“What is it? Show us!” tanong agad ni Tita at kinuha na ang inaabot na cellphone ng babae. Tita Finella is clearly annoyed, at sumasabog din ang pag-alala sa kaniyang mukha ngunit nauunahan ng galit at labis na pagkadismaya. Kinuha ni Tita ang inabot na phone, at pagtapos ay marahas na huminga, halos nanlulumo sa kahihiyang tatamuhin namin. “What is it, Finella?” tanong ni Daddy na seryoso rin at kanina pang tahimik. “Oh, God, I really can’t do this! This is so embarassing!” giit ni Tita Finella. Kinuha nila Cleo ang phone at pinagpapasahan na. Pare-parehong dismaya ang gumuguhit sa kanilang mga mukha. While I sat quietly and is still processing what happened. Pakiramdam ko ay dumaan ako sa five stages of grief sa loob lamang ng ilang minuto. I was still giving Rhys the benefit

