Akala ko ay hindi talaga ako makakatulog ngayong gabi, o makakapagpahinga man lang dahil wala sina Mommy, at wala rin si Cleo. Mag-isa lang ako sa buong bahay habang umuulan! Madilim na noong umalis si Silvien. Akala ko ay roon niya lang ako hahalikan sa kusina. At pagtapos niyon ay magiging awkward na kami tulad ng nangyari noon sa talyer. Ngunit hindi. Kabaliktaran sa inaakala ko ang nangyari. We kissed at the couch, too! Iyon ang ginawa namin habang may oras pa. Nag-kiss kami! I can’t believe it! Nakatulog ako sa couch at kinuhanan niya pa ng kumot. I locked the door after he left. Hindi pa rin siya pwedeng maabutan dito nina Daddy. Hindi ako sigurado kung paano magre-react si Dad kapag nalaman niya ito. Baka malagot ako. At higit sa lahat, si Silvien. I don’t want to taint

