Consistent ang pagpapalitan namin ng sulat ni Silvien. Hindi ko rin inasahan na magiging busy ako sa pagpasok ng unang semester ng second year. I smiled when I received a new letter from Silvien. Minsan naman ay nagtatawagan din kami pero mas madalang lang. Tuwing tatawag sa video call, kailangan ko pang gumawi sa mansyon ng mga De Alba. Madalas ay ang mayordoma nilang si Victoria lang naman ang nandoon, pero bukod sa busy ay medyo nakakahiya rin kung lagi akong pupunta para lang makatawagan si Silvien, so we settled for the letters and cards. Sa mailbox iyon dumadaan, at isa hanggang tatlong araw ang tinatagal bago matanggap ni Silvien, at bago rin dumating sa akin ang kaniyang sulat. Hun, It’s Tuesday and I’m thinking about you. I love you, Triana Marie. Missing you each passin

