Kabanata 11
“D’yan lang po…” mahinang sambit ko nang makitang papalapit na kami sa iskina kung saan papasok sa amin.
Kasya naman ang sasakyan niya sa loob pero ayaw ko lang talaga na hanggang sa looban ay ihahatid niya ako at baka makita niya ang tinutuluyan namin ni Lu. Hindi naman gano’n kapangit ang bahay pero nakakahiya lang talaga sa isang kagaya niya. Isa pa, kahit madaling araw na may mga mata pa ring nakatingin d’yan at baka maging ulam pa ng chismis ngayon linggo.
Araw araw na nga akong nakakarinig ng mga chismis tungkol kay Luningning dahil sa paghatid sa kanya ni Sir Nicolaus dito sa amin at ma issue pa akong may sarili ring sugar daddy!!!
“That’s your house?” tanong niya sabay turo sa isang bahay.
Agad akong umiling. “Hindi, basta d’yan lang ako. Pwede naman na d’yan lang.” pagpupumilit ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin na nakasalubong ang kilay na para bang naghihintay na sasabihin ko sa kanya kung saan ang bahay namin. Bakit ba gusto niyang malaman? Ayaw ko nga eh, baka ma judge pa ang buong pagkatao ko.
Bumuntong hininga ako at akmang magsasalita sana ngunit nanliit ang mga mata dahil sa ilaw ng sasakyan na nasa ibang direksyon. Napatingin din si Malcolm doon hanggang sa pumasok sa eskena ang sasakyan.
Si Sir Nicolaus ba ‘yon? Sasakyan niya ‘yon! Kasama niya ba si Luningning?!! Gaga talaga, malaki ang kasalanan niya sa akin. Iniwan ba naman akong mag isa sa club na ‘yon na walang kilala!
Mabuti na lang talaga at hindi na masyadong masakita ang ulo ko at medyo bumalik na sa sarili matapos ang pangyayari kanina. Sa takot ko, napaiyak pa ako sa lalaking hindi ko naman kilala at sinagip pa ako sa dami ng lalaki doon…
“Sir–” nabitin ang sasabihin ko nang pinaharurot niya ang kanyang sasakyan at sinundan ang sasakyan ni Sir Nicolaus.
Wala na, hindi na ako makatangi sa kanya. Magkaibigan silang dalawa, malamang kilala niya ang sasakyan ni Sir Nicolaus! Talaga naman, ngayon pa talaga!
Tuluyang huminto ang sasakyan ni Sir Nicolaus sa harapan ng bahay na inuupuhan namin ni Luningning. Huminto rin si Sir Malcolm doon sa likod kung saan nakaparada ang sasakyan ni Nicolaus. Umiling iling ako sa gilid at hindi na alam kung ano ang idadahilan ko sa lalaking ‘to.
Lumabas si Nicolaus ng sasakyan at umikot para kunin ang kaibigan kong hindi na makatayo dahil sa kalasingan dahil doon ay lumabas na rin ako ng sasakyan ni Sir Malcolm. Dinig ko rin ang paglagapak ng isa pang pintuan hudyat na lumabas din siya ng sasakyan niya.
“Malcolm?” gulantang na saad ni Sir Nicolaus nang makita si Sir Malcolm, kunot ang kanyang noo bago dumapo ang tingin sa akin at agad naman akong umiwas.
Isang malisyosang singhap ang ginawa ni Luningning at tinakpan pa ang kanyang labi dahilan para mapatingin ang lahat sa kanya. Tinanggap pa niya ang kamay ni Nicolaus na nasa kanyang beywang na pinapatayo siya. Ngunit hindi naman nagpatinag si Sir at muling binalik ang kamay kay Lu.
“Sir Malcolm? Mona? Magkasama kayo?” sabay turo niya pa sa amin. “Sabi na eh, trip ka ng lalaking ‘to. Palagi ‘yang nakatingin sa ‘yo sa hotel, at gusto—”
“Luisana…” pagpigil ni Sir Nicolaus sa kaibigan ko.
Matagal na bang magkakilala ang dalawang ‘to? Komportable na komportable sila sa isa’t isa. Ni hindi nga nabanggit ni Luningning ang lalaki na ‘to sa akin? O baka…
Dinig kong wala namang asawa si Sir Nicolaus kaya ayos lang naman sa akin pero mayaman ang lalaking ‘to… medyo nakakatakot lang…
“What are you doing here, Malcolm?” tanong ni Nicolaus kay Malcolm.
“Hinatid ko–”
“Bakit mo hinatid ang kaibigan ko? May balak ka no?” putol ni Lu kay Nicolaus. “Lau, paailis mo ‘yan baka ano pang gawin sa kaibigan ko.” utos pa niya.
Parang ako ang nahiya dahil kay Luningning, lumapit ako sa kanila at kinuha siya kay sir Nicolaus. Wala naman akong narinig sa lalaki at mabuti nga ‘yon dahil ayaw kong humaba pa ang usapan.
“Why are you with Mona?” dinig ko pang tanong ni Nicolaus.
“Why are you with Luisiana?” balik sa kanya ni Malcolm.
At talagang dito pa sila sa harapan ng bahay namin kung saan maraming chismosa.
Hindi na ako lumingon pa at hinila na si Luningning papasok sa bahay namin. Hindi naman siya nagreklamo pero may mga salita lang na hindi ko maintindihan dahil masyado na siya lasing. Kung kanina ay gustong gusto ko s’yang pagsalitaan ngayon ay hindi ko magawa dahil masyado na siyang lasing. Inihiga ko siya sa kanyang higaan bago tuluyang lumabas ng silid ko.
Bumalik ako sa labasan para sana e lock iyong pintuan namin sa labasan ngunit namataan ko pa ang dalawa doon na nakatingin sa bahay namin at nakasandal sa kani-kanilang sasakyan. Binuksan ko ang gate at nilabas ang ulo ko.
“Maraming salamat sa inyo, matutulog na kami. Mag ingat po kayo.” sabi ko at dali daling sinirado ang pintuan bago tinakbo papasok sa loob ng bahay.
Tanghali na kaming nagising ni Luningning. Pareho kaming masakita ng ulo at parehong tulala, hindi maka function dahil sa hang over. Pareho kaming nakatingin sa TV habang naka upo sa sofa. Sabay kaming nagulat nang may kumatok sa labas ng bahay na inuupuhan namin. Nagturuan pa kung sino ang magbubukas hanggang sa tuluyan na siyang tumayo.
Naiwan akong mag isa doon habang iniinda pa rin ang sakit ng aking ulo. Mabuti na lang talaga at pinayagan kaming hindi pumasok ngayon araw at linggo naman bukas kahit papaano ay makakapagpahinga kaming dalawa.
“Nandito si Lau, papasukin ko ba?” aniya na ikinataranta ko naman. “May dala lang naman siyang pagkain, kusang pumunta rito ha.” kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag, tumango naman ako bilang tugon.
Ito ang unang beses na papasok si Nicolaus sa bahay namin at mabuti na lang dahil maayos ang loob ng bahay dahil hindi naman kami namamalagi rito palagi dahil sa trabaho namin.
“Both of you look so…” komento ni Nicolaus papasok sa loob.
Bare face, kagigising, walang pang suklay, at ayos. Kaya siguro niya nasabi iyon na nabitin sa ere. Natawa ako sa kanya.
“Did you two eat?”
Si Luningning na ang sumagot para sa amin at sila na iyong nag ayos ng dala ni Nicolaus sa kitchen area ng bahay. Sabay kaming kumain, sumabay na rin sa amin si Nicolaus. Habang kumakain ay nagkukwento lang ang lalaki tungkol sa kompanya niya sa paparating na party.
Nakikinig ako sa kanilang dalawa na animo’y magkadugtong ang isip dahil pareho sila palagi ng iniisip.
“Oh siya nga pala, kahit na lasing ako kagabi alam kong pumunta si Malcolm dito ha? Anong nangyari? Bakit kayo magkasama?” at talagang naisingit pa iyon ni Luningning, kanina hindi naman namin iyon napag usapan simula nang nagising.
Napahinto ako sa pagkain at umangat ang tingin.
“Ikaw may kinalaman ka ba?” paratang niya pa kay Nicolaus.
Ang isa naman ay nagulat. “He was invited to that party but refused the invitation, Lu. Kahit ako nagulat din na magkasama sila.” depensa niya sa kanyang sarili.
Muling napatingin sa aking si Lu.
Umikot ang mata ko, muling naalala na nagtaksil siya sa akin. She betrayed me kagabi.
“Iniwan mo kaya ako kagabi. Hindi kita mahanap, malamang sa malamang magkasama kayong dalawa. Nagpaalam ako kay Jiro at Claire na uuwi, nakasulubong ko si Malcolm. Lasing ako pero kaya ko pa naman sarili ko pero siya talaga iyong makulit at pinilit na ihatid ako. Kaya ayon magkasama kami…” kwento ko.
“I heard boys harassed you last night,” ani Nicolaus.
“Ano?!” react ni Luningning.
Sa palagay ko ay hindi niya narinig iyon, sinabi iyon ni Malcolm. Magkaibigan silang dalawa, ramdam kong pinag usapan nila kagabi iyon. Anong oras na silang umalis sa labas, nag usap pa sila.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin? E ‘di sana nasapak ko ang mga ‘yon!” dagdag pa ni Luningning.
Umiling ako. “Ayos lang naman ako. Nakauwi pa naman ako kagabi.”
“Sinong tumulong sa ‘yo?”
Napakagat ako ng labi. Bakit kailangan niya pang alamin iyon? Ayaw ko na nang pag usapan si Malcolm eh.
“Malcolm, of course, magkasama sila eh.” si Nicolaus na iyong sumagot para sa akin.
May something talaga ang dalawang ‘to. Alam kong magkaibigan sila pero hindi ko alam na nagshshare din pala sila ng sekreto sa isa’t isa…