“It’s getting colder!” saad ko nang nakapasok kami sa loob ng kwarto sa kamalig. Hinubad ko na agad ang aking mga damit. Mabilis na sinara ni Silvien ang bintana na yari din sa matibay na kawayan. I only giggled when he glanced at me. “Lalamigin ka.” Binalot niya sa akin ang isang malinis na tuwalya. Nagpasalamat naman ako at tinungo ang mesa. Kumalam agad ang tiyan ko sa gutom. It’s bilo-bilo again! “Ang sarap!” saad ko habang nakabalot sa tuwalya at tinikman ang binigay ni Mang Ador. Si Silvien naman ay sinampay ang damit ko habang naghubad din siya at naiwan ang boxers. Sinubuan ko siya. He looked at me and accepted it. Pagtapos ay naupo ako at dinama ang init ng bowl sa mga palad. “Gusto mo ng mainit? Magtitimpla ako.” Hindi na rin naman siya naghintay at kumuha na ng maini

