bc

Heartbreaker

book_age0+
1.2K
FOLLOW
4.9K
READ
system
opposites attract
arrogant
goodgirl
badgirl
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

SEEN ON TV5'S w*****d PRESENTS (03/16-20/2015)

HEARTBREAKER your one stop shops for revenge.

Sawa ka na ba na laging sinasaktan? Inaapi? Pinaglalaruan?

Gusto mo ba'ng makaganti?

Ibalik ang mga sakit, pang-aapi, at paglalarong ginawa nila saiyo?

Kung oo...

Tumawag na sa: 143-5254

O mag email sa: sagotkita@4heartbreaker.com

For more details visit us at h***:://www.4heartbreaker.com

chap-preview
Free preview
Chapter One: Your one stop shops for revenge.
Summer “Ang sakit pa rin best! Alam mo ‘yun? Kahit anong pilit ang gawin ko, parang hindi ko kayang kalimutan siya,” ulit ko na naman kay Lheine, one week ko na atang pinaulit ulit sa kanya ‘tong mga sinasabi ko. “Ewan ko ba naman kasi sa’yo‘te? Niloko, sinaktan, pinaglaruan ka na’t lahat lahat nang hinayupak na gunggong na iyon, ayan ka hindi ka pa rin matauhan? I-umpog ko kaya ‘yang ulo mo sa pader nang magka-amnesia ka?” Tumingin ako sa kanya, sa itsura niya, mukhang seryoso siya sa pag-umpog ng ulo ko sa pader kapag hindi ako tumigil. “’Wag ka naman mag biro nang ganiyan, best,” Aktong sasabunutan na niya ako, pero nag pigil siya. “Oh my!” Gigil na sabi niya.“Stay calm, stay calm Lheine. It’s not healthy to argue with Summer again,” sabi niya habang kinakalma ang sarili. “I want to get even, Lheine. Siguro makakamove on lang ako kapag nakaganti ako kay JERKson,” determinadong sabi ko. Okay, Jason talaga ‘yun, pero dahil bitter ako at jerk naman talaga siya. JERKson. With capital J-E-R-K. HEARTBREAKER Your one stop shops for revenge. Sawa ka na ba na laging sinasaktan? Inaapi? Pinaglalaruan? Gusto mo ba’ng makaganti? Ibalik ang mga sakit, pang-aapi, at paglalarong ginawa nila saiyo? Kung oo… Tumawag na sa: 143-5254 O mag email sa: sagotkita@4heartbreaker.com For more details visit us at h***:://www.heartbreaker.com “Revenge?” Tanong niya na para bang may biglang na alala. May kinuha siya sa pocket ng bag niya. Inabot niya sa akin‘yung papel na nakatiklop. “Ito, ito ang sagot sa problema mo Sum!” Kinuha ko ‘yung papel at binasa. “Are you serious? Mayroon ba talaga nito?” Tanong ko habang pinupunasan ang pisngi ko. “Oo, hindi ‘yan scam. Kilala mo si Jesse?” Taas kilay na tanong niya.“’Yung nerd na pinaglaruan ni Isaac? Siya ‘yung nag bigay niyan sa akin, e. Effective raw,” sabi niya. Nagtaas baba taas baba ang mga kilay niya. “Really? So, ano’ng ginawa ni Jesse? Paano siya nakaganti?” Curious kong tanong Well, na intriga talaga ako. Grabe kaya ‘yung ginawa nang Isaac na iyon kay Jesse. Tsk. “Nag submit daw siya ng form online, tapos kinabukasan may dumating daw na hot hunk sa labas ng bahay niya. ‘Yun daw ‘yung tutulong sa kanya para gumanti,” umupo siya sa kama ko, tumabi sa akin. “Ang ginawa noong hot hunk,” saglit na napaisip siya,“Hindi ko alam, pero ang alam ko nakaganti siya kay Isaac at na satisfied siya ng bonggang bongga! Nakamove-on na siya, and look at Jesse now, hindi na siya ‘yung nerd na Jesse.” Oo nga, ang dating ugly duckling nag-transform into a swan. “E, kung make over lang ang gagawin nila sa akin, how can I get even no’n?” Nakataas na kilayn na tanong ko.“Haler? I’m hotter, and smarter than anyone. I have the looks, and everything.” “Oo, you have everything, kaya ka naging tanga sa love, e matalino ka kasi sa academics– Aray! Totoo naman, e! Makabatok ‘to,” sabay simangot sa akin. “Oo na, I fell in love with that jerk, so? Akala ko totoo siya, e,” humalukipkip ako at umiwas nang tingin sa kanya. “When it comes to varsity player ng school, I doubt it. Wala pa akong naririnig na nagseryoso sila. Kaya noong una palang ayaw ko na talaga sa Jerkson na iyon, e,” inis na sabi niya at sinundan nang paghinga ng malalim, “Pero dahil tang-” Tinignan ko siya nang masama. “Mapilit ka wala naman akong nagawa para pigilan ka.” “When it comes to love hindi mo pagigilan ‘yun, hindi mo rin puwedeng diktahan ‘yung puso mo kung sino ang magugustuhan mo,” pagliliwanag ko sa kanya. “Summer, I just hope you’ll be smarter next time you fall in love,” sabi niya sabay tap sa balikatn ko.“Hindi bagay sa’yo ang tanga pagdating d’yan,” tumingin siya sa relos niya, “Girl mauna na ako huh? May make up class pa ko, e. Move on okay? Balitaan mo na lang ako kapag nagpasa ka ng form d’yan,” kinikilig na sabi niya. Napa-iling na lang ako at sabay nagpaalam sa kanya. Kinikilig na umalis na siya. Loka loka talaga ‘yun. Hinawakan ko ulit ‘yung papel na binigay niya kanina. Hmm… I-try ko kaya? Wala namang mawawala, e. I mean, pag hindi dumating okay lang, pero pag may dumating better. In-open ko ‘yung laptop ko, binuksan ko kagad ‘yung browser at tinype ‘yung url nila. Pag-open ko nagulat pa ako, akala ko school website ‘yung nabuksan ko, bakit kanyo? E, ‘yung pinaka webdesign, ‘yung background may parang school building, which I think big time na school. Ang ganda kasi, e. “Navigation… Oh here… Hmm… What we offer? Click…Cool, they have different kinds of revenge huh? So, ano kaya sa akin?” Nag-scroll pa ako pababa.“Create your own? Coooool! Ito na lang.” Kinlick ko ‘yung ‘create your own’. Hindi kasi ako makapili do’n sa mga ibang choices, e. May nag-open na new window, saying fill up the following. So, I did. Name: Summer Danielle Antonio Nickname: Sum, Dan, Summer Age: 18 Address: 143 Mahal Kita St. I love you Village Ti amo City. Email address: summerdanielle@loveyou.com Phone Number: 09171435254 What do you need?: Please be specific. (E.g Hot Hunk, good at cooking, etc.) We have the best actors/actress in town you don’t need to write that down. Handsome, hot, tall, chinito, good at cooking, caring, athlete, has a nerdy yet hot looks, knows different languages, smarter than me, willing to be my slave, and we must share the same age or he can be older than me but only 2-3 years. Can I include this? He must be rich. Thank you. Huh, ewan ko lang kung makakita sila nito. How long do you need our service?(If you think you need more time, please let us know before the expiration of the contract.)? 3 months Please specify what kind of revenge are you into: I just want to get even, can you just give me your best actor and let me help to build up a great plan? You’re studying at? : Matthew College “Okay submit. HAHA. Tignan natin kung may makita silang ganyan.” *** Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Ang aga-aga may sira-ulong sumisira sa doorbell ng bahay ko. “Ang aga-aga naman niyan,” tinignan ko ‘yung phone ko, “8am pa lang huh? Sino ba ‘yang nag dodoor bell?” Parang lalong nanggigil ‘yung pesteng pumipindot ng doorbell. “Nand’yan na!” Sigaw ko sabay tayo sa kama, hindi ko na tinignan kung ano’ng itsura ko, bahala nang matakot ‘tong nag iingay sa kakadoorbell dito sa pananahimik ko sa bahay ko. Nasa pinto na ako, pero hindi pa rin tumitigil ‘yung pesteng nag-dodoorbell. Buwisit! “Aba! Nand’yan na nga!” Binuksan ko ‘yung pinto, na gulat ako, lalaki na may dalang bulaklak ‘yung nasa pinto. “Hindi ako umorder ng bulaklak,” isasara ko na sana ‘yung pinto pero hinarang niya ‘yung paa niya sa lower part ng pinto. “Handsome, hot, tall, chinito, good at cooking, caring, athlete, has a nerdy yet hot looks, knows different languages, smarter than you, willing to be your slave, and we share the same age. Lucky you, I’m also rich. Dustin Parker at your service,” bungad sa akin. Napapikit pikit ako, ano ba ‘yung sinasabi niya? Para siyang commercial model na nagsabi ng catch phrase niya. Napalunok ako nang ilang sunod. Bagong modus ba ito? “Sorry, hindi kita kilala, e,” kinakabahang sabi ko sabay hinatak ko ulit ‘yung pintuan, pero hinarang na rin niya ‘yung kamay niya. “Uhm. I’m from 4heartbreaker.com, and you filled up a form,” may nilabas siyang papel. “And we need to discuss about your revenge and the payment procedure,” bigla akong na tauhan. “So uhm… Totoo ‘yung website na ‘yon? Akala ko joke lang…” Alanganin akong ngumiti. “Ang totoo niyan… Hindi naman talaga ako seryoso…” Umiling iling siya. “Rule number one: No backing out,” inabutan niya ako ng isang medyo mahabang papel. “Can I come in?” Habang binabasa ko ‘yung laman noong papel, nawala ‘yung lakas ko na pumipigil sa pinto nakapasok tuloy siya… “Nice house you got in here.” “Please proceed to our office for the payment; you must settle your payment once your order arrived,” basa ko do’n sa payment procedure, so uhm puwede siyang installment puwede rin namang full na kagad, “So magkano ang babayaran ko?” Nakataas na kilay na tanong ko. “Nand’yan sa lower part nang papel,” sabi niya. Napaluwa ‘yung mata ko sa nakita ko. “150, 000 ata,” sabi niya sabay kibit balikat. “LABAS! HINDI KITA KAILANGAN PARA MAKAPAG-REVENGE AKO!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.7K
bc

Unwanted

read
532.4K
bc

Erin's Love Story (Tagalog-SPG)

read
45.7K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.5K
bc

My Lover Is A Maid (R18+)- Completed

read
387.3K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook