“Silvien! Tumatawag na naman ang custo—” Parehas kaming natigilan ni Silvien. I quickly looked away, pakiramdam ko ay unti-unti na akong nanliit sa pagkakaupo ko rito sa hood ng convertible. Napakapit din ang kamay ko sa kotse na animo’y nakalimutan ko kung gaano ko nga pala pinapahalagahan itong kotse ni Daddy ngayon! Ang init ng mukha ko, pati ang leeg ko at pakiramdam ko ay isa akong tinapay na nilagay sa oven! Gusto kong magpaypay o kaya ay iharap ang mukha ko sa electricfan. “Ay! Sorry!” Natigilan din si Drix at nagulat sa nadatnang ayos namin. Lalo akong nakaramdam ng hiya. Sa kapal ng mukha ko, ngayon ko lang ‘to naramdaman! “Pasensya na! Lalabas ak—” “I-I think I n-need to go home. Baka hinahanap na ako ng daddy ko,” saad ko at kumilos para makaalis doon. Pinakawalan nama

