Sa huli, nalaman nina Mommy at Daddy ang nangyari. They were so mad. Sila ang susundo sa akin sa Alta Rejos Hotel. Umaga na ngayon at hindi pa lumipas ang twenty-four hours simula nang nangyari ang gulo sa studio apartment ni Rieyna. It means, the drug is still with me. Hindi ako maiwan ni Vaughn dahil nag-aalala siya at nababahala rin. Ilang beses akong nakakatulog. Sobrang pagod ang naramdaman ko that I could feel it all physically. Ni hindi niya ako makausap nang maayos. Noong nagising, nanatili lamang ako sa kama at pinagmasdan ang labas ng balcony kung saan nahuhulog ang mga patak ng ulan. Ang hapdi ng aking mga mata. The heat is running down to my throat. And my chest... they're burning. “Tri?” Boses ni Vaughn na galing sa banyo. I’ve been disoriented since this morning. Ku

