Hindi iyon ang Silvien na kilala ko. Hindi ang Silvien na nakakasama ko. He’s not the one I know and I refuse to believe all of this. Pero ano pang hihintayin kong ebidensya, kung lahat ng sinasabi ko ay tinatanggap niya? Na wala siyang tinatanggi at totoo ang lahat ng ito? Magmula sa presensya niya rito sa party at kaugnayan niya sa mga De Alba. He’s indeed their relative. At paano magsi-sink in sa akin na nandito rin ang mga magulang niya at nakilala ko?! “Hindi kita pipilitin, Triana. If you don’t want the engagement yet, I’m fine with it...” saad ni Silvien. Halos mapahilamos ako sa aking mukha, lalong sinampal sa katotohanang totoo iyon. That no one’s lying to me... at ako lang ang walang kaalam-alam. Muli niyang hinawakan ang braso ko at sa distansya namin sa isa’t isa, kah

