Hanggang mag linggo ay ini-spam ako ni Sage ng mga message at lagi akong sinusubukan bisitahin sa bahay. Pero sinabihan ko sila Ate Sita na huwag akong istorbohin, pinapapasok siya at inientertain nila Ate pero hindi niya ako nakakausap.
He wanted me to tell him what's the problem because his girlfriend aren't saying anything. Sabi raw ng girlfriend niya ay di niya alam kung ano ang sinasabi ko kay Sage at wala naman daw kaming pinag awayan.
What I don't understand is bakit hindi sabihin ni Camille na nag seselos siya? In that way iiwasan ako ni Sage at baka nga mag selos pa siya kasi mas pinagtutuonan pa ako ng pansin ngayon ni Sage.
"Alam mo hija, kahit anong gawin mo hindi mo maiiwasan si Sage. Lalo na bukas dahil may pasok kayong dalawa, alam naman naming ayaw mong um-absent lalo na at ayan lang ang rason," saad ni Ate Sita.
"Eh bakit mo ba kasi siya iniiwasan? Ano bang ginawa ni Sage o ni Camille?" Kuryosong tanong ni Ate Cecillia.
I sighed and put all my attention on my food. "Well, kahapon kasi kinausap ako ni Camille. Gusto niyang iwasan ko si Sage but I know to myself na ginagawa ko na 'yon, si Sage na lang talaga ang lumalapit sa akin."
"But now, I'm kinda giving Camille her chance na kausapin si Sage about that, pero look what's happening right now... hindi man lang niya kinakausap si Sage na iwasan ako," I played with my food.
"Malakas yata tama ng girlfriend ni Sage, ganiyan ba talaga standard ng kabataan ngayon? Pa-mysterious effect si ate mo," biro ni Ate Cecillia.
"Itigil mo nga yang ganiyan mo Cecillia, hindi ka na bata." Saway ni Ate Sita sa kaniya kaya napa ngisi ako.
"Pero may point si Cecillia, kung nag seselos si Camille idiretso niya dapat kay Sage dahil siya ang nobyo nito. Kaso anong magagawa natin, hindi kaya sabihin ni Camille kay Sage e," saad pa ni Ate Sita.
"Akala ko naman may patutunguhan yung sasabihin mo manang," pang aasar ni Ate Cecillia sa kaniya kaya nag bangayan na naman silang dalawa.
"Tapos na po ako, lagay ko na po 'to sa lababo," saad ko at pumasok sa kusina para pumunta sa lababo.
After that umakyat na ako at inihanda ang mga gagamitin ko para bukas. Well tapos ko na lahat ng homework ko friday night pa lang kaya wala na ako masiyadong ginawa.
"Ano kayang gagawin ko bukas? It's not my relationship but ako yung namomroblema sa kanilang dalawa," saad ko nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin.
I groaned at napasulyap sa balcony and I saw Sage sitting on his hammock. I think he is smoking again because I can see some smoke leaving his mouth. He didn't notice me because he was deep in thought.
I shook my head and closed my curtains bago niya pa ako mapansin, I have no rights to talk to him again so don't even dare Phoebe. May Camille naman na siya, yun na lang yung kausapin niya.
From now on, hindi ko na papakialaman ang mga buhay nila. Well I've been doing it, si Sage lang naman talaga ang lumalapit sa akin and then Camille have the audacity to say that to me.
Umiling ulit ako. I've been stressing myself on the weekend because of them, I craving some ice cream tuloy.
Maaga pa naman kaya hindi ako mapupuyat kahit mamaya pa ako matulog, I just want something comforting to eat.
Sinuot ko na ang hoodie ko at lumabas na. Hindi ko na nakasalubong sila Ate Sita dahil baka tulog na silang dalawa.
Alas otso pa lang naman pero nasa kuwarto na sila agad. Okay na rin yon para makapag pahinga sila. Pagkalabas ko ay sinuot ko na ang earphone ko at nag lakad na papunta sa malapit na convenience store.
Habang nag lalakad ako, the music from Sage's playlist played. It comforted my soul as I walk in the dark street, no lights aside from the streetlights.
Habang dinaramdam ko ang simoy ng hangin ay may biglang humawak sa kamay ko. Nag pumiglas agad ako at akmang tatakbo na ay hinawakan niya agad ang bewang ko papalapit sa kaniya.
"Let go of me please, I don't have any cash with me right now. Mag p-pay lang ako using my g-cash!" Nag papanic na ani ko.
"Hey, chill it's me. Where are you going?" Saad ng pamilyar na boses. "It's Sage if you still don't recognize me."
Agad na nag init ang dugo ko at tinulak siya palayo. "What the hell is your problem?!"
"I just followed you, it's dangerous to walk here alone. Ganito ka rin ba palagi nung wala pa ako rito?" He asked in a soothing voice.
"Oo, at ngayon lang ako naka encounter nang may biglang humahawak sa akin. Akala mo naman ikamamatay kong mag lakad mag isa," naka simangot na sabi ko.
"Well, I've been trying to talk to you but you're just avoiding me, I just wanna know what's our problem Phoebe." Seryosong saad niya.
"You should figure it out, try asking Camille, she might know the reason." Saad ko at nag simula nang mag lakad.
"Did you two fought?" Tanong niya.
I groaned. "Sage, I just told you to ask Camille. Stop bothering me."
He didn't stop asking me, but I tried to not answer all of his tempting questions. They both need to communicate with each other.
Nang makarating kami sa convenience store ay pumili na agad ako ng ice cream. Kumuha na ako ng marami dahil baka mawalan na ulit ako ng gana pumunta rito kaya mag sstock na lang ako.
I bought some ice cream na nasa cones pero mostly nasa tub na para for heavy days ko.
Nang palabas na ako ay sumunod si Sage. He was about to start a conversation with me but instead, he sighed.
Well I can't stop but feel guilty, I might be immature right now but Camille is much more... she should be the one to address this problem to Sage, I'm out of their relationship. Sage is a nice guy, there's no need for her to be scared to open up that topic to Sage, he'll understand it immediately.