I ran towards the doorstep. Hinihingal na ako sa pagtakbo para lang hindi maabutan nila Mommy, na kung sumilip sila ay nandoon pa si Silvien. Hindi nga ako nagkamali na may dalang hanger ang pinsan ko. Tinuro niya ako gamit ‘yon habang tinitingnan ang palayong sasakyan. “Aba’t napakagaling talaga ni Silvien. Namimihasa na ‘yan, ah,” salubong ang kilay na sabi ni Cleo at pumunta pa talaga sa wooden gate. Pinakita niya ang kamao habang napipikon na ang mukha. “Makakatikim na ‘yan. Porket takot lang ako sa kaniya!” “Cous!” Alam niya naman na hindi pwedeng malaman ni Daddy. Kung okay sa kaniya na i-date si Ava, baka sa ‘kin hindi okay kay Dad si Silvien! I’m going to kill him kung pinalayo ako kay Silvien. “Anong ginawa n’yo? Ha? Ang dungis mo!” Dinuro niya ako ng hanger na iwinaksi

