Kabanata 10
“Malcolm…” bigkas ko sa pangalan ng lalaki sa harapan ko.
Kahit na tinamaan na ako ng alak alam kong siya ‘yon. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?
Stupida! S’ympre afford niya ang mga bagay na ‘to kaya siya nandito. Bakit ba napakadami kong tanong na obvious naman na dahil sa pera niya ay kaya niyang gawin lahat ng gusto niya.
Nakasuot siya ng pang trabaho na damit. Kulay puting button down polo shirt, itim na pang-ibaba, at itim na sapatos. Seryoso akong tinignan, bumaba pa ang kanyang mata hanggang sa paa ko na para bang sinuuri ang pagkatao ko. Akmang magsasalita na sana ako ng may lumapit sa kanya. Ngunit hindi naagaw ang atensyon niya at nakatingin pa rin siya sa akin.
“Malcolm!” ani noong Jiro, iyong asawa ni Claire may mga kasamahan pa siyang lalaki na ngayon ko lang nakita, wala sila sa itaas kanina na sa palagay ko ay mga ka uri lang din nila.
“Akala ko hindi ka pupunta, sabi sa akin ni Claire ay hindi mo pinaunlakan ang invitation niya. I was supposed to fetch you at the company pero dinig kong madami ka nang ginagawa kaya binalewala ko na lang.” kwento pa ng asawa ni Claire.
“Hindi man lang nagbihis papunta rito, busy na busy ha.” ani pa ng isang lalaki na hindi ko kilala.
Umuwang ang labi ko habang nakatingin sa kanila. Parang sumisigaw ang kapangyarihan at kayamanan sa aura ng grupo nila. Umiwas ako ng tingin sa kanya bago ko hinanap si Luningning ngunit wala na siya doon at si Claire na lang ang naiwan.
“Si Lu?” tanong ko sa babae.
“Nagpaalam na mag-ccr, hanggang ngayon hindi pa nga nakakabalik.” sagot niya sa akin.
Nagpaturo ako kung saan makikita ang cr bago ako tumuloy doon. Kailangan kong hanapin si Lu bago pa ako mawalan ng malay dito. Kung kanina ay masasabi kong ayos pa ako ngayon ay parang hindi na. May nararamdaman na ako sa aking tyan na para bang gustong kumawala.
Hinanap ko si Lu sa buong cubicle ngunit wala siya doon. Nagsuka ako para sana maka recover sa lahat ng nainom ko. Napatingin ako sa salamin at inayos ang aking buhok bago tuluyang lumabas. Bumalik ako sa dance floor baka naroon si Lu ngunit wala talaga siya. Bumalik ako sa ikalawang palapag, nagtanong tanong ako sa kanila kung nakabalik na ba si Lu ngunit ayon sa kanila ay hindi raw nakabalik si Lu sa ikalawang palapag.
Gaga talaga! Sabi ko sa kanya h’wag akong iwan eh. Ngayon, paano ako uuwing mag isa? Ayaw kong umiwi mag isa, natatakot ako lalo na’t magtataxi akong mag isa sa suot ko na ‘to. Makakatikim talaga siya sa akin buka!
Umupo ako balik sa sofa, may kung sinong lalaking nagbigay sa akin ng inumin at tinanggihan ko naman iyon.
“Mapili pa talaga siya, kunin mo na mukhang naglalasing lasingan ka para may malandi ka rito ngayon.” hindi ko namalayan na nandito din pala si Kim.
Gustong gusto kong maupo na oras na ‘to pero kung nandito lang din naman siya ay mas mabuti pang umalis na lang. Hindi ko siya pinansin at tumayo ako. Kinuha ko ang maliit na bag na dala ko.
“Ano! Aalis ka? Kasi totoo? Kitang kita sa ‘yo na sobrang cheap at napaka landi mo kaya nakuha mo kaagad si Malcolm ng gabing ‘yon! Nagmumukhang mahinhin pero ang totoo, nasa loob ang pagiging malandi!” sigaw pa niya sa akin.
Naka-inom ako at mukhang naka-inom din siya kapag pinatulan ko ‘yan baka magsimula lang kami ng gulo dito. Hindi ko siya nilungon at tuluyan nang umalis sa lugar na ‘yon. Sinubukan kong tawagan si Lu ngunit hindi na talaga siya makontak pa.
Lumapit ako kay Claire na nasa ibaba kasama iyong ibang kaibigan ng asawa niya, nandito rin si Gio at Malcolm. Umiinom sila ngunit si Malcolm ay sobrang talim ng tingin nang makita ako papalapit.
“Claire,” ani ko, nilingon naman niya ako at ngumiti siya. “Hindi ko talaga mahanap si Lu, baka mauuna na akong umuwi. Masakit na kasi ang ulo ko at mukhang naparami ang inom ko kanina.”
“Gano’n ba? Kaya mo bang umuwi mag isa? I’ll try to contact my driver… or Gio. Mukhang magkakilala naman kayo ni Gio diba? Hindi pa naman lasing ‘yon at mukhang kaunti lang din ang iininom simula kanina.”
Agad akong kinabahan sa sinabi niya. Umiling iling ako at pinigilan siya sa pagtangka niyang tawagin si Gio na busy na nakikipag usap sa mga kalalakihang naroroon.
“Hindi, hindi na. Ayos lang sa akin, kaya ko pa naman.” pagsisinungaling ‘ko.
“Hindi mo kaya at isa—”
“Kaya ko po, ayos lang talaga sa akin.” awat ko sa kanya.
Ayaw kong makaistorbo pa sa kanila. Sisiguraduhin ko namang makakauwi ako ngayong gabi kahit na takot na takot akong umuwi mag isa lalo na sa suot ko ngayon.
Wala nang nagawa pa si Claire kung ‘di ang pumayag sa gusto ko. Nagpaalam din ako sa kanyang asawa at dahil doon ay napatingin ang mga kalalakihan sa akin.
“Uuwi ka na?” si Gio iyong nagtanong.
Ngumiti ako. “Oo, sige mauuna na po ako.”
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at baka humaba pa ang usapan at tuluyan na akong tumalikod sa kanila. Nakalabas ako ng Amnesia Nigh Club at parang nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Masyadong mausok sa loob at isama pa iyong iba na naninigarilyo at vape.
Sa hotel muna kaya ako mamalagi habang hinihintay na umaraw? Pero baka naman hindi ako payagan at bigla ako sisantehin sa umaga!
Gaga talaga si Luisana Lim! Kapag nakita ko ‘yan bukas patay talaga siya sa akin!
Naglakad ako ng kaunti dahil walang masyadong sasakyan. Magiwang giwang pa kung maglakad dahil umiikot na talaga ang mundo ko.
“Ay!” sigaw ko nang may naramdamang may kung ano sa aking balikat.
Pagkalingon ay nagulat ako nang makita si Malcolm doon. May sigarilyo pang hawak sa kanyang kamay, humithit ng isa bago tuluyang tinapon sa malapit na basurahan. Iyong naramdaman ko sa aking balikat ay ang kanyang suit, doon niya iyon nilagay.
Sinubukan kong kunin iyon at narinig siyang magsalita. “Malamig at kitang kita ang buong likuran mo.”
“Bakit ka nandito? Baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo.”
“Wala naman akong pake.”
Kumawala ako ng hininga bago ulit naglakad. Hindi ko namalayan na pababa na pala iyon kaya kamuntik pa akong matumba kung hindi lang ako nasalo ni Malcolm. Kaninang hapon ko pa siya iniiwasan tapos ngayon, dito pala ulit kami magkikita?
Masyadong maliit ang mundo sa amin o sadyang marami lang siyang kilala sa buong syudad.
Nakatitig ako sa mukha ni Malcolm. Ngayon ay naka shave na ang kanyang buong mukha at bagay na bagay iyon sa kanya. Pero hindi ko naman ipagkakaila na mas bagay siya kung may kaunting bigote siya dahil nagmumukha talaga siyang lalaki na sobrang grabe ang dating. Ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa aking beywang at kaagad akong umayos ng tayo at kumawala sa kanya.
“You didn’t tell me you were going to attend that birthday party.” panimula niya habang naglalakad kami.
Bakit ko naman sasabihin sa kanya? Iniiwasan ko nga siya.
“Hindi ko rin alam, gabi na nang sinabi ni Luningning sa akin.”
Hindi ko na siya narinig na nagsalita habang nasa likuran ko siya. Mabuti na lang talaga at hindi gaano ka tanggad ang mga sandals ko baka umiiyak na ako sa sakit ng paa ko kapag nagkataon.
“Stay here, I’ll get my car. Kapag wala ka na rito pagbalik ko… makikita mo ang hinahanap mo.” at talagang nagbanta pa siya.
Masama ko siyang tinignan. Hindi ko alam kung epekto ba ‘to nang alak o hindi dahil hinding hindi ko iyon gagawin sa kanya.
Tumakbo siya sa ibang daan at nawala na siya sa aking paningin. Niyakap ko ang kanyang suit na nasa aking likuran ko dahil sa malamig na hangin na ngayon ko lang naramdaman. Habang hinihintay si Malcolm ay nakatingin lamang ako sa langit na maraming butuin.
Nawala ang tingin ko doon nang may narinig na pagyapak at inakala na si Malcolm ngunit hindi pala. Humigpit ang pagkakahawak ko sa suit niya nang papalapit ang mga klaseng na kalalakihan.
“Uy, may maganda!” ani ng isa dahilan para tumakbo sila papunta sa gawi ko.
Malcolm, nasaan ka na?
Nanginginig na ang kamay ko, hindi dahil sa lamig kung ‘di dahil sa takot na baka kung ano ang mangyari sa akin. Ito ang dahilan kung bakit takot akong umuwing mag isa. Kung bakit takot akong mag isa. Kahit saang lugar hindi kakampanti ang mga kababaihan kung meron ganitong kalalakihan. Hindi na talaga gano’n ka safe sa daan lalo sa mga kababaihan.
“Uy ganda, sama ka sa amin. Check in lang, isang gabi lang.”
“Magkano ka ba, ganda?”
“Five thousand?”
“Gago, mahal naman baka five hundred lang ‘yan mukhang ‘di naman siya virgin eh.”
Kumawala ang imbit na sigaw nang maramdamang kong hinawakan niya ang pwetan ko. Napakagat ako nang labi at hinawi ang kanyang kamay dahil para magalit ang lalaking ‘yon.
“Matapang pala siya. Ayan ang gusto ko, iyong hard to get na pero sana virgin pa ‘to para naman umayon sa ugali niya.” malaswang aniya.
“Please, umalis na kayo.” pagmamakaawa ko.
“Anong aalis? Hindi ka namin iiwan mag isa dito kawawa ka naman. Kaya kung ako sa ‘yo, sumama ka na lang sa amin.”
May naramdaman akong humawak sa beywang ko dahil para mapasigaw ako at mapapikit, ramdam ko ang pagtulo ng aking luha. Sunod kong narinig ang tunog mula sa sasakyan. Isang malakas na mura ang umalingasaw sa paligid bago nagsitakbuhan ang mga kalalakihan.
Dinig ko pang may nagmakaawa bago ko naramdaman ang panibagong may humawak sa aking beywang. Pagkadilat ay nakita kong si Malcolm iyon at nakahinga ako maluwag, hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya dahil sa takot.
“Malcolm,” iyak kong ani na para bang bata.
Kumawala siya ng hininga. “Tangina, sana hindi na lang kita iniwan mag isa.”