9

2143 Words
Kabanata 9 Matapos ang oras na ‘yon ay hindi na ako tuluyang bumalik sa suite ni Malcolm at gabi na rin kaming nakauwi ni Luningning ngunit parang hindi pa tapos ang araw na ‘yon dahil may pupuntahan daw kaming dalawa. “Sigurado ka bang invited ako do’n? Baka ikaw lang…” paninigurado ko kay Luningning. “Gaga, s’ympre imbitado ka rin. Kaibigan ko ‘yon si Claire. Kasabayan sa underground nakapangasawa ng mayaman may pa party doon malapit sa hotel, iyong Amnesia Night Club.” masayang sambit niya. Napangiwi ako. Hindi ko alam kong masasayahan ba ako o hindi, sa pangalan pa lang parang hindi ka makakalabas ng buhay eh. Pinilit ako nang pinilit ni Luningning hanggang sa wala na akong gawa pa kung ‘di ang sumama sa kanya. Ayon sa kanya, panibagong experience daw ito para sa akin. Hindi pa ako nakakapasok ng Amnesia Night Club at kahit anong club or bar. Iyong napasukan ko lang nakapareho niya ay iyong underground. Parang club kasi ang disenyo no’n para hindi mahalata na may illegal sa loob at masyado ring tao na hindi nahahalata ng mga kapulisan. “Ayusin mo susuotin mo para hindi tayo magmukhang mahirap doon. Mayayaman daw ang mga tao roon kaya ayusin mo. Hindi naman tayo social climber nakikihalo lang. Isa pa, legal naman tayong papasok doon dahil inimbitahan tayo ni Claire.” ani pa ni Lu habang nag aayos kami. Marami naman akong bagong damit. Iyong iniwan na pera ni Aunti sa akin ay ginamit ko naman sa tama iyon. Bumili ako ng mga gamit na gusto ko at umayos naman kahit papaano ang buhay ko. Pero hindi naging sapat iyon, wala nga kaming binabayang renta pero may tubig at kuryente naman. Sa mundo ngayon pera na talaga ang nagpapagalaw sa buhay ng tao. Kapag wala ka no’n mamamatay ka na lang sa gutom. Kaya sa halip ay naghanap kami ni Lu ng trabaho at laki ang pasasalamat ko sa diyos dahil meron naman. Kahit papaano ay madadagdagan ang ipon ko para sa pagbabalik ko sa skwela. “Maayos na ba ‘to? Ikaw ang pumili nito noong nasa sikat na shop tayo.” sabay pakita ko sa kanya ng damit ko. Kulay itim iyon na short dress. Backless ang likod at halter top. Hapit na hapit ang damit sa aking katawan at kitang kita ko sa aking repleksyon ang aking curves sa salamin. Muli akong humarap kay Luningning para hintayin ang kanyang approval. Ngumiti siya bago tinaas ang kanyang hinlalaki. “Bongga, ang ganda mo talaga. Spanish na spanish ang dating. Hanapin mo kaya ang papa mo, para naman ma compare natin kung talagang kamukha mo siya.” Umikot ang mata ko dahil sa naging puna niya. Iyon ang palagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing lumilitaw ang spanish blood ko “raw”. Bata pa ako noong huli kong nakita si Papa at hindi ko na nga maalala ang kanyang pagmumukha. Habang kay Mama naman ay kabisado ko pa rin, kung sana ay buhay pa siya ay sabay naming hanapin si Papa, nagbabakasakali na maayos ko pa ang buhay ko. Pero kahit papaano, masaya naman ako. Kahit wala akong pamilya o kamag-anak na kilala ay may kaibigan naman akong kaya akong samahan kahit saan at kahit anong hamon ng buhay. “Ang ganda mo talaga!” puri ni Luningning matapos niya akong ayusan. Ngumiti ako at pinakita sa kanya ang buo kong mukha. Halos alas nwebe na kaming umalis ng bahay. Sumakay kami sa taxi dahil nakakahiya naman kapag nagbus kami na ganito ang pananamit naming dalawa. Binaba kami sa harap ng Amnesia Night Club. Agad akong namahanga dahil masyadong malaki iyon para sa night club. “Nasa akin na ‘yong invitation, tara na baka mahuli tayo.” sabay hila sa akin ni Lu, halos matumba pa ako kahit na two inches lang ang sandals ko hindi lang ako sanay. Masyado na kasi akong matangkad at kapag naghells ay madadagdagan ang height ko. Nakahinga ako ng maluwag nang pinapasok kaming dalawa ni Luningning, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na inimbitahan siya sa mamahaling lugar na ‘to. Inayos ko ang aking mahabang buhok, sinakop at nilagay sa harapan lahat. Bumungad sa aming ang malakas na tugtog, ang usok mula sa DJ, mga nagsasayang mga ilaw na pa iba iba ng kulay, at ang mga taong naghihiyawan na nasa harapan ng DJ. Ramdam ko ang paghawak sa aking kamay ni Luningning bago niya ako hinila papunta sa itaas na bahagi. Palinga linga siya roon hanggang sa tuluyang nakita ang taong hinahanap niya. Lumapit kami sa grupo ng mga kababaehan at kalalakihan. May iilan na pamilyar sa akin at may iilan naman na bagong mukha talaga. Iyon iba ay sa underground ko nakita… Nagulat ako nang biglang humiyaw si Luningning, dinig na dinig iyon kahit sobrang ingay ng paligid. May kung sino ring humiyaw sa grupo at sa tingin ko ay siya iyong si Claire na sinasabi niyang kaibigan niya. Nagyakapan silang dalawa na parang miss na miss talaga ang isa’t isa. Nahihiyang lumapit ako kay Luningning dahil nakatingin na iyong mga tao na kasama no’ng Claire sa amin. “Ay oo nga pala! Ito siya, si Mona iyong sinasabi kong highest bidder doon sa underground!” mataas na boses ni Lu para magkarinigan. Nanlaki ang mata ni Claire nang makita ako at ngumiti. Mukhang genuine naman ang ngiti niya at walang halong kaplastikan. Inayos niya ang buhok ko bago nagsalita. “Finally nakita rin kita. Ikaw pala ang kumabog sa akin!” natatawang aniya. Napatingin ako kay Lu. Natawa lamang siya. “Siya iyong highest bidder dati, 5 million ang bid sa kanya! Pero mas mataas ka halos 15 million sa ‘yo!” sambit ni Lu. Maging ako ay nalula sa laki ng mga perang ginastos para sa amin. Pero nakakahinayang lang dahil ni 10 percent ay wala akong nakuha! One hundred thousand lang ang iniwan ni Auntie sa laki ng bid sa akin! Sayang iyon, p’wede nang makabili bahay! “Ang laki tapos tinakbo lang ng Auntie mo! Walang hiya talaga si Tessa, napakakapal ng mukha!” si Claire. Ayaw ko nang pag usapan pa iyon dahil hindi ako komportable, nahalata naman iyon ni Claire kaya iniba niya ang usapan at inimbitahan kami sa kanilang table. Ngumiti ako at bahagyang kumaway ng pinakilala niya ako sa mga kasamahan nila at maging sa kanyang asawa na naririto rin. “Hi, Sir Jiro! Matagal tagal din pala noong nakaraan,” si Lu at nakipagkamay sa lalaki. “Kaibigan ko nga pala si Mona.” Ngumiti ako sa lalaki at yumuko ng bahagya. “Magsaya kayong gabi, pinangako ko kay Claire na hindi ko siya pipigilan sa mga gusto niya unless labag na sa loob ko,” sabi no’ng Jiro at natawa pa. Ngumuso ako. Napakabait naman pala ng asawa ni Claire. Siya din ba iyong nagbid sa kanya? Gusto ko sanang tanungin iyon ngunit magmumukha akong tsismosa kapag ginawa ko iyon. Kaya tumahimik na lang ako at kinuha iyong binigay na margarita glass sa akin. Sumipsip ako ng kaunti at nasarapan sa lasa. Nakita iyon ni Lu at bahagyang lumapit sa akin at bumulong. “H’wag kang masyadong uminom baka hindi tayo makauwing dalawa. Hindi ‘yan juice, may alak ‘yan kaya unti untiin mo lang.” “May balak ka bang maglasing?” taas kilay kong tanong sa kanya. Ngumiti lang siya na para bang may masamang balak. Doon pa lang alam kong meron na. “Hindi naman, ngayon ko lang kasi kasama si Claire kaya mag eenjoy ako.” Hindi na ako nagreklamo at hinayaan siya sa gusto niya. Hindi rin naman ako maglalasing baka talagang hindi kami makauwing dalawa. Umupo ako sa tabi ng mga kaibigan ni Claire, mukha naman silang mabait dahil binigyan ako ng pwesto sa upuan ngunit pagkaangat ko nang aking ulo ay may namataan akong isang pinakapamilyar na mukha sa kanilang lahat. Si Kim. Iyon maldita sa underground. Hindi na ako nagulat pa na nandito siya, mukhang kaibigan niya naman ang lahat ng mga babae doon, p’wera na lang sa aming dalawa ni Lu. Kita ko ang pagngisi niya at lumapit sa gawi ko. Umupo pa talaga sa tabi ko at ngumiti na para bang nangangasar. “Ikaw nga ang highest bidder pero ‘di mo rin naman nahawakan ang pera mo. Sayang din ang lahat, nahihirap ka pa rin.” walang prenong aniya. Hindi ko masabi kong nakainom na ba siya o hindi pa. Hindi ako pumunta rito para makipag away kanino man. Ayaw ko ring sirain ang gabing ‘to dahil sinama ako ni Lu at ayaw ko siyang mapahiya sa kaibigan niya. Hindi ko siya pinansin. Tumayo ako at umalis sa pwesto na ‘yon. Pumunta ako sa kabila na malayo sa kanya at muling sinipsip ang margaritang binigay sa akin. Linga linga ako hinanap si Lu, kasama niya si Claire at sumasayaw sila kasama ang iba niyang kaibigan. “Hey, hey, hey,” napalingon ako nang maramdamang may kamay sa aking balikat. Tumayo ako at nanlaki ang mata nang makita ang lalaki sa harapan ko. “Sir Gio?” gulantang na tanong ko. Natawa siya. “You’re here, I thought you are…” hindi niya napagpatuloy ang kanyang sasabihin. “Opo, sinamahan ko lang po ang kaibigan ko kaya narito ako.” nahihiya kong sinabi. “You’re friends with Claire?” Ha? Kilala niya si Claire? Lahat ba nang lalaki dito ay napunta na sa underground? Umiling ako. “Hindi po. Iyong kaibigan ko si Lu, kaibigan niya si Claire.” Tumango siya. “I’m glad to hear that. I’m here for her party too, actually. I’m an old friend of her husband’s; we’ve known each other for years. I couldn’t miss the opportunity to join the celebration. You look sad here, hindi ka ba nakikisama sa kanila?” tanong niya at sininyasan ako na bumalik sa pagkakaupo. Tumabi siya sa akin at nakaramdam ako ng hiya dahil doon. Kita ko rin ang paglaki ng mata ni Lu sa malapitan dahil sa namataan niya. “Nakikisama din naman, hindi lang talaga ako sanay.” sagot ko. Muli siyang tumango at tinignan ang ininom ko. “That’s a margarita. It goes down smooth and tastes like juice, but don’t let that fool you—it’s still got alcohol, so be careful.” babala niya sa ‘kin. Ngumiti ako at tumango. May nilagok siyang inumin bago tumayo at lumapit sa kay Jiro. Muli akong mag isa sa sulok habang umiinom. Hindi ko alam kung ilang minuto ako roon nang lumapit sa akin ni Claire at Luningning bago nila ako hinila. “Sumama ka sa amin at h’wag kang magtago d’yan. H’wag mong itago ang ganda mo!” si Claire at muli nila akong hinila pababa hanggang sa makarating kami sa dance floor. Sobrang awkward noong una dahil dalawa sila ay nakasayaw kasama ang ibang bisita ni Claire habang ako naman ay parang naistatwa sa gitna. Sumisigaw sigaw na rin sila at iyong iba ay tumutuwad na. May kung sinong nagbigay sa akin ng inumin at ininom ko naman iyon. Napapikit ako dahil sa pait at init sa lalamunan. Ano ba ‘yong ininom ko? Hindi naman gano’n ang lasa ng margarita kanina. Hindi ko na nabilang kung ininom ko hanggang sa pakiramdam ko umiikot na ang mundo ko. Nakisama na ako kay Lu na sumasayaw. Inaayos ko pa ang damit ko dahil nabababa iyong sa bandang likuran. Backless iyon kaya minu-minuto kong nararamdaman na may humawak sa likuran ko. “Si Gaga, bakit ka naglasing? Sabi ko maglalasing ako!” sigaw ni Lu dahilan para mapahinto ako sa pagsayaw. Umiling ako. “Hindi pa ako lasing kaya ko pa!” “Sigurado ka?” “Oo nga! Nakikisama lang ako sa inyo!” Umikot ang mata niya sa akin at muli siyang nagsaya. Umayaw ko na ako sa alak dahil medyo tinatamaan na ako at baka tuluyan ako matamaan ni Lu kapag pinagpatuloy ko pa iyon. Sumayaw na lang ako kasama nila. Sa sobrang sexy ni Claire na sumayaw ay humiyaw ako at hindi rin nagpakabog si Lu at gumiling din kaya tawang tawa ako. Hindi ko alam pakiramdam ko sobrang saya ko sa gabi na ‘to na hindi ko mapaliwanag. Ganito pala ang club, kaya pala maraming nahuhumaling napakasaya pala. Tinaas ko ang aking kamay at sumabay sa beat. Gumigiwang giwang ang aking balakang hanggang sa may panibagong kamay akong naramdaman sa aking likuran. Hindi ko na pinansin iyon dahil kanina ko pa iyon nararamdaman at nawawala din naman. Ngunit ilang minuto na ang nakakaraan ang kamay ay nasa likuran ko pa rin hanggang sa bumaba na iyon sa aking beywang. Dahil doon ay tumingon ako para sana pagsabihan ngunit nabitin sa era ang sasabihin ko nang makita ang taong hindi ko inaasahang makita ngayon araw. “Malcolm…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD