Chapter 5

2085 Words
ONE MONTH AGO “YOU better make sure na walang magiging aberya sa project natin sa Santa Flores, Matteo,” may himig ng pagbabanta sa boses ng kanyang ama na si Mr. Luis Ricaforte , ang matandang CEO ng Starlight Adventures Park Corporation. “Dear, let’s not talk about business right now. Nasa harap tayo ng pagkain,” agad namang singit ni Glenda, ang mommy ni Matteo. Bahagyang dumilim ang mukha ni Luis habang nanatili pa rin ang mga mata sa nag-iisa nilang anak. “Kaya na-i-spoil ‘yang anak natin, eh. He’s almost twenty three. Kailangan alam na niya paano patakbuhin ng kumpanyang mamanahin niya. I’m not getting younger, Glenda. Marami na akong iniindang sakit sa katawan.” “I get that. Pero baka puwedeng i-enjoy muna natin ang ating family time? Minsan na lang tayong magkasalo-salo sa agahan dahil palagi na lang kayong busy dalawa.” “I just need him to secure the permits. May mga naririnig akong usap-usapan na hindi sang-ayon si Mayor Altamero na magkaroon ng amusement park sa Santa Flores. Nakahanda na ang budget para sa proyektong ito. This is our biggest project in five years and I don’t want any complications.“ “Don’t worry, mom, dad,” sa wakas ay nakasingit sa usapan si Matteo. “Kilala ko ang anak ni Mayor Altamero. We can visit their place to get to know them more. I’m sure there’s something we can do para mapa-approve ang permit.” Gumuhit ang munting ngiti sa gilid ng mga labi ni Luis at saka ito tumango-tango. Ito mismo ang nag-train kay Matteo pagdating sa pakikipag-negosasyon sa negosyo. Ito rin ang nagturo na walang bagay dito sa mundo ang hindi kayang patakbuhin ng pera. Kaya nga tumagal at lumago ang negosyo ng pamilya nila. They do not allow anything or anyone to hinder their plans and projects. Tinatapatan nila ng pera ang lahat. The Starlight Adventures Park Corporation is a multi-billion peso company. Marami silang amusement parks sa iba’t ibang bahagi ng bansa maging sa ibang dako ng Asya kaya’t tinagurian silang “The Disneyland of Asia”. Hindi pa man nakaka-graduate noon sa kolehiyo si Matteo ay nagwo-work na siya sa opisina ng kanyang ama. Siya rin mimso ang gumawa ng proposal na magtayo sila ng branch sa Santa Flores dahil doon ang lugar ng girlfriend niyang si Bettina. Agad naman iyong inapbruhan ng kanyang ama at ng mga miyembro ng board dahil maganda talaga ang lugar at nagsisimula na itong makilala sa larangan ng turismo. “Kunin mo ang contact number ng mayor. I want to pay him a visit one of these days,” saad ng matandang Ricaforte. Tumango si Matteo. “Yes, dad.” ………….. SA MISMONG kaarawan ni Garry, nagkaroon ng apat na mga panauhin ang mga Altamero. Habang nasa resort si Liwayway, mayroon namang maliit na dinner party sa mansion kasama ang mag-asawang Ricaforte at maging ang gobernador ng kanilang probinsya, kasama ang asawa nito. Ninang ni Liwayway ang asawa ni Gov. Ricardo Torres na si Mrs. Leticia Torres kaya magkalapit ang pamilya nila noon pa man. Idagdag pa na magkaalyado sila sa politika. Kilala si Mrs. Torres na devout Catholic kahit matanda na ito. Napakabait nito sa lahat at tinitingala ng karamihan lalong-lalo na ng mommy ni Liwayway na si Analisa. Walang kahit na anong dumi ang maibabato rito ninoman kahit nasa politika ang pamilya nito. Dati na ring kilala ng mga Ricaforte ang pamilya ni Gov. Torres kaya naman nagpasama sila sa mga ito nang bisitahin ang mayor ng Santa Flores. The first thing they learned in business was to take advantage of connections. They never burned bridges. Inaalagan nila ang bawat connection na mayroon sila lalong-lalo na pagdating sa mga politiko. Ang palagi ngang sinasabi ni Luis, “Hindi mo alam kung kailan mo mapapakinabangan ang mga koneksyon mo. So take care of them.” Naging maayos naman ang dinner nilang anim sa malaking dining hall ng mga Altamero. They talked about a lot of things. Pagkatapos nilang kumain ay lumabas sila sa malawak na hardin at doon uminom ng wine dahil maganda ang panahon. Doon sila nagpatuloy sa pag-uusap hanggang napunta sa negosyo ang paksa nila. Hindi maikakaila na mayroon pa ring pagdadalawang-isip ang mayor tungkol sa bagay na iyon. “This will create more jobs in your town,” confident na wika ni Luis. “Hindi na kailangan ng mga tao na lumuwas ng Manila para lang maghanap ng trabaho. Our business alone will need hundreds of employees. At magiging domino effect na iyon. Kapag nabuksan ang Starlight Adventures, marami na ring negosyo ang magbubukas dito sa Santa Flores. Magkakaroon na ng mga hotel, restaurants, at iba pa.” Bumuntong-hininga si Mayor Theodore saka uminom ng kaunting wine. “I’m afraid Santa Flores is not yet ready for that. Kapag nagsulputan ang mga negosyo rito, magiging congested na rin ang lugar. Kailangan pa naming ayusin nang mabuti ang urban planning sa siyudad na ito. Masyadong maliliit ang mga kalsada namin. We need to widen roads and ensure the proper implementation of zoning. At alam mo naman na hirap pa kaming magpa-approve ng budget galing sa national.” “Well, kapag nakita nilang umuunlad na ang Santa Flores at lumalaki ang income, I’m sure magiging madali na lang ang pagpapa-approve ng budget.” Nagkibit ng balikat ang mayor. “I wish it’s that easy.” Marami pa silang napag-usapan tungkol sa Santa Flores at Starlight Adventures nang may lumamit na isang bodyguard kay Analisa. “Ma’am, hindi pa rin daw po nakakauwi si Ma’am Liwayway.” Nagkatinginan ang mag-asawang Altamero. “Oh, our son told us na kilala niya raw ang anak ninyo. They went to the same university,” masayang wika ni Glenda. “That’s nice,” maiksing tugon naman ni Analisa na pilit ang ngiti dahil anong oras na ay hindi pa umuuwi ang unica hija nila. “Matagal-tagal ko na ring hindi nakita ang inaanak kong iyon,” ani naman ni Leticia. “Kumusta na ba si Liwayway?” “She’s taking a short break after college. Ipapasok ko siya sa Tourism office next month.” Ang mayor ang sumagot. “Oh!” Masayang napahawak si Leticia sa dibdib. “Hindi ako makapaniwalang magtatrabaho na si Liwayway. Parang kailan lang ay karga-karga ko pa siya.” Kinuha ni Analisa ang cellphone nito para subukang tawagan ang anak ngunit nakapatay ang cellphone ng dalaga. Naramdaman naman agad ni Leticia ang tensiyon sa mag-asawang Altamero kaya tumayo siya. “This is such a nice evening. Look at the moon! Na-miss ko ang mga panahon na naglalakad-lakad kami ni Ricardo sa hacienda nila noon tuwing kabilugan ng buwan. Bakit hindi tayo maglakad-lakad muna ngayon? Enough talks about business. Let’s just enjoy this night.” Sumang-ayon naman agad ang lahat dahil malaki ang respeto nila sa asawa ng gobernador. Kasama nila ang iilang guards na bahagyang naka-distansiya sa kanila upang bigyan sila ng kaunting privacy habang nag-uusap-usap. Limang minuto pa lamang silang naglalakad sa hardin nang may mapansin si Theodore sa unahan. “Is that a car?” Kunot-noong tanong nito. “Yes, I think it is,” sagot naman ng governor. “Bakit diyan naka-park?” Sisenyasan sana ni Analisa ang mga guwardiya na puntahan ang sasakyan sa di kalayuan nang magsalita si Glenda. “Dear, is that Matteo’s car?” wala sa loob nitong tanong sa kabiyak. “Of course not. Why would he be here?” “Parang nabanggit niya noong isang araw na may pupuntahan sila ni Garry dito.” Takang nagtinginan ang anim na matatanda. Bago pa man may makapagsalita ulit sa kanila ay mabilis na pinuntahan ni Theodore ang kinaroroonan ng sasakyan upang tingnan kung kanino iyon at bakit naka-park malapit sa hardin. ………… “A-ANO’NG ginagawa mo?” gulat at tarantang tanong ni Matteo na agad na napaiwas ng tingin kay Liwayway. Ngunit imbes na sumagot, kinuha ng dalaga ang kanang kamay nito na nakalagay sa manibela at dinala iyon sa malusog niyang dibdib na ngayon ay natatakpan pa ng manipis na bra. Hindi siya sanay magsuot ng push-up bra o kahit na anong may makapal na foam. Kadalasan ay halos lace at tela lamang ang tumatakip sa dibdib niya dahil malalaki na ang mga iyon at hindi rin naman bumabakat ang ut*ng niya. Kaya naman nang dumapo ang kamay nito sa s*so niya, napaungol siya nang makaramdam ng kakaibang kiliti doon. Napakainit ng palad nito. Ganoon pala ang pakiramdam niyon. “Liwayway!” biglang taas ng boses ni Matteo. Rinig na rinig ang sunod-sunod nitong paghugot ng malalim na hininga sa loob ng kotse na para bang hinihingal ito. Kasalukuyan silang naka-park sa madilim na bahagi malapit sa hardin ng mga Altamero. Napakalawak ng lupain nila kaya malayo-layo pa ang mismong mansion. Ang sabi kanina ni Liwayway ay doon na lamang siya bababa dahil ayaw niyang marinig ng mga magulang niya ang pagdating ng sasakyan dahil ayaw niyang malaman ng mga ito ang pag-uwi niya. Ang curfew niya ay seven o’clock ng gabi. Malapit nang mag alas nuebe ngayon at ang mas masama pa, nakainom siya ng marami. She was never allowed to drink except for social occasions. At kahit pa sa mga ganoong pagkakataon, iisang kopita ng wine o champage lamang ang puwede niyang inumin. Ngunit masama ang loob niya ngayong gabi kaya hindi niya namalayan na naparami na pala siya ng inom. Nag-away sila ng kasintahan niyang si Garry at hindi siya nito pinansin buong magdamag. It was his birthday at sobrang nakonsensiya si Liwayway sa nangyari ngunit labag din sa kalooban niya ang hinihiling nito. “Hindi ba ito ang gusto mo?” lumuluha niyang sabi. “Binibigay ko na ang sarili ko sa ‘yo, Garry.” “What the f—” Bago pa matuloy ni Matteo ang pagmumura ay tinawid na ni Liwayway ang pagitan nila at siniil ito ng mapusok na halik sa labi. Mas lalo niya ring idiniin ang kamay nito sa s*so niya. Napaungol na naman siya sa kiliting hatid ng paghalik dito. Napakalambot at init ng mga labi nito kahit hindi ito tumutugon. “Wait,” saglit na nakawala si Matteo at pilit siyang inilalayo. “Liwayway, hindi ako si—” Muli niyang pinutol ang sasabihin nito at sinipsip ang itaas nitong labi. Marahil ay nagtatampo pa rin ito sa kanya kaya ayaw nitong tumugon sa ginagawa niya. Mas pinag-igihan niya ang ginagawa. Inilabas niya ang kanyang dila at pinilit itong ibuka ang bibig. Hindi siya sanay sa ganoong klaseng halikan pero iyon ang nakikita niya sa mga palabas na pinapanood nila dati ng bestfriend niyang si Bettina. Giniya niya ang kamay ng lalaki at ipinasok iyon sa loob ng kanyang bra. “Ohhh…” napasinghap siya nang masagi nito ang kanyang ut*ng. Pagkatapos ay muling ipinasok ang dila sa loob ng bibig nito. “L-Liwayway…” “I’m yours for tonight…” paos niya bulong. Unti-unting uminit ang katawan ng binata. Natangay na rin ito sa ginagawa niya lalo pa’t nakainom rin ito kaunti. Nagsimula itong tugunin ang mga halik ni Liwayway. Mariin nitong sinipsip ang kanyang mga labi maging ang dila, bago nito ginalugad ang loob ng kanyang bibig. Pinisil-pisil pa nito ang kanyang ut*ng kaya’t napaarko ang likod ng dalaga at napasambunot sa buhok nito. Kapwa sila umuungol sa sarap na tinatamasa habang nag-i-espadahan ng mga dila. Nang hindi makatiis, pinaupo nito si Liwayway sa kandungan nito habang hindi pa rin sila tumitigil sa paghahalikan. Halos mabaliw na si Liwayway sa sarap na ngayon niya pa lang naranasan sa buong buhay niya kahit apat na taon na siyang mayroong nobyo. Nangako siya noon sa sarili at sa mga magulang niya na ibibigay lamang niya ang kanyang pagkabirhen sa lalaking pakakasalan niya. Pero ngayon ay handa na siyang ibigay iyon sa binata dahil ayaw niyang mawala ito sa kanya. Ito ang magsisilbing regalo niya sa ika-biente tres na kaarawan ng kanyang nobyong si Garry. Hinahalikan ni Matteo ang leeg ni Liwayway nang kapwa na lamang silang napaigtad sa napakalakas na kalabog sa bintana ng kotse at pagkatapos ay ang pagtama ng nakakasilaw na flashlight sa kanilang mukha. “What the hell are you two doing?!” Dumagundong ang boses ni Mayor Theodore Altamero sa katahimikan ng gabi. Nagpakawala naman ng malakas at mahabang hiyaw ang ina ni Liwayway na si Analisa. Napahawak ito sa dibdib at bigla na lamang nawalan ng malay. Gulat na gulat ang lahat sa nasaksihan kabilang na ang apat na matatandang bisita ng mga Altamero sa gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD