Ang plano ko talaga ay mag ice cream lang ng payapa, pero bakit parang ayaw ng kalawakan na mangyari yon?
Habang nag lalakad kasi kami ay biglang bumuhos ang ulan, malayo pa kami sa village so no choice kaming sumilong muna sa puno. It's not enough to shelter us from the rain kaya nababasa pa rin kami.
Ang lakas ng ulan parang tila may bagyo. I sighed before looking at Sage, it's so uncomfortable.
"What should we do now? Anong oras na, may pasok pa tayo bukas!" Saad ko.
"We cannot wait for it to stop, parang bukas pa titigil 'to e," he bit his lips. "Tara na? Maligo na lang tayo pag uwi."
I nodded and he counted one to three. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nag lakad pauwi. This feels wrong pero naka tsinelas ako kaya kung mag iinarte ako ay baka madulas o madapa ako.
His walk are faster than mine and every step we take, we grip into each other's hands for strength.
"Sage, kalmahan mo hawak mo sa akin, pag nadulas ka madudulas din ako," sinamaan ko siya ng tingin. Paano ba naman kasi, muntik na siyang madulas tapos kumapit sa kamay ko.
He chuckled. "I'm sorry, I'll be more careful," saad niya at nag lakad ng dahan dahan.
"Parang tanga, umayos ka nga. Anong oras na tayo makakauwi niyan Sage!" Reklamo ko sa kaniya.
"Kapag naka uwi na tayo maligo ka at uminom ng gamot just in case, you might catch cold," he worriedly said.
"Yes boss, do the same thing. Kapag hindi ka pumasok bukas kawawa si Camille," saad ko.
"She can handle herself, she made friends in her first day here. But of course papasok ako bukas, I'm gonna get your reputation as teacher's pet right?" He smirked at inirapan ko naman siya.
As we talk to each other, parang bumalik ang closeness naming dalawa and it feels right but at the same time it's wrong.
Nang makarating kami sa gate ng village ay nakita kami ng guard at pinahiram kami ng payong. Sage and I looked at each other at the same time, trying hard not to laugh.
"Thank you for offering kuya but... we are already wet," he said and even laugh a bit.
Hinampas ko tuloy ang braso niya at natawa ng kaunti kasi natawa si Kuyang guard. We both thanked him at nang malapit na kami ay nakita namin si Camille na inaantay siyang umuwi.
"Hey Cams," Sage waved at her using his left arm and his right arm are... still holding my hands!
Nanlaki ang mata ko at agad na pinaghiwalay ang kamay namin but it's too late because naka tingin na si Camille sa kamay namin kanina. Oh my gosh, why am I so careless?
Camille smiled at Sage but it didn't reach her eyes. Oh my gosh my conscience will not make me sleep.
"Uhmm, I'll get going na. Goodbye and good night Sage and you too Camille," I smiled guiltily.
Pag pasok ko ng apartment ay nilagay ko na sa freezer ang mga ice cream at dumiretso ng banyo. After I washed up, nag mop ako ng sahig na nilakaran ko habang basa ako kanina.
Hindi na dapat ako mag i-ice cream because umuulan and I might catch cold because of that, but I can't sleep because of kanina. I'll just eat as my coping mechanism.
Kumuha ako ng ice cream na nasa cone lang muna at umupo sa harap ng study table ko. Well may bintana sa taas ng shelf ko so I watch the rain pour through the window.
I dramatically eat my ice cream while listening to instrumental music until I decided to sleep. I got some random nightmares while I'm asleep, and that means one thing.
I woke up with a heavy head, this is not good!
Kahit masakit ang ulo ko ay bumangon pa rin ako para kumain at maligo na.
"Oh Phoebe, bakit parang pumipikit pa mata mo? Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?" Tanong ni Ate Sita pagkababa ko.
"I slept well Ate, masakit lang po ulo ko," saad ko at umupo na.
Kaunti lang ang kinain ko because I don't have appetite this morning.
Time passed, naka inom na ako ng gamot pero mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. I just wanna sleep all day pero ayokong hindi pumasok, monday na monday e.
"Sigurado ka bang papasok ka pa rin? Namumutla ka Hija," nag aalalang ani ni Ate Sita.
"Opo, I can manage. Mag papahinga na lang po ako kapag may vacant time mamaya," I said and then bid my goodbye's to them.
I thought that's the worst thing I could feel while I'm sick. Mas malala pala kapag nasa sasakyan ka na. Halos umikot yung mundo ko.
"May dala ka bang gamot? Mag ingat ka Hija, tawagan mo ako kapag gusto mo nang umuwi ha," masuyong saad ni Kuya Alex.
"Yes Kuya, thank you for your concern," I smiled and wave him goodbye.
Hindi na ako pumunta pa ng cafeteria or rooftop, dumiretso na agad ako sa first class ko. Well I'm twenty five minutes early so I can still rest.
Pagkarating ko sa second floor ay kakalabas lang ng ibang estudyante so sakto lang ang dating ko. Umupo na ako at nag sulat sa papel. "Please wake me up if the class started." At dinikit 'yon sa desk ko at natulog na.
I'm half asleep when someone is fighting beside me.
"I told you to be quiet, mahirap bang intindihin 'yon?" Inis na saad ni Sage.
"Why do you care so much about that girl? Just wake her up!" Iritableng saad naman ni Camille.
Are they fighting because of me?
"You can live without me sitting beside you, you can join one of your friends there." Inis na bulong ni Sage kay Camille pero rinig ko.
Narinig ko rin ang padabog na pag alis ni Camille, and I felt Sage caressing my forehead.
"Is the class started?" I mumbled but loud enough for Sage to hear.
"No, you still have 5 minutes to nap," he said softly.
Tumango ako at umayos na ng upo. "Why are you here? Sit beside Camille."
"No, I'm one of the reason why you are sick so let me take care of you."