“G-GARRY… t-teka.” Sunod-sunod ang pagkurap ni Liwayway. Kahit sa panaginip niya ay hindi niya na-imagine na hihiwalayan siya ng kanyang nobyo. “Pag-usapan muna natin ‘to.”
Ngunit umiling ang lalaki. “It’s pointless now, Lia. Alam kong hindi pa rin ako ang mas bibigyan mo ng importansya sa huli.”
Kumuha ito ng alak sa loob ng plastic na dala nito kanina at saka lumabas papunta sa infinity pool.
Naiwang tigalgal si Liwayway. Hinihiwalayan siya nito dahil lamang hindi niya kayang ibigay ang katawan niya sa ngayon?
Pero buong puso niya ay binigay niya kay Garry! Wala siyang ibang minahal kundi ito lang. Kahit mahigpit siyang pinagbawalan ng mga magulang niya pagdating sa pakikipag-relasyon, sinuway niya ang mga ito para lamang sa binata.
Kumibot ang sulok ng mga labi niya ngunit pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Humugot siya ng malalim na hininga. Siguro nagtatampo lamang ito. Siguro kailangan lang nitong makapag-isip ng maayos. Hahayaan na muna niyang kumalma ang kasintahan bago sila mag-uusap ulit.
Ngunit sa buong magdamag na nasa resort sila, hindi na siya muling kinausap ni Garry. Maging sina Bettina at Matteo ay nakapansin na rin sa hindi nila pag-iimikan dahil halos ayaw nang lumapit sa kanya ng nobyo.
Sunod-sunod ang pag-inom nito ng alak at tuwing lumalapit si Liwayway ay umiiwas ito.
Labis siyang nasaktan. Ganoon ba talaga ang pagnanais nito na makuha ang katawan niya? Hindi ba sapat para rito kung ano lang ang kaya niyang ibigay sa ngayon?
Kumuha na rin siya ng alak at saka tinungga iyon. Pinilit niya ang sariling lunukin lahat kahit hindi siya sanay at parang napapaso ang lalamunan niya.
“Lia, are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Bettina nang bumalik ang mga ito dahil nakita nito ang bote ng alak sa kamay niya at ang pamumula ng mga mata niya. Inaagaw nito ang bote sa kanya pero nagalit siya kaya wala itong nagawa kundi bumuntong-hininga na lamang at samahan siya sa pag-inom.
Alas otso ng gabi nang maisipan ni Liwayway na tingnan ang pambisig na relo. Halos magkaduling-duling na siya kaya matagal bago niya na-realize na lagpas na siya sa oras ng kanyang curfew.
“Oh, sssshit!” Sinapo niya ang ulo. “B-Bettina, kailangan ko nang umuwi.”
Umungol ang kaibigan niya na nakasandal ang ulo sa backrest ng malaking sofa. Nakapikit na ito at lasing na rin.
“B-Bettina!” Niyugyog niya ang balikat ng dalaga. “P-Patayin ako nina mom at dad. I have to go home.”
“Ask Garry,” maiksing sagot nito habang nanatiling nakapikit.
Nilingon niya ang nobyo. Knockdown na ito sa sahig ngunit may hawak pa ring bote ng alak.
“He’s asleep.”
“Magpasundo ka na lang. Hindi ko na kaya mag drive.”
Napatingin ulit siya sa relo. Malilintikan na talaga siya nito lalo pa’t nakainom siya. She had never done this in her whole life before, kaya’t hindi rin niya alam kung ano ang gagawin ng mga magulang niya sa kanya. Baka isang taon siyang ikukulong sa mansion ng mga Altamero!
“Hindi ako puwedeng magpasundo. M-Malalaman nila dad na uminom ako.”
Saktong lumabas si Matteo galing sa kuwarto at nilapitan si Bettina. “Babe, inayos ko na ang higaan. Matulog ka na sa loob.”
Akmang bubuhatin nito ang babae pero umiling-iling si Bettina at tinapik-tapik sa d*bdib ni Matteo habang nakatingin kay Liwayway.
“Ito maghahatid sa ‘yo,” lasing na deklara ni Bettina kay Liwayway.
“H-Ha?” Napatingin siya sa nobyo ng kaibigan, pero ayaw mag focus ng mga mata niya. Para siyang maduduling na ewan. Lumalabo na yata ang mga mata niya.
“Pero babe…” tinangka ng lalaki na tumanggi ngunit naging matigas si Bettina.
“Please, babe. She really needs to get home. Please. Hindi ako makakatulog hangga’t hindi siya nakakauwi ng maayos.”
Bumuntong-hininga si Matteo at saka tumingin kay Liwayway. Wari’y pinag-aaralan pa nito ang itsura niya bago ito tumayo. “Let’s go.”
Sumunod din naman agad sa pagtayo si Liwayway ngunit in-underestimate niya ang kanyang kalasingan. Biglang umikot ang paligid niya at agad siyang natumba. Buti na lang sa sofa siya bumagsak.
Napamura si Matteo at wala itong nagawa kundi ang buhatin siya papunta sa sasakyan.
Nakainom din kanina ang binata ngunit kaunti lamang iyon at mataas din ang alcohol tolerance nito kaya’t kaya pa rin naman nitong magmaneho.
Nang makarating sila sa kotse, saglit nitong binaba si Liwayway para mabuksan ang backseat ngunit inunahan na ito ng dalaga sa pagbukas sa front seat at doon sumakay.
Bumuntong-hininga na lamang ang lalaki at sumakay na rin sa loob ng kotse.
* * *
HABANG bumabyahe sila, palingon-lingon si Matteo kay Liwayway na nakatulog ulit. Ilang beses na napamura ang binata. Medyo inaantok na rin kasi siya dahil tatlong oras siyang bumiyahe kanina galing Manila pero heto’t naatasan pa siyang maghatid sa bestfriend ng kanyang nobya.
Hindi sinasadyang bumaba ang paningin niya sa bandang d*bdib ng dalaga. Nakabukas ang isang butones nito roon kaya medyo kita ang napakaputi nitong d*bdib. Ngayon niya lang nasilayan iyon dahil palagi itong balot na balot kung magdamit. Akala mo'y isang santo o madre.
Bumalik tuloy sa alaala niya ang tagpo noon kung saan nakita nitong nagtatalik sila ni Bettina. Shock na shock ang mukha nito. Para itong nakakita ng multo lalong lalo na nang sulyapan nito ang s*ndata niya bago pa man niya maitaas ang suot niyang brief at pants.
Ngunit nabasa niya rin ang nakatagong curiosity sa mga mata nito at ang tila'y pag-iinit ng katawan nito sa napanood na tagpo.
Minsan ay napag-uusapan ng mga barkada nilang lalaki ang tungkol sa girlfriend ni Garry na parang si Mama Mary kung manamit at umasta, ngunit ibinibida naman agad ni Garry na mahinhin lamang ang nobya nito dahil pinalaki itong may class at breeding ngunit magaling ito sa kama.
Napangisi si Matteo at napailing habang nagmamaneho. Ano kaya ang itsura ni Liwayway kapag nasa kama? Gaano ba ito ka-wild gaya ng sinasabi ni Garry?
Bigla siyang natigilan. What the heck was he thinking? Matalik itong kaibigan ng nobya niya. At nobya naman ito ng matalik niyang kaibigan.
F*ck! Lasing na nga yata siya. Kung saan-saan na napupunta ang imagination niya. Never niya namang napagnasaan si Liwayway noon dahil halos wala siyang pakialam sa existence nito.
Pinilit niyang mag-concentrate sa pagmamaneho.
Nang marating nila ang gate ng lupain ng mga Altamero, nagising si Liwayway. Sumilip sa kotse ang isa sa mga security guards na nakabantay roon at nang makita ang anak ng mayor ay agad din naman silang pinapasok sa loob.
“S-Stop here,” biglang wika ng babae.
Kunot-noong napalingon si Matteo rito dahil nasa malayo pa ang mismong bahay at nasa madilim na parte sila ng lupain. “Wala pa tayo sa bahay n’yo.”
“Just stop!” giit nito.
Walang nagawa ang lalaki kundi ang ihinto ang kotse sa gilid. Walang katao-tao sa banda roon at wala ring mga ilaw kaya hindi niya alam kung bakit gusto nang bumaba ng dalaga.
Nilingon ni Matteo si Liwayway nang hindi ito gumalaw sa kinauupuan.
* * *
NGUNIT isa-isa nang tumulo ang mga luha ng dalaga habang tahimik na nakaupo sa passenger's seat. Naalala niya ang pakikipag-break kanina ni Garry. Masakit. Sobrang sakit. Lalo pa’t ang lalaki ang nakipagkalas sa kan’ya. Akala niya ay mahihimasmasan rin ito at kakausapin siya upang magkaayos sila ngunit natapos na lang ang gabi ay hindi na siya nito muli pang pinansin.
This was her first break up and first heartbreak.
Kailangan niya ba talagang mamili kung ibibigay ang katawan dito o makikipag-hiwalay? Kaya niya bang isuko ang pagkabirhen para lamang hindi ito mawala sa kanya?
Kasabay ng pagpatak ng mga luha ni Liwayway, isa-isa niyang hinubad ang mga butones ng suot niyang blusa at tumambad ang maputi at mala-porselana niyang balat sa harap ng lalaking nakaupo sa driver’s seat.