Hindi nagtagal ay tinawagan nga ako ni Ziven. Nakilala ko ang kaniyang pinsan na babae. The first time we met, I went to her house. Studio type ang kaniyang apartment. Naka-apartment lang din si Ziven, at malapit lang siya sa kaniyang pinsan na si Rieyna. Mom and Dad are busy fighting. Madalas ay hindi naman nila pinaparinig ang kanilang mga away. Lagi ko lamang naaabutan. At kapag nakita nila ako, tatahimik na lang sila at hahayaan na akong lumagpas hanggang makaakyat sa aking kwarto. Still, I refuse to agree with Mommy... Alam ko rin naman na ayaw niyang umalis. Ganoon din si Daddy kaya hanggang ngayon, nagsusumikap pa rin siya para isalba kami. He’s trying, and I know he’s trying his best. Kaya napagdesisyunan kong tumulong din. Iyon nga lang, hindi ko na nagawang sabihin sa kan

