Nakabihis ako nang presentable para sa pagpunta namin sa planta. I’m wearing a light blue dress and my hair is in a bun. Hindi na ako masiyadong nag-abala at halos lipstick na lang din ang nilagay. Sumunod ako kay Daddy sa pagbaba mula sa convertible. Huminto kami sa isang malaking pagawaan dito sa El Amadeo at agad na mayroong bumati kay Dad. Sinulit ko ang sandali na ilibot ang tingin sa buong paligid. It’s a big factory! Mukhang marami ring manggagawa rito. Although a bit old, may touch of modernity na ang pabrikang ito. Mula rito ay matatanaw na rin ang malawak na taniman ng ubas. Malawak din ang nasasakop nitong lupain. Nasa aming harapan ay ang matayog na pabrika ng wine. I don’t know if the same family owns both this vineyard and the corn plantation, kasi kung oo, hindi ko ma-

