Chapter 29 VILLEZO MANSION Nang makauwi sina Lily sa Villezo Mansion ay andun si Christopher at nag-aabang sa kanila. Nabasa niya na kanina ang text ni Lily na pauwi na ito pero hindi parin siya mapalagay. Pag-uwi nila ni Donna galing sa mall ay wala na si Lily. Nag text naman ito na sa Magdilang Mansion maghahapunan pero nabagot si Christopher sa kakahintay kaya tinawagan niya. Wala namang sumasagot! Bigla siyang nag-alala at papunta na sana sa Magdilang Mansion ng mag text si Lily na pauwi na ito at kasama ang kanyang Mama. Tumawag si Christopher pero ayaw parin sagutin ni Lily! Nagdududa na si Christopher na sinasadya nito na hindi sagutin ang kanyang tawag! Bakit? Naitanong ni Christopher sa kanyang sarili kanina. Baka may masamang nangyari kay Lily at napa-paranoid na siy

