“Triana, birthday ni Rieyna sa weekend, ah? Manlilibre siya. Punta ka!” imbitasyon ni Riz, kasamahan namin ni Rieyna at taga-edit ng mga photoshoots. “Uh, I’ll think about it. Baka kasi may kailangan akong gawin,” sagot ko. “Hala ka, magtatampo sa ‘yo si Rieyna. Tayo-tayo lang naman. At saka sandali lang ‘yon. Kung gusto mo ipaalam ka ni Rieyna sa mommy mo?” Ngumiti na lang ako. “Titingnan ko, Riz. I’m currently reviewing for an exam.” She nodded. “Oh, sige. Basta punta ka na lang sa studio. Doon lang naman.” I couldn’t escape that invitation. Si Rieyna na mismo ang nag-imbita sa akin, kaya sa huli ay nandoon nga kami sa studio apartment niya at niyaya nila ako. They said that it’s only us. So I thought it was fine. Kaso lang hindi pa kami nagtatagal doon, nagtaka na ako nang

