Sinabi ko kay Silvien na aayusin ko ang nangyari, iyong pagkalat ng usapan tungkol sa kaniya na minanyak niya ako. Dahil doon ay mayroong mga estudyante na iba ang ginagawad na tingin sa akin tuwing dumaraan ako. They started hating me for it. Siguro ay dahil pabor silang lahat kay Silvien. Of course, sino ang papabor sa isang katulad ko na salta sa lugar na ‘to? I remained calm and composed. Hindi naman ako ang nagpakalat na minanyak ako ni Silvien. Noon lang mismo ko siya napagbintangan na nakatingin siya sa dibdib ko dahil sa pag-aakala. Wala akong pakialam sa sasabihin ng mga cheap student dito. I don’t even care if they hate me. At sino lang ba ang nandoon nang nangyari iyon? Ako lang, si Cleo at babae niya, at bukod doon ay hindi ko na kilala ang ibang naroon. Kung sinuman ang

