“Hi Summer!” Bati ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at binalik ang tingin sa mga libro niya, “Hello,” ulit ko.
“Nagbabasa ako ngayon, e. Puwede sa susunod na lang?” Nakataas kilay na tanong niya.
Ngumiti ako at umupo sa harapan niya. “Mag-isa ka lang lagi dito?” Tinitigan niya ako, “Lagi kasi kitang nakikita dito. As in dito lagi ang puwesto mo,” sabi ko.
“Maganda kasi dito, kita ko ang buong cafeteria,” kunot-noong sagot niya, “Ano bang kailangan mo?”
“Anong oras na?” Tanong ko.
Lalong kumunot ang noo niya. “Kung magpipick-up line ka lang, humanap ka na lang ng iba,” malamig na sabi niya sabay balik sa pagbabasa ng libro.
“Sorry,” mahinang sabi ko, “Akala ko lang kasi,” huminga ako nang malalim.
“Sabihin mo na kasi kung ano ang kailangan mo,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin, “May sasabihin ka kaya ka nangungulit, ‘di ba?”
“Oo, itatanong ko lang kung kailan mo ako sasagutin?” Saglit na lumipat ang tingin niya sa akin at binalik din kagad sa libro, “Alright! I can wait,” sabi ko na lang.
Tumango-tango siya at tinignan ang relos niya. “’Anong oras na?” Tanong niya.
“Oras na para mahalin mo ako,” nakangiti kong sagot.
Pilit na ngumiti siya at sinabing, “Oras na nang klase mo, malelate ka na.”
Napatingin din ako sa relos ko. “s**t! Oo nga, sige see you later!” Nagmadali na akong umalis.
Summer, ang kauna-unahang babaeng niligawan ko. Kakaiba kasi siya. Maganda, simple, matalino, walang arte sa katawan at talaga namang maipagmamalaki mo. Kaya nga nang malaman kong wala pa siyang boyfriend, e, agad ko nang niligawan.
Marami akong binago sa akin para mapansin niya. Lagi na akong pumapasok at hindi na puro basketball lang ang inaatupag ko. Ngayon nasasabi ko nang hindi nagsasayang ang magulang ko sa binabayad nilang tuition fee. Kahit kalahati na lang ang binabayaran nila dahil scholar ako ng school, syempre malaki pa rin ‘yun. Paano pa ‘yung mga estudyante na talaga namang pinaghihirapan ‘yung pinambabayad nila, ‘di ba?
I’ve become open-minded sa lahat ng bagay. Iniisip ko muna, kailangan ko ba ito? Ano ba ang dapat? Paano kung ako ‘yung nasa lugar niya? Bago ako magdesisyon sa isang bagay.
I think I became a good person after kong makilala si Summer. Kaya kahit gaano katagal, hihintayin ko siya.
“Sigurado ba kayo dito?” Tanong ko sa mga kasama ko sa basketball.
“Oo, pag hindi ka pa sinagot no’n, ewan na lang namin,” mayabang na anas ni Isaac.
Tinignan ko siya nang masama. “Hindi katulad nang mga niloko mong babae si Summer, Isaac,” banta ko sa kanya. Napa-iling na lang ito.
“Hindi na kita masyadong nakikita sa gym, huh?” Napatingin ako sa nagsalita, hindi ko na naman kailangang hulaan kung sino.
Nginitian ko si Pearly, iniisip ko pa lang talaga ang dahilan kung bakit napapangiti na ako. “Oo, e. Kailangang magseryoso.”
“Si Summer ba?” Nakangising tanong niya. Ngumiti lang ako. “That’s new.”
“Iba siya, e,” awtomatikong lumapad ang ngiti sa mga labi ko, “Tinamaan talaga ako.”
“Hindi kayo magtatagal,” sabi niya at sabay kibit-balikat.
“Oy! ‘Wag ka ngang gan’yan!” Sumimangot ako at tinignan siya nang maigi. “Papatunayan ko sa iyo na magtatagal kami. Kahit pumusta ka pa,” determinadong sabi ko.
Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga mapupulang labi. “Two thousand, hindi kayo aabot ng dalawang buwan,” pusta niya.
“Deal,” ngumisi ako, “Ihanda mo na ‘yan,” mayabang kong sabi at saka sinenyasan ang mga kasama ko.
She doesn’t like Summer. Hindi ako sure kung bakit. Anyway, sigurado akong matatalo siya sa pustahan. Ngayon lang ako nagseryoso kaya alam kong hindi ako basta basta bibitiw.
Pagdating namin sa field pinaayos ko na sila at ako naman ay pumuwesto na sa gitna at inabangan si Summer.
“Summer Danielle, will you be my girlfriend?!” Sigaw ko nang dumaan siya. Napatingin siya sa amin. Tinignan niya kami nang mabuti. “Summer, alam ko madami na kong na lokong babae, pero pangako magbabago ako sagutin mo lang ako. I love you, Summer Danielle Antonio,” Unti-unti akong lumapit sa kanya. Hindi ko inalis ang ngiti sa mga labi ko. Pagkalapit na pagkalapit ko tinanong ko ulit siya, “Will you be my girlfriend?”
“Y-yes! I will be your girlfriend!” Masayang sagot niya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad kong siyang nahalikan sa mga labi niya. Saglit lang dahil bigla kong naisip ab aka magalit siya sa akin.
“I love you,” malambing na bulong ko sa kanya. Napahawak siya sa mga balikat ko. “Are you okay?” Nag-aalalang tanong ko.
Ngumiti siya at tumango. “Hindi lang kasi ako makapaniwala na,” sabi niya sabay hinga nang malalim. “ M-mahal mo ako…”
Ngumiti ako at hinalikan siya noo. “I love you,” sabi ko at niyakap ko siya.
“I love you, too,” sagot niya.
Ako na ata ang pinakamasayang tao ngayon. Wala nang mas sasaya pa sa akin. Para akong nanalo sa lotto. O higit pa roon.
***
“Babe, mag one month na tayo sa next week, ‘yung usapan natin huh?” Paalala ko kay Summer.
Tumango siya. “Oo, pero tandaan mo ang usapan natin ay kung papasa ka sa test mo,” inabot niya ang libro ko sa statistic, “Nag-highlights ako ng ilang puwedeng lumabas sa exam,” sabi niya.
“Ang seryoso naman,” malambing na sabi ko, “Kakasimula pa lang ng semester may test na,” sabi ko sabay inat.
Kinurot niya ang tungki ng ilong ko. “Syempre, gusto mong matuloy tayo sa Kaleji Baru, ‘di ba?” Nanggigil na sabi niya.
“Oo na. Oo na,” pilit na sabi ko at pinag-aralan na ang binigay niyang reviewer.
After naming magreview dumiretso na kagad ako sa room namin para sa statistic. Kailangan ko itong maipasa. Minsan lang pumayag si Summer na sumama sa amin sa mga gala naming gano’n. Hindi naman daw niya kasi hilig mag bar.
After ng test feeling ko nabunutan ako ng tinik. Tinik ng balyena kung mayroon man. Grabe, nakakadugo pala iyon ng utak. Paano nasasagutan ‘yon ni Summer?
“Kamusta ang test?” Tanong kagad ni Summer nang magkita kami sa Cafeteria.
Nag-sad face ako. Ngumiti naman siya. Inabot ko sa kanya ‘yung test paper. Bigla siyang napasimangot.
“Pumasa po ako,” mayabang na sabi ko, “Sasama ka sa Kaleji Baru, huh?”
“Ano pa nga ba?” Ngumiti siya at kinurot ulit ang ilong ko, “Cute mo,” gigil na sabi niya.
“’Yung ilong ko ba?” Natatawang tanong ko.
Kinikilig na tumawa siya. “Pati ikaw,” sabi niya, “Tara nga dito,” pinalipat niya ako sa tabi niya, “May isa ka pang test bukas, review tayo?” Nakangiting tanong niya.
Nagkaroon nang awang sa bibig ko. “Seryoso ba ‘yan?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
“Oo, tara na,” natatawang sabi niya.
Humalukipkip ako at naniningkit ang mga matang tinignan siya. “Madugo pa ang utak ko ngayon, puwede bukas naman ulit?”
Ngumiti siya at tumango. Ngumiti na rin ako. “Syempre, hindi. Tara na, magreview ka na,” inabot niya ang libro ko sa management, “May naka-highlights na ulit d’yan,” nakangiting sabi niya.
“You’ve got to be kidding.”
***
“Pearly,” tawag ko sa kanya, “Musta na? Hindi ka na masyadong nagsasasama sa amin, huh?” Tinignan niya lang ako at para bang walang balak sumagot. “May lakad kami mamaya, sama ka,” aya ko sa kanya.
“Sunod na lang siguro ako,” sagot niya.
“’Yan din sabi mo noong nakaraan, e. Hindi ka naman sumunod,” reklamo ko.
Simula noong naging kami ni Summer lagi na lang niya akong tinatanggihan tuwing inaaya ko siyang gumala. Alam ko namang ayaw niya kay Summer, pero sana naman as best friend ko bigyan niya ng chance ‘yung girlfriend ko. Paano niya makikilala at magugustuhan si Summer kung gan’yan siya, ‘di ba?
“E, ano naman ba kung hindi ako sumunod?” Mataray na tanong niya. “Hindi naman ako kailangan do’n, e,” inis na sabi niya.
Sasagot na sana ako kaya lang may nagsalita.
“Jason, sorry ngayon lang ak–“ Napatingin ako kay Summer na nakatingin kay Pearly. “Nandito ka pala, Pearly. Kumusta?” Nginitian lang siya ni Pearly. Nagkibit-balikat siya at tinignan ako. “Jason, hindi pala ako makakasama mamaya, may gagawin kaming activity, e.”
“E, ‘di ba usapan na natin ‘to noong nakaraan? Monthsary natin, e,” nagtatampong sabi ko.
“Sorry talaga,” kinagat niya ‘yung labi niya, “Babawi na lang ako sa susunod, huh?”
Tumango na lang ako at niyakap siya. Ano pa bang magagawa ko alam ko namang mag importante sa kanya ang school activities kaysa sa mga gala katulad nito. Hinatid ko si Summer palabas ng tambayan at bumalik na ako sa loob.
“Sama na ako mamaya,” sabi ni Pearly.
Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya sa amin. The typical Pearly. Hay.
***
“Where’s your girlfriend?” Tanong sa akin ni Isaac habang umiinom kami. “Sabi ko finally sasama na siya?”
“May gagawin daw activity, e,” sabi ko sabay inom ng San Mig na nasa harapan ko. “Sayaw lang ako,” paalam ko.
Nagpunta ako sa gitna ng dance floor dala dala ‘yung bote ng beer ko. Nakipagsiksikan sa mga tao. Nakisabay sa indakan nila. Nagsasayaw ako kasabay nang pag-inom ko ng beer. Malakas ang tugtugan kaya parang wala na akong naririnig. Sumasabay lang ako sa mga babaeng nakadikit sa akin at nagsasayaw.
Nang maramdaman ko na medyo tipsy na ako nag lakad ako pabalik sa puwesto namin.
“Jason and I are a big no. As in malaking ‘no’,” narinig kong sabi ni Pearly.
“Talaga? Ayaw mo sa akin, Pearly?” Tanong ko pagkalapit ko sa kanya. “Ayaw mo talaga sa akin?” Hindi ko masyadong makita ang expression niya, pero malamang tinataaasan na niya ako ng kilay. “Bakit hindi ka sumasagot?”
“Humanap ka ng kausap mo, Jason. Hindi ako kumakausap ng taong naka-inom,” sagot niya sa akin.
“Hindi pa naman ako lasing, e,” hinarap ko ‘yung mukha niya sa akin, “Tara pag-usapan natin ‘yan, ano ba talaga ang problema mo sa girlfriend ko?” Diretsong tanong ko.
Hinawi niya ‘yung kamay ko. “Wala akong problema sa kanya, okay?”
Sinampal-sampal ko ang pisngi ko, medyo inaantok na ako. “Wala daw. Tss. Kaya pala hindi ka na, sumasama sa amin,” umupo ako sa tabi niya, “Sabihin mo na kasi, maganda naman si Summer mabait pa, matalino rin, ano ang ayaw mo sa kanya?” Umiling-iling ako dahil pumipikit na ang mga mata ko.
Hindi naman gan’yan si Pearly dati. Kilala ko na siya simula noong High School kami, kaya nga kami mag bestfriend, e. Katulad siya ni Summer noon. Ang inaatupag lang ay ang pag-aaral. Kaya nagtataka ako kung ano’ng nangyari sa kanya dahil pagtungtong namin ng college nag iba na siya. Iba na ang pakikitungo niya sa mga estudyanteng katulad ni Summer.
“Jason, umuwi ka na nga. Tipsy ka na,” utos niya sa akin.
Tinitigan ko siya. “Bakit ka nagbago, Pearly?” Tanong ko. “Hindi ka naman gan’yan dati. Ano’ng nangyari kay Perla?”
“Jason,” huminto siya saglit, “Napag-usapan na natin ‘yan ‘di ba?”
Umiling ako at kinulong ko sa dalawang kamay ko ang mukha niya para titigan siyang mabuti. “Hindi, sagutin mo ako. Ano’ng nangyari sa Perla Mendoza na best friend ko noong high school?” Seryosong tanong ko.
Hinawi niya ang mga kamay ko at sinabing, “Jason, wala na nga si Perla! Ano ba? Lasing ka na, e,” inis na sabi niya sa akin. Hinila niya ako patayo. “Halika, iuuwi na kita.”
Nagising na lang ako nasa bahay na kami. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari. Malamang hinatid ako ni Pearly. Ang sakit ng ulo ko. Itutulog ko na lang muna.
***
Lumipas ang ilang araw hindi ko nakita si Summer at hindi niya rin sinasagot ang mga text at tawag ko. Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Inaabangan ko siya araw-araw sa cafeteria pero hindi siya nagpupunta. Minsan inaabangan ko pagkatapos ng klase niya, lagi naman daw nauunang lumabas. Iniiwasan niya ako.
“Summy!” Tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa palabas ng gate. “Mag-usap naman tayo, oh?” Tinignan niya ako sandal at saka tumango.
Naglakad siya papunta sa likod ng school kung saan konti lang ang mga tao.
“Summy, may problema ba tayo?” Tanong ko.
“Hindi ko alam. Nasasaktan ako, Jason,” mahinang sabi niya.
Mahina pero parang ang lakas lakas sa pandinig ko. Tumagos hanggang sa puso ko.
“Sorry, may nagawa ba ako?” Tanong ko sabay hawak sa magkabilang braso niya. “Sabihin mo sa akin, Summy.”
“I’ve been trying, Jason. God knows how much I’ve tried,” inalis niya ‘yung kamay ko sa braso niya, “Pilit kong sinusubukan na makihalubilo sa mga kaibigan mo. Hindi ko alam kung ako ba ang may problema o sadyang ayaw lang nila sa akin,” tinignan niya ako, “Ikaw, gusto mo ba ako? O sadyang ginagamit mo lang ako? Sabihin mo sa akin kung masaya ka naman ng wala ako, para alam ko kung kailangan ko na bang umalis.”
“Summy...” samo ko.
Mariing pumikit siya. “I saw you playing with the girls at Kaleji Baru, I’m supposed to surprise you pero ako ang na surprise,” tumalikod siya sa akin, “Lumabas ako, pero hindi ko in-expect na sa paglabas ko mas masasaktan pa pala ako,”
“Ano bang sinasabi mo, Summy?” Naguguluhang tanong ko. “Sabi mo hindi ka pupunta.”
“But it doesn’t mean na you’re allowed to flirt with other girls, Jason!” Galit na sabi niya sa akin. “Lalo na ‘yung halikan mo ‘yung best friend mo in public!” Tinignan niya ako na puno ng galit sa mata niya.
“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Summy. Hindi ko hinalikan si Pearly! Bakit ko naman siya hahalikan?” Paliwanag ko
“Nakita ko ‘yon! Sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo na sa akin. Nasasaktan kasi ako, Jason. Nasasaktan ako,” pinunasan niya ‘yung mga luha niya, “Mahal kita, Jason. Mahal na mahal.”
“Summy, I love you,” lumapit ako sa kanya at pinunasan ang mga luha niya, “I’m sorry. Hindi ko alam na nasasaktan ka. I’m really sorry,” niyakap ko siya, “I’m sorry for hurting you.”
Hindi siya nagsasalita. Humihikbi lang. Sa bawat hikbi niya, may parang pana na tumutusok sa dibdib ko. Habang tumatagal lalong sumasakit.
“I’m really sorry for hurting you, Summy. You don’t deserve this,” hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya, “Hindi siguro ako ‘yung taong para sa iyo. Sana dumating ‘yung panahon na makikita mo na ‘yung taong kaya kang mahalin nang higit pa sa kaya mong ibigay. Hindi pa siguro ako ‘yon, Summy.”
“Jason…”
“I’m sorry for hurting you. Hindi ko na dapat pinaabot sa ganito, dapat sinabi ko na sa iyo noong una pa lang. I’m sorry. I’m really sorry. Kami ni Pearly.”
Tahimik lang siya. Hindi siya sumasagot. Mas lalo akong nasasaktan.
Summer, saktan mo ako. Sampalin mo ako. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin sa akin. Mas lalong masakit kung ganiyang ka lang. Tahimik na umiiyak.
“Summy…”
“I love you, Jason,” yumakap na siya sa akin, “I love you,”
“Masasaktan ka lang, Summy,” sabi ko, “Patuloy ka lang masasaktan sa akin, Summer,” inalis ko ang yakap niya sa akin at hinarap siya, “You deserve to be with some else.”
Kahit masakit sa akin, iniwan ko si Summer. Mabigat ang mga paa kong iniwanan siyang umiiyak. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Wala na akong pakialam. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Summer ng dahil sa akin. Kung patuloy lang siyang masasaktan, hindi ko kakayanin ‘yun.
***
Naniningkit ang mga mata ni Pearly habang tinitignan ako. Ilang araw akong nagtago sa kanya. “Ano’ng nangyari?” Walang ganang tanong niya sa akin.
Nilapag ko ‘yung dalawang libo. “Wala na, e,” umupo ako sa harapan niya at pasimpleng tinignan si Summer, “Hindi ko alam kung ano’ng nangyari,” huminga ako nang malalim, “I thought we’re okay, pero hindi pala. She’s in pain. She never told me na nahihirapan pala siyang makisama sa iba nating kasama,” yumuko ako at mahinang inuntog ang ulo sa lamesa, “Sana sinabi niya para nagawan ko ng paraan. She’s all I want.”
Lumipat siya sa tabi ko at inakbayan ako. “Bakit ka pumayag kung siya lang pala ang gusto mo? Gago ka rin, e,” paninisi niya pa.
Humarap ako sa kanya ng hindi inaalis ang pagkakadikit ng ulo ko sa lamesa. “Oo nga, pero ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan. Nasasaktan din ako,” paliwanag ko.
“You’re unbelievable,” hindi makapaniwalang sambit niya. “Paano kita naging best friend?”
“Mahal mo kasi ako,” sabi ko.
Inirapan niya ako. “Pagkalat mo,” kinurot niya ‘yung ilong ko, “Pag may naniwala paninindigan ko,” natatawang sabi niya.
“Si Summy naniniwala,” malungkot na sabi ko.
Pinasadahan niya ng palad niya ang mukha ko at sinabing, “Ano ka ba? Puwede ‘wag masyadong seryoso?”
“Seryoso,” huminga ako nang malalim at tinuktok ulit ang ulo sa lamesa, “Sabi ko tayo.”
Pinagpapalo niya ako sa braso ko. “Gagi! Bakit mo sinabing tayo?” Mahina pero gigil na sabi niya sa akin.
Huminga ako nang malalim at nagkibit-balikat. “Wala akong nadahilan, e.”
Kumunot ang noo niya at tinitigan ako nang maigi. “Tumayo ka nga, mag-usap tayong dalawa,” tinignan ko lang siya, “Bakit mo kasi sinabi iyon?” Bulong na tanong niya sa akin.
“I want to give her reason para bumitiw siya,” sagot ko.
“Gago ka rin talaga, bakit mo naman siya bibigyan ng reason kung ayaw mo naman siyang mawala?” halos bulong na tanong niya.
“Nasasaktan siya, so ano’ng gusto mong gawin ko? Hayaan ko siyang magstay sa akin kahit na alam kong patuloy lang siyang masasaktan?” Tumayo ako at saglit na tumingin sa puwesto ni Summer at saka tuluyang umalis.
Hanggang tingin na lang ako. Kailangan ko siyang pakawalan. Kung babalikan ko siya, ‘yung dapat alam kong hindi na siya masasaktan sa akin. ‘Yung kaya ko siyang bigyan ng assurance na hindi na siya masasaktan sa akin. Kung kailan ‘yun, hindi ko pa alam. Pero hindi ako titigil na mahalin siya hanggat kaya ko.
***
Tinititigan ko si Pearly. Recently nagiging maganda na ang mood niya. Hindi na siya ‘yung sensitive na si Pearly. Hindi na rin siya moody. Medyo nagbago siya noong dumating si Dustin.
“So, ano ang catch sa inyo ni Dustin?” Curious na tanong ko. “Close na close, huh? Baka makalimutan mo nang panindigan na mahal mo ako,” biro ko sa kanya.
“May naniwala ba?” Natatawang tanong niya
“Oo, si Lheine at Summer,” inis na sabi ko.
“Gago ka kasi, e. Kasalanan mo ‘yun,” paninisi niya sa akin. Tinulak ko siya at sinimangutan. “Bakit kasi hindi mo balikan?”
“Paano ko babalikan kung alam nila tayo?” Inis na tanong ko.
“E, bakit parang ako ang sinisisi mo? Sino bang nagsabing sabihin mong tayo? Ako ba? Hindi, ‘di ba?” Inis na sabi niya sa akin.
“E, tulungan mo na akong ayusin. Liligawan ko ulit si Summer,” tinaasan niya ako ng kilay, “Best friend tayo, ‘di ba?” Nagsad face ako.
“May magagawa pa ba ako? Tss,” sagot nito.
“Pearly,” napatingin kami sa tumawag sa kanya. Si Dustin, tinignan ko ito ng medyo hindi magandang tingin, “Kanina pa kita hinahanap, e. May sasabihin sana ako,” sabi nito kay Pearly.
“Oh, ano ‘yun?” Tanong ni Pearly.
“Puwede ‘wag dito?” Nagkatinginan kami.
“S-sige,” sagot niya.
Ano naman kaya ang sasabihin niya na hindi ko puwedeng marinig? Tss.
May ilang minuto rin bago bumalik si Pearly. Tinitigan ko lang siya noong bumalik siya ng nakangiti. Hindi na ako nagtanong, kusa naman niyang sasabihin kung gusto niyang i-share.
Hinintay ko hanggang sa umalis siya, pero hindi siya nag kuwento. Ano kaya ‘yun? Tss.
“Jason, nakita na naman naming si Summer na nakasakay sa kotse ni Dustin, sigurado ka bang hindi mag-on ‘yung dalawa na iyon? Tuwing umaga rin magkasabay sila, e,’ sabi sa akin ni Baste.
“Hindi naman siguro,” sabi ko at saka umalis na.
Naiinis na ako. May tsismis kasi na si Dustin daw at Summer. Hindi naman ako makapaniwala or rather hindi ko kayang paniwalaan.
***
“Hey Dustin, can I talk to you?” Hindi ko na mapigilan na hindi siya kausapin. Lalo na ngayong alam kong nililigawan niya pala si Pearly.
“Right now?” Alangang tanong niya.
“After we finished our shower,” diretsong sabi ko.
Pagkatapos kong magshower at magbihis hinintay ko na lang siya sa labas ng shower room.
“So, ano pag uusapan natin?” Bungad niya sa akin. Umupo ako, gano’n din sira.
“Uhm… Kayo ba ni Summer?” Nakayukong tanong ko.
“Ah… Hindi, we’re just friends,” sagot niya.
“E, bakit lagi mo siyang hinahatid at sundo?” Diretsong tanong ko na.
“Ah… How did you know?” Tanong niya.
“Just answer me,” utos ko. Gusto ko na siyang harapin pero kailangan kong magpigil.
“Well... Hmm. How can I put this? She lives next to my house; since we share the same school I offer her a ride,” paliwanag niya.
“’Wag mo na ulit gawin ‘yun, hindi ka naman pala niya boyfriend, e,” tumayo ako at aalis na sana kaya lang nag salita pa siya.
“Teka lang, sino ka naman para pigilan ako? Your not Sum’s boyfriend, right?” Tanong niya. Nainis ako.
“I was her ex-boyfriend,” mariing sabi ko.
“You should removed the ‘was’. You’re still the EX-boyfriend nothing has changed,” mayabang na sabi niya. Nagtitigan kami.
“I will try to win her back, so back off!” Tinulak ko siya, pero parang wala lang sa kanya ‘yung ginawa ko.
“Listen. Listen very well, Jason. This will be the first and last time that I will tell you this,” may pambabantang sabi niya, “Summer is not a toy, na kapag pinagsawaan mo iiwanan mo tapos pag feel mo na ulit balikan, babalikan mo. So, kung sasaktan mo lang ulit siya, you back off,” galit na sabi niya.
Tinulak niya ako, medyo na paatras ako ng konti. “Ano bang alam mo? Wala ka namang alam, ‘di ba?” Galit na sagot ko sa kanya.
Napangisi siya, “Ikaw ano’ng alam mo? Wala ka rin namang alam ‘di ba?”
Ngumisi ako. “Summer still loves me,” deklara ko.
Ngumisi ulit siya at hinawakan ang baba “Maybe she does, but I think you can never win her back. Trust me,” ngumisi ulit siya kaya hindi na ako nagpigil at sinuntok ko na siya. “s**t! What the heck is that?” Inis na sambit niya.
“Ah. Nangati kasi ‘yung kamao ko, e,” tinignan ko siya nang masama.
“Ang kamao pag nangangati kinakamot hindi sinusuntok!” Sinuntok niya rin ako, napaatras ako ng ilang hakbang. “Jason, ‘yan ang suntok. Mahina pa nga ‘yan, e, hayaan mo sa susunod ‘yung malakas na huh” Tinignan niya ‘yung relos niya. “Oh got to go, I need to fetch Sum, see you”
Hahabulin ko sana kaya lang naramdaman ko ang sakit sa gilid ng labi ko.
***
Napadaan ako sa ice cream parlor malapit sa school. Hindi sana ako hihinto pero nakita ko si Summer sa loob kasama si Lheine.
“Summy! Nice to see you here,” bati ko sa kanya. “Mukhang masarap ‘yan ah,” sabi ko sabay upo sa vacant seat sa tabi niya. Tinawag ko ‘yung waiter. “Isa nga din na ganito. Thank you.”
“Right away, sir,” sagot naman ng waiter
“Oh, sorry. I hope you don’t mind,” sabi ko, “How are you?” Tanong ko kay Summer.
“Ako? Okay lang. Ikaw? Balita ko nagbreak na daw kayo ni Pearly,” blunt niyang sabi.
“Ah ‘yun? Hindi naman namin kailangan mag break, kasi hindi naman kami naging kami,” paliwanag ko sabay kibit-balikat. Tumango tango lang siya.
“Oh. Hindi naging kayo? Talaga?” Tanong ni Lheine at saka niya sinabayan nang nakakalokong tawa.
“Uy, tumigil ka nga d’yan, hindi ka na nahiya,” pigil sa kanya ni Summer.
“Nakakaloko kasi ‘to, e,” inis na sabi ni Lheine sa akin sabay turo. Tumatawa siya pero halata mo ang pagkainis. “Nakipagbreak siya sa’yo kasi sinabi niya sila ni Pearly tapos sasabihin niya ngayon hindi naging sila? Joke time ‘te?” Hindi na ako nakasagot. Tama naman siya, e.
“Jason, pag pasensyahan mo na ‘yang si Lheine, sa kanya ka ata nakipagbreak hindi pa nakakamove on,” tumayo siya at hinatak na paalis si Lheine. “Mauna na kami. Enjoy ka d’yan sa ice cream,” sabi niya pa.
“Wait, can we talk? Privately,” habol ko sa kanya pagdating niya sa pinto ng parlor.
“Wala naman tayong dapat pag-usapan, e. Kung tungkol sa sinabi ni Lheine, wala na ‘yun sa akin,” sabi niya.
“Hindi naman tungkol do’n, may gusto lang ako sabihin,” Lumapit ako at hinawakan siya sa braso. “Tara sa labas,” aya ko. Tinignan ko si Lheine, “Please ‘wag kang sumunod,” sabi ko.
Pinandilatan niya ako ng mata pero hindi ko na pinansin. Kailangan kong kausapin si Summer.
“Hayaan mo na, kausapin ko lang siya. Babalikan kita agad,” sabi ni Summer. Hindi na naman sumunod si Lheine. “’Yung braso ko? Sasama naman ako sa’yo, e,” binitawan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa parking lot. “Ano ba ‘yung sasabihin mo?”
“Una sa lahat, I’m sorry. I’m really sorry for hurting you. Hindi talaga kami naging mag on ni Pearly, bigla na lang nangyari ‘yun,” paliwanag ko. Hindi ko alam kung tama ba ang simula ko.
“Kasi pinagtatawanan ka ng mga barkada mo na ako na na may pagkanerd lang ang girlfriend mo? Noong una, hindi ko maintindihan. Pero medyo matagal na din ‘yun kaya naintindihan ko na din kahit papaano. Hindi ko sinasabing hindi mo ako minahal, minahal mo ko alam ko ‘yun, pero priority mo ‘yung mga barkada mo, at kung ano ‘yung tingin nila sa’yo. Tama naman sila, dapat do’n ka din sa sikat na katulad ni Pearly, sino ba naman ako? ‘Di ba hamak na dean’s lister lang ako na ang laging kasama mga libro?” Lumapit ako sa kanya at hinawakan sa magkabilang balikat niya.
“’Wag mo naman tignan ng mababa ang sarili mo. Minahal kita kung ano ka noon, wala ako’ng pakialam kung sino ka o ano ka. Oo tama ka, pero pinagsisihan ko na ‘yun. Handa na ko’ng itama kung ano man ‘yung mga maling ginawa ko noon. Just give me a chance,” samo ko.
Tinanggal niya ‘yung pagkakahawak ko sa braso niya. “Chance?” Ngumiti siya. “Kung tinanong mo ako siguro noon, baka oo ang sinagot ko. Kaya lang…”
“Just give me one more chance, please? I will do everything,” pagsusumamo ko.
“Naalala mo ‘yung sinabi mo sa akin noong nag hiwalay tayo? Sabi mo noon, darating din ‘yung taong mas hihigit sa’yo. ‘Yung kaya din akong mahalin kagaya ng kaya kong ibigay. Ibabalik ko ‘yun sa’yo,” ngumiti siya, “Darating din ‘yung taong mas hihigit sa akin, at mamahalin ka kagaya ng pag mamahal mo. Jason, hindi kasi ako ‘yun, e. May gusto na kasi akong iba.”
Para akong tinabunan ng tubig. Malamig na tubig. Namamanhid ang buong katawan ko.
“Gusto ka rin ba niya?” Tanong ko.
“Hindi ko alam, at ayoko ko ring malaman. Kasi alam ko, hindi naman magtatagal mawawala na rin siya sa akin at hindi na kami puwedeng magkita uli.” Tinignan niya ako.
“Masaya ka ba? Kasi kung oo, hahayaan na lang kita. Kasi kung saan ka masaya, masaya na rin ako,” pilit akong ngumiti.
“Sa ngayon masaya ako, sobra. Kaya ‘wag mo akong alalahanin. Sana ikaw rin, makamove on na,” niyakap niya ako at saka iniwan.
Tapos na. May mahal na siyang iba. Wala na ako sa buhay niya. Huli na ang lahat.