. Hindi naman ako nakikipag kompetensiya, sa akin lang talaga binigay. Nagkaroon lang ng final instruction si Mrs. Cruz bago natapos iyon. Papunta kami ni Luningning para kunin iyong cart namin sa isang silid. Ramdam ko ang hagikhik ng babaita sa tabi ko. “Go for the Gold, Bff! Mas gusto ko pang si Giovanni ang makakatuluyan mo.” delusyonal na aniya. “Masyadong maraming pumila kay Malcolm baka masabunutan ka pa lalo na iyong kadadating lang na babae, akala mo talaga reyna siya, taga paglinis lang din naman.” Walang preno talaga ang bibig ng babaeng ‘to! Hindi na ako nagsalita pa at tuluyan na siyang iniwan doon. Kasabay ko si Nina papunta thirteenth floor. Wala kaming imikan habang nasa elevator. Nang bumukas ay nauna akong lumabas sa kanya. “Change tayo ng room assignment? Diba sabi mo noong nakaraang araw, ayaw mong pumasok sa room ni Malcolm?” napahinto ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya. “Ayaw kong mawalan ng trabaho, kung gusto mo sabihan mo si Mrs. Cruz ayos lang naman sa akin kung may permission galing sa kanya.” ani ko at tinalikuran siya. Dinig ko pa ang pagtawag niya ng pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon pa at tuluyan kong pinindot ang maliit na bell doon. Exclusive kasi ito, for guest talaga siya. Mga mayayaman lang makakaafford. Nang tuluyang bumukas bumungad sa akin si Malcolm. Napakagat ako nang dila dahil puting towel lang ang suot niya sa pang ibaba habang hubad naman ang pang itaas! Basa ang kanyang buhok at parang kakatapos lang maligo! Kitang kita ang buong tattoo niya sa buong katawan. Iyong sa bandang abs lang siguro ang walang tinta at halos lahat meron na! Full sleves ang sa kaliwa, habang sa kanan naman ay iyong ahas na hanggang sa dibdib niya! Nakita ko naman ‘to pero hindi sa ganito kaliwanag! Sobrang ganda talaga ng katawan niya! “Are you going to clean?” Nataranta ako sa tanong niya at hinawakan ang cart bago tuluyang pumasok sa loob. “Did you already eat?” tanong niya sa likuran ko. Tumango ako. “Opo,” tipid kong sagot. “Join me at lunch.” aniya. Aya ba ‘yon o ano? Nilingon ko siya. Bakit na naman niya ako aayain? Mukhang wala naman na siyang atraso o utang na loob sa akin eh. “P-Po?” gulantang na tanong ko. “Join me for lunch later, may kasama ka bang kumain?” Hindi talaga ako sanay sa tuwing nagtatagalog siya. Maayos naman siyang managalog, pinoy na pinoy, hindi lang talaga ako sanay dahil palagi siyang nag eenglish sa akin! “Meron po, ang kaibigan ko.” “Tell her that you will join me for lunch.” Ha? Bakit ko naman gagawin yon? Nahirapan nga ako sa alibi ko kanina. “Or I’ll tell your boss that you—” Nanlaki ang mata ko. Mas lalong ayaw kong malaman ng head namin ‘to. “Okay, sasamahan kita. Pero p’wede bang malaman kung bakit?” “Gusto ko lang,” mapaglarong sagot niya. Bigla akong kinabahan. Alam ba niya… o… “Hindi naman siguro maayos na sagot ‘yan.” Humakbang siya papalapit sa akin. Napalunok ako dahil sa katawan at mukha niya. Masyadong perpekto ngunit masyado rin mapanganib. “Bakit ano bang gusto mong marinig na sagot ko?” may panunuya sa boses niya. Napa atras ako dahil papalapit nang papalapit na siya sa akin. Bigla akong nagsisisi sa pagpapamilit ko sa maayos na tanong. Tapos na sana iyong kung hindi na ako nagtanong pa diba? “Iyong maayos sana…” mahinang wika ko. “Gusto lang kita makasamang kumain, bakit masama na ‘yon?” Agad akong umiling para matapos na ‘to. Masyadong maingay ang puso ko dahil sa mga galaw niya. Ayaw ko siyang masungit sa akin, ngunit ayaw ko ring masyado siyang mabait dahil nakakatakot… Lahat ng ugali niya nakakatakot. “So, I’m expecting you to be here around 11:30?” paninigurado niya pa na ikinatango ko naman. Bahala na, mamaya na ako gagawa ng alibi sa sasabihin ko kay Luningning. Ngayon nag poproblemahin ko muna kung paano ako makakalabas ng suite na ‘to ng hindi tinitignan ang katawan niya, lalo na ang tattoo sa kanyang katawan. Ngumiti si Malcolm bago niya ako tinalikuran. Nang tumalikod ay mas lalong umuwang ang labi ko dahil buong likuran niya ay puno ng tinta. Ngunit mas lalong niyanig ang buong pagkatao ko nang mahagip ng mata ko ang tattoo sa mataas at kanang bahagi ng likuran niya. Maskara iyon, maskara na kagaya no’ng ginamit ko noong mga nakaraang buwan sa underground bidding! Kulay pula ang suot ko nang araw na ‘yong ngunit ang tinta sa likuran niya ay kulay itim gaya sa buong katawan niya. Matagal na ba ‘yon? O… Gaga, Mona Lisa! Masyado ka namang delusyonada! Sinampal ko ang aking sarili bago nagsimula sa paglilinis. Inubos ko ang aking oras sa paglilinis sa unang palapag. Two floors kasi ang suite na ‘to at parang kama lang din naman ang nasa itaas at ayon kay Malcolm hindi na raw gagalawin doon. Nang matapos ay nagpaalam ako sa kanya. Nakadamit na siya ngayon. Kulay itim na sando at gray na sweatpants naman sa pang-ibaba, nakaharap sa kanyang laptop na may importanteng ginagawa. Tumangat ang kanyang ulo at napatingin sa akin. “Okay, I’ll see you later! I’ll order your favorite dessert.” Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya bago ko sinirado ang pintuan ng silid niya. Masaya ako lumabas doon at nakangiti nang sumunod sa kabilang silid. Kay Giovanni ang silid na ‘to, iyong alibi ko kanina kay Luningning. Pagkabukas ay bumungad siya sa akin. Mahigpit ang pagkakapit ko sa cart na dala ko nang tuluyang makita ang buo niyang mukha. Totoo nga ang sinabi ni Luningning, parang magkahawig itong si Giovanni at Malcolm. Hindi ba sila magkapatid o magkadugo? Ang pinagkaiba lang ay parang sumisipa talaga ang pagiging pilipino sa kanyang mukha. Nakatali ang mahaba at kulot niyang buhok, mukhang kakagising lang niya. “Housekeeping?” tanong niya. Tumango ako. Dumapo ang mata ko sa kamay niya. Saan napulot ni Luningning ang mga nalalaman niya tungkol sa lalaking ‘to? Talagang marami rin siyang tattoo! “P’wede bang bumalik ka nalang mamayang hapon? I still have works to finish.” “Okay po, Sir.” sagot ko, tumango naman siya at sinirado ang pintuan. Bakit gano’n si Lord? Masyadong perfect ang mga nilalang ‘to? Binuhos niya lang sa mga taong ‘to. Mayaman na, magagandang tao pa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD