What? Halos nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Silvien. Natutop ang aking bibig. Gusto ko pa sanang magtanong tungkol doon pero ngumiti lang siya. “Upo ka na. Baka kung saan pa ito mapunta.” He smirked and glanced at my lips, habang unti-unti siyang humakbang paatras at naiwan akong tulala. Pakiramdam ko ay saka lang ako nakahinga noong bahagya siyang lumayo. Pagtapos namin sa kusina, hindi pa rin tumitila ang ulan. Baka nga magtuloy-tuloy na iyon hanggang gabi. Nahihiya akong magpasama kay Silvien, pero mas lalong hindi ko kakayanin kung maiwan akong mag-isa. Baka tumambay na lang ako sa labas ng pintuan at panoorin ang ulan kahit masama ang pakiramdam ko at doon maghintay. Silvien was occupying the other couch. He looked comfortable in this house, though. Napansin ko na hin

