“Cleo, anong oras pumupunta sa rancho sina Silvien?” tanong ko sa pinsan nang nasa hapag kami isang umaga. Nagsalubong ang mga kilay ni Cleo habang kumakain. Papasok na kami sa eskwelahan at nag-aagahan na. May pasok ako alas-nwebe nang umaga at ganoon din siya. “Huh? Ba’t mo tinatanong?” supladong singhal niya. Ayaw na ayaw niya si Silvien para sa akin. Ang sabi niya ay mamalasin lang daw ang kaibigan niya. As if. Paano mamalasin si Silvien kung hindi ko naman siya planong gawing boyfriend katulad ng iniisip nitong si Cleo? “Will you just answer?” “Paglaruan mo na ang lahat, huwag lang si Silvien. He’s a great friend of mine. Hindi ko hahayaan na mapaglaruan siya ng katulad mo,” saad ni Cleo na halos ikasama ng tingin ko sa kaniya. Lumagok siya sa tubig at umiling-iling sa akin.

