Chapter Four: Now we’re even.

1638 Words
Summer “Summer Danielle, will you be my girlfriend?!” Sigaw ni Jason habang nasa gitna ng open field kasama ang iba pang varsity member na naka formation na heart shape. Mukha talaga siyang heart dahil nakared na jersey jacket sila. Nandito ako ngayon sa harapan ‘di kalayuan sa kanila. Hindi makapaniwala sa narinig mula kay Jason. Sino bang makakapaniwala? Si Jason na pinakagwapo sa basketball team ng school, ito ngayon sumisigaw ng ‘Summer Danielle, will you be my girlfriend?’ sa harap ng maraming tao. Isn’t he sweet? Oo, sinabi niya na liligawan niya ako, pero hindi ko expected na ganito pala siya manligaw. “Summer, alam ko madami na kong na lokong babae, pero pangako magbabago ako sagutin mo lang ako. I love you, Summer Danielle Antonio,” sabi nito. Unti-unti na siyang lumalapit sa akin. Napakurap kurap ako. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Nang nakalapit na siya sa akin, tinanong niya ulit ako. “Will you be my girlfriend?”Tanong niya ulit. Kitang kita sa mga mata niya ang sincerity. Ano pa ba ang magiging dahilan ko para tumanggi? “Y-yes! I will be your girlfriend!” Excited na sagot ko. Para akong sumagot sa isang marriage proposal. He kiss me in my lips. Saglit lang. Sobrang bilis. Sa sobrang bilis hindi ko na nagawa pang magreact. “I love you.” he said sweetly near my ears. Nanlalambot ‘yung mga tuhod ko. Napahawak ako sa balikat niya. “Are you okay?”Nag-aalalang tanong niya. Nakangiting tumango ako. “Hindi lang kasi ako makapaniwala na,” sabi ko sabay hinga nang malalim. “ M-mahal mo ako…” Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. “I love you,” sabi niya at niyakap niya ako nang mahigpit. “I love you, too.” “Aray!” Nagising ang diwa ko ng may tumamang bola sa ulo ko. Pag tingin ko sila Jason pala. “Summy!” Tawag niya sa akin. “Pakiabot naman ‘yung bola!” Summy… ‘Yun ang tawag niya sa akinnoong kami pa. Ayaw niya na may ibang tumatawag sa akin nang gano’n. Tinignan ko ‘yung bola, pupulutin ko na sana kaya lang may na una na sa akin. “Wipe your tears,” sabi ng isang lalaki. Napatingin ako, si Dustin pala. Teka? Wipe my tears? Hindi naman ako umiiyak ah? Napailing siya. “Sum, bakit ka ba umiiyak dito?” Inis na tanogn niya. Nagulat ako ng bigla niyang pinunasan ng thumb niya ‘yung pisngi ko. Naramdaman ko na medyo basa nga ‘yon. Bakit? Bakit ako umiyak? Hinawakan ko yung kamay ni Dust, pinigilan sa pagpunas sa tumutulo kong luha. “Tama na…” Pigil ko sa kanya, pero hindi siya tumigil. “Dust, tama na sinabi, e.” “Tumahan ka na kasi,” inis na sabi niya. Inalis ko na nang malakas ‘yung kamay niya. Hinawakan niya ‘yung kamay ko. “Let’s go,” aya niya sa akin. Binato niya yung bola sa gitna ng field at hinatak na ako. “Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko kay Dust na hindi pa rin tumitigil sa pag lalakad, at pagkaladkad sa akin. Huminto lang siya noong nakarating na kami sa medyo isolated na lugar ng school. Huminga siya ng malalim at saka humarap sa akin. “Why are you crying?” Lumapit siya sa akin at pinunasan ulit ‘yung pisngi ko. “Bakit ba ayaw mo tumahan, Sum?” Nagulat na lang ako nakayakap na ako sa kanya. Niyakap din naman niya ako. “Please stop crying, ang pangit mong tignan pag umiiyak.” “Ang hirap pala, ‘kala ko okay na ko, pero hindi pa pala,” sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya. “Dust, akala ko nakamove on na ko, pero hindi pala…” Hinaplos niya ‘yung buhok ko tapos parang naramdaman ko na hinalikan niya ako sa bumbunan ko. O feeling ko lang yata talaga‘yun? “Kaya nga ako nandito para tulungan ka ‘di ba?” Pagpapaalala niya. “Noong nando’n ako sa field kanina, hindi ko na naman naiwasan na hindi maalala…” Kumalas siya sa yakap tapos humawak sa magkabila kong balikat. Tumingin siya sa mga mata ko. “’Wag mo na kasi isipin, iwasan mo ‘yung mga lugar na makakapagpaalala sa kanya sa’yo.” Umiwas ako ng tingin sa kanya. “I c-can’t,” nauutal kong sabi. “And I don’t think I can.” “You can, and you will. I will help you, okay? Pag hindi kita natulungan edi hindi ko na mababawi ‘yung 150, 000 ko sa’yo.” Napatingin ako sa kanya, tapos pinalo ko siya sa braso. Ang walang hiyang ‘to. ‘Yun pala ang iniis ‘to! Bigla siyang humagalpak nang tawa. “Better. Okay ka na?” Natatawa niyang tanong. “Walang hiya ka,” ‘yun lang ‘yung sinabi ko tapos nag lakad na ko, ewan ko pero noong nakita ko ‘yung ngiti niya parang… Err. “Tignan mo ‘to hindi na mabiro! Hintayin mo ko!” Sigaw niya. “Bahala ka d’yan!” Tumakbo na ko, pero mabilis talaga ata siya, na abutan niya kagad ako, e. “Tss. Tutulungan na nga kita iniiwanan mo pa ko,” parang batang sabi niya. “E, ikaw kasi, e. Nag dadrama ako tapos ang iniisip mo lang pala ‘yung 150, 000. Tss,” inis kunwaring sabi ko. Inakbayan niya ako.“I was just trying to crack a joke, well effective naman ata,” tumawa siya, napatawa na rin ako. “See? You look prettier pag nakatawa ka,” sabi niya pa. Bumitaw siya sa pag kakaakbay niya, tapos dumiretso sa pag lalakad, ako ito… Nakatingin sa likuran niya tulala. Ang weird ng feeling… *** “Best, na iinis ako kay Dust. Bakit ba siya lumalapit kay Pearly? Isang linggo na ‘yan huh!” Napatingin ako kay Lheine, hindi na talaga siya marunong mag greet pag dumadating. HAHAH. “Akala ko pa naman tayo gusto niyang makasama, tsk.” Tumingin ako sa table nila Sabon, nando’n si Dust nakikipagkwentuhan. Tsk. Mukhang nag-eenjoy naman siya. Ano ka ba Sum? Magaling ‘yan umarte, malay mo umaarte lang ‘yan. “Oo nga naman,” bulong ko sa sarili ko. Umiling-iling pa ako. “Hala ka, Sum. Sino kausap mo? Nailing iling ka pa?” Tumingin ako sa kanya. “H-huh?” Tinaasan niya ako ng kilay. “So uhm… Ganiyan ba ang nagiging epekto ng broken hearted kinakausap ang sarili?” Nagtatakang tinignan ko lang siya. “Ugh. Never mind.” Hinawi niya sa pa sa ere ‘yung kamay niya at saka ako inirapan. *bzzt* Wanna go out later? -Dust Napatingin ako kay Dust. Nakatingin din siya sa akin, tapos sumesenyas siya na parang inaaya ako. To: Dust Err. Wala ako sa mood. Tumingin ulit ako sa kanya, ‘yung tingin niya sa akin pag kabasa niya ng message niya ang sama. Nakakatakot. I’m your master ‘di ba? Ako masusunod. -Sum *bzzt* Sabon told me something interesting, if you want to know what it is. See you at the mall at 6. ;) -Dust Napatingin ako sa kanya, hindi na siya sa akin nakatingin. Nakikipag usap na ulit siya kay Sabon. N aman, e! Ano kaya ‘yung sinabi ni Sabon? Potek, mapipilitan pa tuloy ako umalis mamaya. Amp ka lang Dust. Tsk. *** May ilang minuto na akong naghihintay rito sa mall. Ni anino ni Dustin wala. “Miss, pinabibigay po ng asawa mo,” sabi ng isang bata. Napatingin ako sa batang may hawak ng isang boquet ng roses. “E, wala pa akong asawa,” natatawang tangi ko. Potek nasaan na ba kasi ‘yung Dustin na ‘yun? Kanina niya pa ko pinag aantay dito sa mall huh! Napagkakamalan pa ako dito na may asawa. “Kunin niyo na po. Sabi nga po ng asawa niyo mahiyain kayo, pero dapat daw po tanggapin niyo ‘to,” giit ng bata. Napakunot ‘yung noo ko. Masama kutob ko dito ah? Hindi kaya modus operandi ‘to? Baka kung ano gawin nila sa akin. Oh no! “Wala kasi talaga akong asawa, e,” sabi ko. Umurong ako nang konti palayo sa bata. “Sabi po ni Kuya Dustin nahihiya lang daw po kayo ipagsabi na kasal na raw po kayo’ng dalawa, lagot po ako do’n pag hindi niyo po ‘to tinanggap,” paliwanag niya. Nanlaki yung mata ko. “Summer tanggapin mo na, ganyan mo ba talaga ako kinahihiya?” Napatingin ako sa nag salita. Potek si Dustin, ‘yung itsura niya parang iiyak na. Napatakip na ko ng kamay sa mukha ko, ‘yung mga tao kasi dito malapit sa amin pinagbubulungan na kami. “Please Summer? I’m your husband, you can’t always avoid me,” malungkot na sabi niya. Pinandilatan ko siya ng mata, ngumisi lang siya sa akin. Wala na akong choice nang nagsalita na ‘yung mga nanunuod lang sa amin kanina. “Misis, patawarin mo na. Kawawa naman, e!” Sabi ng mga nanonood. Kinuha ko ‘yung bulaklak na hawak na niya. Feeling ko na mumula ako sa sobrang kahihiyan. Nagulat ako nong niyakap niya ako. ‘Yung mga usi, kinikilig. “Now we’re even,” bulong niya sa akin. “Nakaganti na ko.” Naramdaman ko ‘yung pag ngisi niya. Walang hiya talaga! Natandaan niya pa ‘yung ginawa ko sa kanya!? Mas malala pala siya gumanti. Nakakahiya talaga ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD