Summer
“Sino ‘yung naghatid sa’yo kanina?” Tanong ni Lheine.
Okay, ang bungad sa akin ni Lheine, hindi man lang nag ‘Hi’ or kahit ‘MABUHAY!’ wala.
“Balitang balita may naghatid daw sa’yo at naka Porsche Carrera pa huh?” Nagkibit balikat lang ako, hindi ko kasi puwede sabihin kung sino siya eh.
Rule Number 3: Hindi puwedeng ipagsabi kahit kanino kung sino at saan mo nakuha ‘yung inorder mo. Though indicated naman do’n na puwede ko siya’ng ipakilala as kung ano man ang gusto ko, pero bawal lang talaga sabihin na sa Heartbreaker siya galing.
“Baka hindi ako ‘yun?” Tinignan niya ko, ‘yung tingin na parang sinasabi niya na ‘hindi ako naniniwala.’ “What?” Mataray na tanong ko.
“Sino ba kasi talaga ‘yun?” Umupo na siya sa tabi ko, para siyang bata na naghihintay sa isasagot ko.
“Si…” Napatingin ako sa labas ng cafeteria. Si Dustin, lumabas sa Porsche niya. Tumingin ako kay Lheine. “Si wala, sino ba naman ang maghahatid sa akin na mayroong gano’n kamahal na kotse?” Napatingin ulit ako kay Dustin, naglalakad na siya papunta sa cafeteria.
“Who is he?” Tanong noong isang babae na papalabas na.
“Hindi ba siya ‘yung naghatid kay Summer kanina?” Tanong pa ng isa.
“Hindi, ‘no! Ang gwapo niyan para pansinin si Summer,” sabi pa ng isa.
Napasimangot ako, si Dust naman, napatingin do’n sa dalawang nag uusap.
“Did you see that? Tumingin siya sa akin,” kinikilig na sabi ng isa at sabay pinalo siya noong isa niyang kasama.
“Feeler ka ‘te, sa akin siya tumingin,” giit naman ng isa pa.
Napailing na lang kaming dalawa ni Dust. Tsk.
“So… Ano’ng mayroon?” Tanong ni Lheine.
Napatingin ako sa katabi ko. Nandito nga pala si Lheine. HAHAH. Napansin kong nakatingin din siya kay Dust na ngayon ay papunta na sa table namin.
“Hi girls,” Bati sa amin ni Dustin sabay wink pa. Natawa tuloy ako. Si Lheine naman na startruck ata, nakatitig lang kasi siya kay Dust. “Mind if I join you?” Tanong niya na hindi tinatanggal ‘yung tingin kay Lheine. Dahan dahan na umiling si Lheine noong medyo na tauhan na siya.
“Not at all, sige u-upo ka na,” nauutal na sagot ni Lheine.
Gusto ko nang tumawa nang bonggang bongga. Ngayon lang nagkaganiyan si Lheine, OMG.
“It doesn’t look good kapag pinagtatawanan ang kaibigan, Sum,” puna niya sa akin.
Napatingin ako kay Dust. “True friend kasi ako kaya gano’n,” sabi ko. Pinandilatan ko siya, “How did you know my name?” Ang linaw nang usapan namin kagabi na kunwari hindi kami mag kakilala, and now what did he said? Parang na gets niya naman.
“Oh, I heard from them,” sabi niya sabay turo sa mga babaeng nakatingin na pala sa amin. “You’re quite popular, aren’t you?” Ngiting aso lang ang sinagot ko sa kanya.
“So uhm… Nakakadugo ka naman ng ilong, marunong ka naman siguro mag tagalog?” Tanong ni Lheine.
Natawa siya, sheeeems! Bakit ang sexy niya tumawa? Oh oh… Ito na naman ako.
“Oo naman, pure Pinoy ata ako,” proud na sabi ni Dustin. Nag pakilala kami sa isa’t isa parang hindi talaga kami mag kakilala. HAHAH. Nag kukwentuhan sila ni Lheine bigla kong nakitang paparating na si Sabon, I mean Pearla. Ah right. Mas magandang pakinggan ang Pearly. Amp. Sinipa ko siya sa ilalim ng table. “What?” Mouth niya sa akin, ngumuso lang ako sa entrance, tumingin naman siya.
“Oh looks who’s here,” bulong ni Lheine sa akin.
“Who is she?” Mahinang tanong ni Dust, na patingin ako sa kanya. Pinakita ko naman kagabi ‘yung picture ni Sabon don’t tell me nakalimutan niya kagad?
“Oh don’t mind her,” sabi naman ni Lheine sabay sip sa drink niya.
“She looks hot,” komento ni Dustin. Nanlaki ‘yung mata namin ni Lheine. What the?!
“You said… What?” Hindi pa ring makapaniwalang tanong ni Lheine, ako rin hindi… Then I realized… Hindi kaya umaarte na siya? Tinitigan ko siya.
“I said she looks hot, and pretty as add on,” he winked at me, noong napansin niya na nakatingin si Lheine kay Sabon, okay gets ko na. Wah, he really know how to act. Napaniwala niya ako. HAHAH. Tumayo siya. “Wait I’ll just greet her,” paalam niya. Hinawakan ni Lheine ‘yung braso niya.
“Huwag na kaya? You shouldn’t mess with her,” pigil ni Lheine. Napataas ‘yung kilay ni Dust, parang gusto ko tumawa nang malakas kasi si Lheine masyadong dinidibdib, if I can only tell her everything. “She’s taken,” dagdag pa nito.
“So? Masama bang makipagfriends pag taken na?” Ngumiti si Dustin, ‘yung ngiti na parang malulusaw ‘yung mga makakakita. Napabitaw si Lheine at napatitig na lang kay Dustin na ngayon ay nasa table na nila Sabon.
“Baliw ba ‘yun?” Napailing iling na lang si Lheine nang nakarecover na siya sa pagkatulala nya kanina. “Pag na inis sa kanya si JERKson mo, patay siya sa varsity team.”
“JERKson ko? As in KO?” Hindi ko alam, pero na saktan ako sa thought na iyon, he was mine. Yeah WAS. “He’s not mine, and I’m moving on kaya stop that non-sense.”
***
After class sinundo niya ako at nagpunta kami ng mall para bumili ng mga gamit niya sa bahay, na talaga namang kailangang kailangan niya.
“So how was your encounter with Sabon?” Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya. “What?” Medyo inis na tanong ko.
“Wala naman, she’s just too ordinary,” sagot niya sabay upo sa couch.
“I know anything else?” Umupo rin ako sa couch, in all fairness ang sarap upuan nito, and space saver din siya. “This couch will do,” sabi ko sa lalaking sumusunod sa amin.
“Kuya, I will take this,” sabi naman ni Dustin at naglakad na ulit kami papunta naman sa mga bed. “Ano ba kasi ang gusto mong makuhang sagot, Sum?” Hindi siya tumingin sa akin pero halatang medyo iritado siya.
“Bakit kasi ayaw mo i-kwento kung ano ang nangyari kanina habang kasama mo si Sabon?” Tanong ko ulit sabay upo sa malaking bed na nasa harapan namin.
“E, wala naman kasi talagang nangyari, nag pakilala lang ako at gano’n din siya,” paliwanag niya. Humiga siya sa kama na inuupuan ko. “Sa bahay na lang kasi natin pag-usapan,” tumingin siya kay Kuya na kanina pa sunod nang sunod sa amin para i-assist kami. “Kuya may kulay black ba na bed frame ‘to?” tanong niya rito.
“Y-yes, sir,” medyo na uutal na sagot ni Kuya. Tumango tango si Dust.
Napatingin ako kay Kuya, parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
“Kuya, may gusto ka po bang sabihin?” Tanong ko. Tumayo ako, at medyo lumapit sa kanya.
“Ah Ma’am, kasi kung ako po ang tatanungin,” sabi ni Kuya. Lumihis siya nang kaunti at may tinuro. “Mas mainam po kung ‘yung bed na ‘yun po ang kunin niyo,” dagdag niya. Napatingin ako sa tinuro niya. Isang malaking bed na may heart shape sa headboard ng kama.
Oh… Parang hindi naman bagay para kay Dust.
“’Yun po kasi ang karaniwang binibili ng mga newly weds dito sa amin,” paliwanag niya. Napatayo si Dust ako naman napahagalpak nang tawa.
Ano daw? Newly weds? Sino? Kami ni Dustin? Laughtrip po. Hahahaha.
“We’re not married,” natatawang sagot ni Dust. Tumayo na siya ng tuluyan. “Kuya, I’ll take this,” utos ni niya.
Si Kuya parang na pahiya naman, tinap ko ‘yung balikat ni Kuya, tapos bumulong sa kanya, “Kuya, ayaw kasi ipagsabi ng husband ko na kasal na kami, kaya pag pasensyahan mo na.” Medyo nagtataka man si Kuya hindi na siya nag tanong. Deep inside me, may kaluluwang gustong matatalon sa tawa. Sinundan ko na si Dust.
“Ano binulong mo kay Kuya?” Tanong niya nang nakalapit na ko sa kanya, nandito na kami sa mga center tables.
“Wala naman, ano naman sasabihin ko do’n?” Kibit-balikat na sagot ko.
Napansin ko na nakatitig lang siya sa akin, medyo napalunok ako. Parang nakaramdam kasi ako ng kaba eh. What’s this?
“Liar,” mahinang sabi niya. Hindi na niya ko pinansin after no’n, hindi naman ako nakapagreact kasi iniwanan na niya ako bigla. Problema no’n?
“Sir, since madami po kayong pinamili,” sabi ng cashier. “You can take these po.” Nagbayad na siya, naka 100k ata kami sa pinamili namin. May inabot na dalawang pillow ‘yung cashier. Kukunin na dapat ni Dust pero inunahan ko siya.
Nakita ko kasi na nakalagay sa pillow, ‘yung isa husband, tapos ‘yung sa isa wife. Siguro si Kuya naka-isip nun, baka mapatay ako ni Dust pag nalaman niya. Hahaha.
***
Pagkauwi namin, dumiretso na kami kagad sa bahay ko. Wala naman kasi kaming uupuan pa sa bahay niya, dahil bukas pa darating ‘yung mga pinamili naming. ‘Yung dalawang unan lang ang naiuwi namin. Hindi pa rin nakikita ni Dustin ang design. Syempre, wala akong balak na ipakita sa kanya.
“Well she’s kinda, flirt. Kala ko nga no’ng una single siya, e,” sabi ni Dustin with a not-so-amused face. “And he never mentioned na boyfriend niya si Jerkson,” dagdag niya pa. Automatic na tumaas ang kilay ko.
“Poor Jerkson, samantalang noong kami sinasabi ko sa buong campus na–” Binato ako ng throw pillow ni Dust. “What?!” Inis na sigaw ko.
“’Wag mo na ituloy, I heard that na kagabi ‘wag mo na ulitin,” inis na sabi niya. Binato ko pabalik sa kanya ‘yung binato niya sa akin. Nakailag naman siya, err sayang. “By the way, she asked me kung gusto ko raw bang sumali sa varsity team,” nagtatakang tinignan ko lang siya. “Hello? Responsibilidad mo ako sa loob ng tatlong buwan, hindi ako puwedeng gumawa nang desisyon without your consent.”
Nag-isip muna ako, syempre kailangan ko isipin ‘yung mga advantages at disadvantages namin kung sasali siya ng varsity.
Kung sasali siya do’n, mas madali siyang makakalapit kay Sabon dahil nando’n‘yun palagi kasi nando’n si Jerkson. Kung nando’n din siya, mas madali niyang magagawa ‘yung mga plano namin kasi kasama niya lang ‘yung dalawa. Disadvantage? Parang wala naman. Tumingin ako sa kanya… Nakita ko binuksan na niya ‘yung dalawang pillow na binigay sa amin. Oh no…
“Dust, sige sumali ka na sa varsity. Na isip ko mas mainam na kasali ka do’n,” kinakabahang sabi ko. Napatalon ako sa kinauupuan ko nang tumingin si Dust… Nakakatakot. “So uhm… I can explain…”
“You said we’re married, aren’t you?” Ibinaba niya ‘yung unan, tapos huminga nang malalim. Parang ‘yung galit niya biglang nawala. Whew, kinabahan ako. “Humanda ka lang, Sum,” may pagbabantang sabi niya. Bumalik tuloy ulit ‘yung kaba ko.
“W-what? Wala naman akong ginawa, e!” Defensive na sagot ko.
Hindi siya umiimik, kinabahan tuloy ako lalo. Teka bakit ba siya nagagalit? ‘Yun lang eh!