Mabilis ang hakbang ko para lang makalayo at dinaanan ang alon ng mga bisita. Bawat hakbang, pakiramdam ko ay tatalon na rin ang puso ko palabas sa aking dibdib. Tulala ako at hindi lubos maisip ang bagay na ‘yon. “Triana,” dinig ko na tawag ni Silvien. He’s following me through the crowd, pero hindi ko siya nilingon at sa halip ay lalo pang lumayo. Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa labis na nararamdaman, at tingin ko ay umaahon doon ang iritasyon. That maybe if he touches me now, I’ll make sure to slap him as hard as I f*cking can. Wala akong alam sa buong mansyon ng mga De Alba, kaya ang entrada ng bahay ang aking tinungo. Mabilis ang lakad ko noong bumaba. In his heavy shiny shoes, I heard his footsteps trying to follow me without disrupting the whole event. Madilim na sa l

