JAMILLA Malakas ang ihip ng hangin, ganoon din ang sunod-sunod na tunog ng kidlat at kulog nang lumapag ang helicopter na sinasakyan namin sa rooftop ng gusaling tinitirhan namin ni Drake. Biglang bumuhos ang malakas na ulan nang buksan ni Drake ang pinto ng chopper sa tabi niya, kaya mabilis siyang bumaba at sumunod na rin ako. Ang akala ko'y tatakbo na siya papunta sa elevator, pero hinintay niya akong makababa ng chopper at hinawakan niya ang aking kamay. “I'm fine!” malakas na sabi ko sa kaniya dahil napakalakas ng hampas ng hangin at ulan. “Let's go!” pasigaw niyang sagot. Hindi niya binitiwan ang aking kamay nang tumakbo kami papunta sa hagdan. Basang-basa kaming dalawa at parehong tumutulo ang tubig ulan sa aming mga buhok at damit nang makababa kami at lumapit sa tapat ng pin

