Hinayaan ko si Silvien na dalhin ako palayo roon. Maging ang mga nadaanan naming estudyante ay iba na rin ang tingin lalo na’t hawak ako ni Silvien. Mula sa aking pulsuhan ay tuluyang dumulas ang kamay niya sa kamay ko, and now we’re holding each other’s hands while he walked away! Hawak ko ang payong at sinisikap na masabayan ang mabilis niyang lakad. Oh, dear, he’s so mad that he didn’t even want to walk with me! Sa laki ng mga hakbang niya, kahit sikapin kong maabot siya ng payong ay hindi ko na talaga magawa lalo pa’t matangkad siya. Malakas pa rin ang ulan ngunit wala namang pakialam si Silvien. May nadaanan kaming bench kung saan may mga estudyante, but Silvien didn’t pay attention to anyone. Tuluyan lang na tumahimik ang paligid noong nakarating kami sa parking lot. Hindi

