JAMILLA Isang linggo kaming namalagi ni Drake dito sa isla. Dinala niya ako sa plantation na pag-aari niya. May mga tauhan pala siya na dito nakatira, pero hindi sila pumunta sa beach house habang nagbabakasyon kaming dalawa para magkaroon kami ng sapat na privacy. Dala ni Drake ang kaniyang cellphone at may lugar dito sa isla na may signal, kaya nakakatawag siya kapag may gusto siyang makausap sa Maynila. Hindi na ako nangulit sa kaniya kung kailan kami babalik sa ciudad dahil nagustuhan ko na rin dito sa isla. Simple lang ang buhay dito, at kahit maikling panahon na narito ako, nakapag-relax ako at nagbago ang lifestyle ko. Hindi na puro trabaho ang ginagawa ko. Kailangan ko lang talagang magbakasyon para magbago ang pananaw ko sa buhay. “Baby, parating na ang chopper in twenty min

