Hindi nagkaayos sina Vaughn at Ziven. Ilang araw ang lumipas ay masama pa rin ang tingin ni Vaughn kay Ziven tuwing nakikita ito. I think he’s really mad at him. “Eh, talaga bang sinadya ni Ziven? Baka naman feelingero ka lang, dude!” Malapit kami ngayon sa gymnasium, kung saan may nakahilerang mga puno at bench na tinatambayan ng mga estudyante lalo pa’t nakaharap ang mga ito sa malawak na field. Nakahilig sa puno ang boys. Si Vaughn ay nakaunan sa mga binti ng kaibigan habang may pinapaikot sa daliri na bola ng basketball. He’s staring at it na parang ito ang ginamit ni Ziven na bola at pinatama sa kaniya. “No, pare. Sinasadya niya talaga. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya diniretso ang bola sa pagmumukha ko,” mariing reklamo ni Vaughn. “Deserve mo naman iyon, Vaughn.

