Epilogue Parang sariwa pa rin sa akin ang mga congratulations na naririnig ko mula sa mga kamag-anak o kaya mga kaibigan. Naipasa ko na ang board exam. Lalo pa akong naging proud sa sarili ko nang nasali ako sa top seven, not bad right? Iverson topped first on the board exam while Addhie topped ten. It has been two years since then. At ngayon ay nagtatake ako ng residency sa Notre Dame Hospital. Nakakamiss din pala ang atmosphere sa hospital na ito. Ilang taon din ako sa SLU hospital, may mga iilan pang doctor and nurses na nandito kasama ko noon sa duty. "Ang bilis ng panahon, doctor ka na ngayon." Ngumiti ako kay Nurse Jean, siya ang head nurse simula pa noong graduating kami. "Pangarap po e." Walang mahirap lalo na kapag determinado kang maabot ang pangarap mo. "Buti dito ka nag r

