Chapter 17 Nag-umpisa ang party at wala parin si Christopher! Iniiwasan ni Lily ang mapatingin sa table nila Colleen dahil wala itong ginawa kundi ang bigyan siya ng death glares. Panay irap ng mag-inang kontrabida sa kanya. Ayaw niyang tingnan ang mga ito. Nandito siya para magsaya hindi para ma kunsumisyon sa dalawa! Yong Daddy niya ay wala naman pakialam sa kanya. Ni hindi nga siya kinumusta man lang. Mas importante pa rito ang pangalan at reputasyon ng kompanya nila. "Antonia, Alam mo ba kung nasaan si Christopher? Magsisimula na ang party ay wala parin siya." Nag-aalalang tanong ni Lily. "Don't worry Lily. He will be here," pa suspense na sagot ni Antonia. Na tila ba may ibang kahulugan pero hindi naman ma gets ni Lily! Nag-aalala siya kay Christopher baka kung napaano na i

