Kabanata 8
“Saan ka pupunta, Mona? Kakain na ah? Tapos ka na sa cleaning mo?” napahinto ako dahil kay Luningning, hinawakan pa talaga niya ang kamay ko.
Nilingon ko siya. Mas nauna akong natapos kay Luningning dahil hindi naman gano'n kadami ang kailangan kong linisin.
Napakagat ako labi dahil sa kaba, ngumiti ako para hindi mahalata ang panibagong kasinungalingan ko sa kanya. “Busog pa ako, may isang room na lang pupunta nga ako ngayon doon.” alibi ko.
“Kaninong room?" kuryosong tanong niya.
“305, vacant ‘yon. Dalawa pa lang kasi ang occupied.”
Totoong may vacant doon at mukhang matapos linisin ay may guest ng papasok doon. Hindi naman gano'n kadumi 'yon, pinalitan lang talaga ng bago ang bedsheets at nilinis ang paligid dahil matagal na simula noong may nagcheck in sa floor na 'yon dahil nga ay sobrang mahal. Lahat ng vacant room ay natapos ko na, p’were na lang talaga iyong kay Gio na room dahil gusto niya mamayang hapon pa daw iyon lilinisin.
“Gano’n ba, sige mamayang gabi pala may pupuntahan tayo. Exciting 'to kaya bawala ang humindi mamaya. Mamaya na lang natin pag usapan sa bahay!” aniyang ngumiti bago umalis para kumain.
Parang napaliwala ko naman siya sa alibi ko at dali dali akong umalis at baka mahalata pa. Hindi ako magaling magsinungaling sa totoo lang, palagi akong napapagalitan ni Auntie noon dahil palagi niyang nahahalata na hindi ako nagsasabi ng totoo pero ngayon hindi ko alam kung saang lakas ng loob ko nakuha lahat ng mga alibi ko kay Luningning. Maging ako ay natatakot na rin sa mga kakayahan ko. Naghintay ako sa elevator at napasinghap ako nang makita si Mrs. Cruz doon. Kita ko rin ang pagkunot ng kanyang noo nang makita ako roon.
“Saan ka pupunta, Mona? Lunch time na ah,” aniya pa sa akin.
Ayaw na ayaw ko talagang magsinungaling. Nakokonsensya pa nga ako kanina kay Luningning tapos ngayon ito na naman. Kailangan ko talagang magsinungaling dahil ayaw kong pag usapan ng mga tao at sigurado ako, last na ‘to at ayaw ko nang ulit makisalamuha kay Malcolm at baka ano pang isipin ng lalaking ‘yon. At baka ano rin ay makaramdaman ng hindi ko dapat maramdaman.
“M-May tatapusin l-lang po sana sa taas…” napakagat ako ng labi at napayuko. Ayaw kong makita niya ang mukha na nagsisinungaling.
“Gano’n ba, oh siya pagkatapos mo ay kumain ka na.”
Ngumiti ako kay Mrs. Cruz bago pumasok sa loob elevator. Nakahinga ako ng maluwag nang sumirado ang pintuan ng elevator. Napakapit ako sa malamig na steel doon. Hindi ako mapakali habang nasa loob, gustong kong h’wag nang sinuputin si Malcolm pero nakokonsensya rin ako dahil nagsabi na akong pupunta ako.
Mona Lisa, hindi ka ba nakokonsensya sa mga taong pinagsinungalingan mo ngayon?
Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa mga desisyon ko sa buhay. Natatakot din ako na baka mahalata. Naniniwala akong walang sekretong hindi mabubunyag. Kaya natatakot ako na baka malaman ng isa ay malaman ng lahat. Sobrang bilis pa naman ng tsismis dito sa hotel ni Nicolaus.
Nang bumukas ang pintuan ay nagdalawang isip pa ako kung lalabas ba ako o hindi. Ngunit bago pa man sumirado ulit ang pintuan ng elevator ay may kamay na nagpahinto no’n.
Napatingin ako sa lalaking mahaba ang buhok… si Sir Giovanni.
Nataranta ako at lumabas ng elevator, kumunot ang noo niya sa ginawa ko.
“Are you going to clean my place?” tanong niya.
“Tapos na po ba kayo sa ginagawa niyo, Sir?”
Tumango siya. “Yup, you can clean after lunch and I’ll be back around four. Make sure everything is all clean.” bilin pa niya.
“Opo, makakaasa po kayo.”
Ngumiti siya at pumasok sa elevator. Naiwan akong tulala doon at nakita ang repleksyon sa pintuan. Bumuga ako ng hangin at dumiresto sa silid ni Malcolm. Huling beses na ‘to at pagkatapos hindi na ako babalik pa at kung babalik man ay para na iyon sa trabaho… hindi para dito.
Kumatok ako nang tatlong beses at kaagad na bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang mukha ni Malcolm na magkasalubong ang kilay na animo’y galit na naman. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
“Are you planning to ditch me, huh?” seryosong aniya.
Nagulat ako sa tanong niya. Bakit, ramdam ba niya na gagawin ko ‘yon?
Akmang magsasalita na sana ako nang muli siyang nagsalita.
“You sure you really want to eat with me?”
Nandito na ako eh. Alangan namang aalis pa ako, nakakahiya na iyong kapag ginawa ko ‘yon.
Tipid akong tumango bilang tugon sa kanya. Hinila niya ako papasok sa loob at sinurado ang pintuan. Umuwang ang labi nang makita ang mga pagkain. May steak ulit doon at pamilyar na pagkain ngunit may mga bago rin. Talaga bang lahat ng ‘to ay para lang sa tanghalian?
Kita ko nga sa menu na ang steak na ‘to ay parang nasa six thousand pesos eh! Sobrang mahal na parang ginto na sa bawat subo!
“Sit now and we’ll eat,” utos niya na kaagad ko ring ginawa.
Tahimik akong kumain kasama siya. Ramdam ko rin ang titig niya sa bawat galaw at subo ko nang pagkain na para bang inaaral ang galaw ko. Kahit hindi ko kita ay ramdam na ramdam ko iyon.
“May problema ba?” tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Nilunok ko ang pagkain bago siya hinarap. Tipid akong ngumiti bago umiling sa kanya. Aniya kanina ay gusto niya akong makasama kumain dahil gusto niya lang. Pinagbigyan ko naman iyon pero parang hindi nababagay sa akin, parang nakokonsya ako kapag kasama ko siya.
“Say something please, masarap ba?”
Muli akong napahinto sa pagkain bago nagsalita. “Oo, masarap.” muli akong ngumiti.
“Good to hear that.”
Tinikman ko lahat ng pagkain dahil iyon ang gusto niya. Masarap at masaya ako dahil nakakain ako ng ganito kahit sa totoo lang ay hindi ko talaga afford. Hindi ko naman matitikman iyong kung wala siya.
Pero napapaisip pa rin talaga ako kung bakit siya biglang bumait sa akin at bakit parang nag iba na iyong makikipagtungo niya sa akin. May nagawa ba ako o may nalaman ba siya tungkol sa akin. O kung ano man… dahil medyo naguguluhan lang talaga ko.
“You have something inside your mind, spill it out. I want to hear it.”
Hindi talaga niya ako tatantanan hangga’t hindi ko masasabi kung ano man ang bumabagabag sa akin. Kahit meron ay ayaw ko namang sabihin iyon sa kanya dahil natatakot ako.
“Wala talaga, ayos lang ako.”
Malalim ang tingin niya sa akin at sinalubong ko iyon para hindi na ulit ako mahalata. Muli pa akong ngumiti para itago ang totoong nararamdaman ko. Nakumbinsi ko rin siya. Tuluyan na akong tumayo at nagpaalam sa kanya.
“We should eat next time, right?”
Ulit?
Sa pagkakataong ito ay kating kati na akong magtanong sa kanya kung bakit gusto niya akong makasamang kumain. Ayaw ko nang taggapin ang mga sagot na parang hindi naman totoo.
“Bakit po, Sir? Bakit gusto niyo akong makasamang kumain ulit?” sa wakas ay naitanong ko na rin.
Nanliit ang mata niya at lumapit sa akin parang nagtagumpay siya sa kanina niya pang gustong malaman sa akin.
“Because… I want to.”
Disappointed ako sa naging sa sagot niya. Iyon ang sinagot niya kanina eh. Ngayon ito ulit. Ayaw ko nang pilitin siyang sagutin ang tanong ko kaya sa halip ay tumalikod na ako para sana ay umalis na sa kanyang suite ngunit bago ko pa man mapihit ang doorknob ng pingtuan ay ramdam ko ang paghawak niya sa braso ko.
Napahinto ako at nilingon siya. Naghintay sa kanyang sasabihin ngunit nakatingin lamang siya sa aking mukha. Kitang kita ko ulit sa malapitan ang kanyang buong mukha. Gwapo talaga siya hindi ko naman pinagkakaila iyon kaso lang ay nakakatakot lang talaga. Nakakatakot kahit hindi naman galit, nakakatakot kahit walang emosyon ang kanyang mukha.
Lahat ay nakakatakot sa kanya.
Kakakilala ko lang sa kanya at unang impresyon ay hindi na kaagad maganda pero hindi ko talaga maintidihan ang sarili ko dahil sa tuwing malapit siya ay parang hindi ko na kayang pahintuin ang puso ko sa malakas na t***k niya.
Napabuga ako ng hangin at muli siyang tinalikuran. Hahawihin ko na sana ang aking kamay nang tuluyan na siyang nagsalita.
“I want to know you more, Mona Lisa.” panimula niya dahilan para muli ko siyang harapin. Nanibago ako sa naging tono ng kanyang boses dahil sobrang kalmado no’n. “You’ve made me so curious without even trying. When you walked into my suite with so much grace, I couldn’t help but watch you. I’ve always had a rule—no one gets too close, and no one enters my personal space. But with you, I broke that rule before I even realized it. There’s something about you that pulls me in, and I can’t stop wanting to know more.”