Chapter 16 Nalula si Lily sa laki ng grand ballroom hall kung saan ginaganap ang party. Ang upuan ng mga hotel employees ay nasa likuran at nando'n na si Lily katabi ang kanyang mga kasamahan sa trabaho. Hindi pa nag-uumpisa ang programa at hinahanap ng kanyang mga mata si Christopher. "Lily! Ang ganda mo naman ngayon." Puna ni Sonya. Kapansin-pansin talaga ang kanyang ganda dahil wala na siyang eyeglasses at napaka sexy ng kanyang suot na gown. Parang siya ang rarampa sa taas ng stage gayong empleyado lamang siya! Bigla tuloy siyang na conscious. Na sobrahan ata siya sa ganda gayong hindi naman siya VIP! "Salamat, nagpa make over na din ako hehe." Nakangiting sagot ni Lily kahit awkward na ang kanyang nadarama. "Ay wow, talagang itinodo mo na Lily! Saan ka ba nagpa make-over? Pa

