Mabilis ang paglipas ng bawat buwan. Handa na ang pagdating ng sunod na summer, and finally I am done with my first year in college. Some days passed by very quickly. Some days passed by so slowly, na madalas ay nabuburyo ako. Isang beses ay tinanong ako ni Mommy kung ano ang balak ko. Napag-usapan namin ang tungkol sa modeling career na gusto ko at hindi ko naman mapigilang medyo magtaka kay Mommy. “Your career back in America was going well, hija. Ayaw mo bang ipagpatuloy na iyon?” maingat na tanong ni Mommy. “Itutuloy, Mommy... I just don’t know how to start now that we’re here. Hindi tulad sa America, kailangan ko pang mas maging pamilyar sa mga proseso rito.” Marahan ang ngiti ni Mommy, at nang nag-angat ako ng tingin, medyo iniwas niya ang kaniyang tingin. “Well, I just thi

