JAMILLA Kumakain kami nang marinig namin na tumunog ang doorbell sa labas ng pintuan ng condo unit ni Drake. Napatingin ako a kaniya dahil bigla akong nakaramdam ng kaba na baka may makakita sa akin na tanging roba ang suot ko habang narito sa loob ng bahay niya. “Are you expecting someone?” agad kong tanong kay Drake. “No,” mabilis at kibit-balikat niyang sagot. “Baka dumating ang cleaner mo,” sabi ko sa asawa ko dahil nasabi niya sa akin noong nasa isla kami na may pumupunta raw dito sa bahay niya para maglinis. Inilapag ni Drake ang hawak na tinidor. Agad siyang tumayo at naglakad papunta sa pintuan para tingnan kung sino ang nasa labas dahil paulit-ulit nitong pinipindot ang doorbell. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain, pero natigilan ako nang marinig ko ang tinig na pamilyar sa

