Chapter: Two Deal

2060 Words
Summer “So Summer, wala ka na ipapagawa sa akin? Satisfied ka na ba?” Mayabang na tanong sa akin ni Dustin. Okay, chinallange ko siya sa different aspects. Tinignan ko kung mas matalino nga siya sa akin, kung marunong nga siya ng different languages, kung magaling nga siya mag luto, kung magaling siya sa sports at kung saan saan pa. My~ Wala ata siyang hindi alam gawin. Lahat nang ipagawa ko ginagawa niya, para siyang uto-uto na sinusunod lahat nang sinasabi ko. Well, that proves that he is willing to be my slave. May isa pa pala! “So uhm, how can you prove that you are rich?” Nakangising tanong ko. Ang usapan kasi namin kapag may isa siyang hindi nagawa o kaya wala sa kanya sa mga hinahanap kong qualities, irereport ko siyang defective product. HAHAH. So, it means tapos na ang kalokohan na ito. “Bakit ka natatawa?” Naniningkit na mga matang tanong niya. Tinignan ko lang siya na parang sinasabi ‘walang pakialamanan’ okay? “Anyway, hmm. I just bought the house next to yours; I even bought new cars Porsche Carrera and Mitsubishi Evo XI. You can check at the parking lot if you want,” walang kemeng sabi niya. Napanganga na lang ako sa kanya. My~ Normal na tao ba ‘to? Saan siya nakakuha nang pambili sa dalawang mamahaling kotse? At binili niya yung house next door? Agad agad? Kahapon lang ako nag send ng form huh. “You’re not satisfied? May gusto ka bang ipabili?” Saglit na napaisip ito.“Well, hindi naman against sa rule ang mag pabili ka sa akin basta gusto ko. So?” Hindi ko maiwasang, hindi mapatitig na lang sa kanya. Nakakaspeechless siya! “Ah… May dumi ba ako sa mukha? Alam ko gwapo ako, kaya hindi mo na kailangan ipakita sa akin ang ganyang expression,” mayabang na sabi niya. Ngiting aso ang sinagot ko sa kanya. Yabang nito. “Wala sa qualities na hinahanap ko ang pagiging mayabang,” mataray na sabi ko. Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis. “Bonus na ‘yun,” malanding sabi niya sabay kindat, “So, kailan mo gustong mag simula?” I rolled my eyes. “Oh I forgot, wala pa pala tayong plano and hindi ka pa rin bayad,” paalala niya. I rolled my eyes again. “So uhm. Hindi ka ba talaga considered as defective product? I mean, hello? Ano ang sasabihin ko kay Mommy kapag humingi ako ng 150,000 ngayon?” Though alam ko naman, Mom won’t ask kung saan ko gagamitin ‘yung 150,000 she never cared naman talaga. Oh well, what a sad fact. “I can lend you,” ngumiti siya nang abot hanggang tenga at ‘yung kilay niya taas baba, taas baba ang drama, “150,000 is a small amount you know!” Hindi ko namalayan na nabatukan ko pala siya. “Masakit po,” sabi niya sabay himas sa parte ng ulo niya na nabatukan ko. “Saan mo ba kinukuha ‘yung pera mo ha?” Mataray ko pa ring tanong. Nakakainis kasi. Ba’t ang yaman yaman niya? “That’s a secret. So, ano na?” Atat na tanong niya.“Pay me kapag nasatisfy ka sa work ko, kung hindi naman ‘wag mo na ako bayaran,” tinignan niya ako, “Oh magandang deal na ‘yan ah!” Hmm. Sounds fair enough. “Deal.” *** “Wow, So, school talaga ‘to?” Tanong ko, nandito na kami sa office ng Heartbreaker, and I can’t believe na school nga talaga siya. “Uh yeah, mga aspiring actors and actresses lang ang tinatanggap na enrollee ng school na ‘to,” sabi niya habang tinuturo sa akin ‘yung daan. “So uhm… Dito ka nag aaral?” Tanong ko. “Yep, at the same time working,” sagot niya. Napatingin ako sa kanya. “Hindi na kailangan itanong ‘yan,” sabi niya sabay irap, wow he looks like a gay. HAHAH. “Cool, so ‘yung ibabayad natin ngayon ‘yun ang suswelduhin mo?” Umiling siya. “Oh eh para saan ‘yung ibabayad natin?” Nagtatakong tanong. “School expenses, props, and everything na kailangan mo sa revenge mo,” sagot niya. Huminto ako sa pag lalakad. “Hindi ko gets, ano kinikita mo sa pagtatrabaho mo as revenge helper?” Naguguluhang tanong ko. “Alam ko na, ‘yung suweldo namin ay ‘yung tuition fee namin dito. To tell you the truth it cost gold,” sagot niya. “Sa yaman mo naman, mukhang kahit isang katerbang ginto ang pabayaran nila sa’yo mababayaran mo, so bakit ka pa nag tatrabaho?” Tanong ko. Parang bigla siyang napaisip sa tinanong ko. Nag lakad na ulit ako. “Kasama sa curriculum?” Napakamot siya ng ulo. Para siyang bata. “I don’t know, masarap naman makatulong, e. So, I don’t really care,” sabi niya. Napataas lang ang kilay ko sa kanya. Hindi talaga maarok nang matalino kong brain cells ang pananaw niya sa buhay. “Pasok ka na, hintayin na lang kita dito sa labas,” sabi niya. Pumasok na ko sa loob. Ang weird ng feeling. Medyo may kadilimana ang kuwarto. Medyo ang creepy. “Ms. Summer Danielle Antonio?” Lumapit ako nang konti at tumango. “So uhm. Pakipirmahan na lang dito, at pakilagay rito ang iyong bayad,” sabi nang babae na hindi ko makita ‘yung itsura kasi madilim sa side niya. Ang weird talaga. Ginawa ko na lang ‘yung sinabi niya, ‘yung pinirmahan ko katibayan lang na tama at maayos ang natanggap ko na product. And yes, product talaga ang nakalagay. Parang hindi nila student ‘yun, or more like parang hindi tao ang turing sa kanila. What kind of school is this? True enough, big time ang school sa laki ba naman ng sinisingil nila, ewan ko na lang. “Mr. Dustin Parker will be your responsibility for the next three months. We enrolled him at your school, Matthew College. If you want to extend the contract feel free to visit us here. And please keep in mind the rules especially the last rule,” istriktong sabi nito. “That after the contract we can’t see each other anymore…” *** Nandito kami ngayon sa labas ng Heartbreaker school, nakasandal kami sa red Mitsubishi Evo XI niya. Napakayaman nga siguro nitong lalaki na ‘to, ang alam ko kasi hindi pa nag sesell locally nitong kotse na ‘to, e. “Baka naman malusaw ‘yang kotse ko?” Tinignan ko lang siya na parang hindi naman masyadong masamang tingin. “Binibiro ka lang eh.” He cleared his throat. “So uhm… Ano plano mo?” Huminga ako ng malalim, bigla akong nakaramdam nang gutom. “Oh oh. Mahirap mag-isip kapag gutom,” sabi ko sabay hawak sa tummy ko. I heard him chuckle kaya tumingin ako sa kanya nang masama. Umayos naman siya noong nakita niya ako. “Tara uwi na tayo, pag luto kita,” sabi niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse, gentleman ang mokong. Habang bumabyahe kami pauwi feel na feel ko naman ‘yung kotse niya. Amoy bago talaga. Sarap gamitin para magroad trip. Pagdating namin sa magkatabi naming bahay, dumiretso muna ako sa bahay ko sabi ko punta na lang ako do’n mamaya. Hindi pa kasi talaga ako nakakaligo, e. Nang dumating kasi siya kanina, kagigising ko lang, tapos ang dami ko pang pinagawa sa kanya.Noong nag-aya siya sa school para magbayad hinatak na lang niya ako buti nga naisipan niya pa akong papalitin muna ng damit, e. Nasa pinto pa lang ako ng bahay niya na amoy ko na ‘yung niluluto niya. Wow! Mukhang masarap dinner ko ngayon! Kakatok pa lang ako, na buksan na pala niya ‘yung pinto kaya ‘yung knuckles ko sa dibdib niya tumama… Wow… Ang firm ng katawan niya… “Nag gigym ako,” bigla niyang sabi. Nababasa niya ba ‘yung na iisip ko? “Pasok ka na, sakto kakatapos ko lang magluto,” sabi niya at pinatuloy niya ako, na disappoint ako pag pasok ko. “Oh bakit wala ka pang mga gamit?” Nagtatakang tanong ko. “Kakalipat ko lang ‘di ba?” Mataray na sagot niya. “D’yan ka lang muna, magpapalit lang ako ng damit medyo pinagpawisan ako, e.” Tumango lang ako, tapos medyo nilibot ko ‘yung lower part nang bahay noong umakyat na siya. “Wala pang sala, ang mayroon lang dining. Saan ako uupo nito pag tatambay ako?” Kinuha ko ‘yung phone ko tapos tinype sa memo ‘yung mga dapat bilin para sa bahay na’to. “Couch, TV…” Pumunta ako sa kitchen, kompleto naman, may dining na, kalan, fridge, and mga basic need sa kusina. Umakyat ako sa taas, same lang ng interior sa bahay ko. May isang kwarto sa taas. Binuksan ko ‘yung pinto. “Ay sorry!” Sinara ko ulit. Hindi pa pala siya nakakapagpalit ng damit. Oh my! 18 lang siya pero ang abs niya! “Puwede kang kumatok,” sabi niya. Nagulat ako nang nakalabas na si Dustin. Tinignan niya ako nang tingin na parang iniinbestiga niya ‘yung mukha ko, “Namumula ka. Ah mainit kasi, wait bubuksan ko lang ‘yung A/C.” Napansin ko na hindi na pala ako humihinga ng maayos, napahinga ako ng malalim no’ng bumaba na siya. My! Namumula ako hindi dahil sa init, dahil sa ganda nang nakita ng mga mata ko. HAHAH. Habang kumakain, hindi ko maiwasan tumingin sa kanya. Oo na, gwapo na siya, nakadagdag pa sa kagwapuhan niya ‘yung ganda ng katawan niya. Err. Bakit hindi mawala sa isip ko ‘yun? Tahimik lang kami habang kumakain, pero ako na didistract. Ang sexy niya kasi kumain. Wow, paano ang sexy way nang pag kain Sum? Basta ang sexy niyang tignan habang kumakain. Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya, umiwas ako nang tingin. “Kanin pa?” Kinakabahang alok ko. Wuu! HAHAH. Ano ‘tong nangyayari sa akin? Inabot niya lang ‘yung plate nang kanin pero hindi naman na siya kumuha, parang timang lang. After naming kumain lumipat kami sa bahay ko, eh kasi naman hindi kami makakapag usap do’n, wala man lang couch sa sala para maupuan. Nakatingin lang siya sa akin habang nakaupo kami, parang hindi nga siya ‘yung Dustin na dumating kanina rito, e. ‘Yung kanina kasi medyo makulit, naninibago tuloy ako. “Hindi ka naman katulad ng iba na bumibili ng service namin,” sabi niya. ‘Yung way nang pag tingin niya sa akin medyo parang inaanalyze niya ako. “Maganda ka,” ngumiti ako tapos hinawak ko ‘yung kamay ko sa pisngi ko, ‘yung para bang medyo nahihiya, “Matalino rin, bakit mo kailangan nang tulong namin?” Nagtatakang tanong niya. “Ikaw naman, syempre kasi sinaktan nila ako kailangan makaganti ako,” sabi ko sabay sinuntok ko ‘yung kamao ko sa isang palad ko. “Ano ba gusto mong gawin natin?” Nakataas kilay na tanong niya. Hmm. Kinuwento ko sa kanya ‘yung ginawa sa akin ni Jerkson. “So uhm… You want na gawin din natin ‘yung ginawa nila sa’yo? I mean, I’ll court… What’s the girl’s name again? Sorry ang pangit kasi ng pangalan niya, e,” kunot-noong sabi niya. Natawa ako, oh well medyo mabaho nga ‘yung pangalan ni Pearly, Pearla kasi talaga real name no’n. HAHAH. “Pearly, hindi mo puwedeng kalimutan ‘yun, ‘no,” mariing bilin ko sa kanya. “So ayun, I’ll court her, then sasabihin mo kay Jerkson na pinagsasabay kami ni Sabon... I mean Pearly. Then?” Tanong niya. “Hindi ko pa alam ang kasunod, iniisip ko kasi mas maganda kung mapapa-ibig mo sa’yo si Sabon,” sabi ko. Nagkaroon nang malapad na ngiti sa mukha ko, gano’n din siya. Mukhang nagka-intindihan na niya yata kami sa gusto kong mangyari. BWAHAHA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD