“Okay na ba ang sa ‘yo, Rhys? Did you like your tuxedo?” tanong ko noong tumawag si Rhys. Nalalapit na ang aming kasal. Umuwi siya sa New York, pero tinawagan na naman ng manager at may kailangan na namang gawin, so he had to leave again. Ayaw ko man sana, napilitan akong magtanong kung hindi ba siya nagsabi na nalalapit na ang kasal namin. It’s his manager and team. I’m sure they know that he’s getting married... Hindi man lang ba siya bibigyan ng kahit kaunting panahon para naman maghanda para sa kasal? He’s been working tirelessly! Ilang araw na lang ang natitira pero sumusulpot pa rin ang mga trabahong kailangan niyang gawin. I understand Rhys’ line of work, pero kahit sina Mommy ay nagtatanong na rin kung bakit hindi pa nananatili si Rhys dito sa New York gayong ikakasal na ka

