Chapter 28 Papalabas na ng gate sina Lily at Lucy ng marinig ang sigaw ni Colleen. Napahinto sila sa kanilang paglalakad at hinintay si Colleen na makalapit. "Sissy! I forgot to give this." Masayang sabi ni Colleen at ibinigay ang invitation card kay Lily. It's a birthday invitation card. Nakangiti si Colleen ng lihim dahil ang nasa isipan niya ay makukuha niya na rin sa wakas si Christopher. Sabi nga niya... It's just one wine away! One glass of wine with a secret ingredient ay tiyak ng mapapasakanya na si Christopher. Hindi pwede na hindi niya mabingwit at maagaw si Christopher. Siya lang ang may karapatan na mag-asawa ng CEO! Abot hanggang teynga ang kanyang ngiti dahil nakikita niya na ang future with Christopher! Goodbye Lily! And this time sa kangkungan na talaga pupulutin

