I know that Tita Finella is really something, pero hindi ko rin alam kung paano... kung paanong lahat ng kaniyang sinabi ay nagkatotoo. It was all okay. I swear! It was all promising! Handang-handa ang wedding gown ko. Handa na rin akong ibigay ang buong buhay ko kay Rhys simula sa araw na ito. I’m ready to finally accept a man’s surname and be his wife, and spend the rest of my life with him. Kaya... hindi ko maintindihan! Nangingiti pa ako sa araw na iyon. I was all prepared and more than ready. Hinarap ko pa ang sarili sa tapat ng salamin at kagat-labing pinagmasdan ang aking kabuuan suot ang traje de boda. It’s the day... of my wedding with Rhys. It’s simple but it looked so good, na hindi ko mapigilang mamangha. Kumurap ako at may nahanap na pakiramdam sa aking dibdib. I’d

