Hindi pa roon natapos ang mga ginawa namin ni Silvien. It’s still raining outside. Yakap niya ako habang nakasandal ako sa kaniyang katawan, and his strong legs are on either side of me. Hinahaplos niya ang buhok ko. Minsan ay bumababa iyon sa aking leeg at dibdib. My heart is beating so loudly. Sinubukan ko ang gitara ni Silvien. He’s teaching me with some chords, kaso hindi ko makuha-kuha! “It doesn’t sound like yours...” giit ko habang sinusubukan na mag-strum. Silvien chuckled in my ear. Kinukulong ako ng kaniyang katawan. Ang mga bisig niya ay niyayakap ako mula sa likod. “Dito mo hawakan,” turo niya. “Akin na ang kamay mo.” Kinuha niya ang kamay ko na nasa leeg ng gitara. Ginabayan niya iyon. The difference of the size of our palms made me smile. Tinalunton din ng mga dal

