Hi. You already reached the last chapter of this story. I hope you enjoy reading it like how I enjoy writing it. Chapter 35 "May problema ba tayo?" Tanong ko kay Jonas habang nasa hospital kami. Walang masyadong tao rito sa kuwarto dahil mga staff lang ang pwedeng pumasok. Dito ko na siya nahila kanina, simula nung nagsimula ang November ay nagbago na ang pakikitungo niya. Hindi ko alam kung anong mayroon, pero wala naman akong matandaan na pinag-awayan namin. "I'm just tired. We don't have a problem." Sagot niya sa akin. But I didn't feel the assurance he's always giving me. "Are you sure?" Tinantiya ko ang emosyon niya pero parang iwas na iwas ang mga mata niya sa akin. Kakatapos lang ng midterm namin, to be honest, hindi siya ganon ka attentive kapag nagrereview kaming dalawa

