JAMILLA Tinawagan ko ang maid ko, pero ang sabi niya ay nagkaroon raw ng problema sa kaniyang probinsya, kaya nagmadali siyang umuwi ng hindi nagpaalam sa akin dahil hindi niya ako matawagan. Alam niya na umalis akong hindi dala ang aking cellphone dahil itinabi niya ito sa loob ng drawer. Humingi siya ng paumanhin dahil wala siyang nagawa kundi umuwi sa kanila kahit hindi siya nakapagpaalam sa akin dahil isa ang kaniyang pamilya sa tinamaan ng bagyong Tino sa Negros. Dahil kaming dalawa lang ni Drake dito sa bahay, kaya hinayaan ko siyang manatili dito kasama ko. Hindi pa raw siya papasok sa opisina niya dahil sampung araw ang hiningi niyang bakasyon, kaya puwede pa niya akong makasama ng matagal. “Drake, puwede bang sa labas ka muna?” utos ko sa kaniya. “Why?” agad niyang tanong sa

